Chapter 32 - Avoid

616 13 0
                                    

Chapter 32: Avoid

Andy

Ilang araw na ang lumipas ng malaman ni Billie na si Mama ang nakabangga sa Mama n'ya. Simula nung araw na iyon hindi na n'ya ako pinansin. Kahit tawagan ko s'ya ay hindi n'ya ako sinasagot. Kahit nga magkatabi kami sa klase hindi kami nagkikibuan. Para kaming hindi na mag-kakilala.

Sabi ko nga e, once na malaman ni Billie ang lahat ay magagalit s'ya saakin. At mas lalo s'yang nagalit dahil alam ko na ang lahat bago n'ya pa nalaman. Kingina ang sakit sa puso! Iniiwasan ako ng taong gusto ko.

Namimiss ko na s'ya, para kasing naging cold na s'ya at tahimik. Dati naman ang daldal at ang taray n'yan.

Ngayon papunta na ako sa classroom at binabagtas ko ang hallway. Nakapamulsa ako habang mabagal na naglalakad. Binagalan ko talaga lakad ko dahil nasa unahan ko si Billie. Ganto ako lagi, pinagmamasdan s'ya ng hindi n'ya alam. Medyo malayo ako sa kan'ya para hindi n'ya mahalatang nasa likod n'ya ako. Kase pag nalaman n'ya, for sure magmamadali 'yan mag-lakad.

Habang nag-lalakad ay napatigil ako at nangunot ang noo ko ng may lalaking lumapit sa kay Billie. At ang masama pa, si Adrian na gago pa ang lumapit sa kan'ya, senior 'yan at kilalang gagong womanizer ng campus.

Nagtangisan naman ang bagang ko ng hawakan n'ya si Billie sa bewang at lumapit ng pag-kalapit lapit kay Billie. Buti nalamang at naitulak s'ya ni Billie at nanakbo na ito ng mabilis.

Nung nanakbo si Billie lakad takbo akong lumapit kay Adrian saka s'ya kinuwelyuhan at padabog na sinandal sa locker.

"Ano bang problem mo!?" galit na sigaw nito at pilit n'yang inaalis ang kamay ko sa kwelyo n'ya. Tiningnan ko naman s'ya ng matalim.

"Alam mo ba 'yung salitang respeto?."matigas kong tanong sa kan'ya.

"Tumigil ka! Junior ka palang at Senior mo ko dapat galangin mo ko--"

"Wala akong pakialam kung senior ka at junior ako. Ang akin lang, dapat marunong kang rumespeto sa babae. Lalo na sa babaeng 'yon." nanggagalaiting sambit ko at nginisian n'ya ako.

"Ah 'yung magandang si Billie b--"

"Wag ko na uling makikitang nilalapitan at hinahawakan ng madumi mong kamay si Billie ha? Kung hindi makikita mo ang hinahanap mo." matigas na sambit ko sa kan'ya at kita ko naman ang takot na rumehistro sa muka n'ya. Pabato ko s'yang binitawan at saka umalis na.

Badtrip na Adrian 'to!

Nung makarating na ako sa classroom. Nakita kong nag-babasa si Billie sa upuan n'ya. Gusto ko s'yang tanungin kung okay lang ba s'ya. Pero huwag na lang.

Naupo na ako sa tabi n'ya, at kagaya ng dati, hindi na uli kami nag-uusap. Sht namimiss ko na talaga s'ya!

Mamaya nga kakausapin ko s'ya.. Tama, bahala na kung anong mang-yari basta kakausapin ko s'ya.

Karsyn

Ano kayang problema ng dalawang ito? Ilang araw na silang ilag sa isa't isa ah. May nangyari kaya?

Ang tinutukoy ko ay sina Billie at Andy. Hindi kasi nag-papasinan e. Matanong nga si Kei baka may alam.

"Kei.." tawag ko sa kan'ya. Nilingon naman n'ya ako.

"Hm?" sagot n'ya habang nakangiti. Hehe ang ganda n'ya ngumiti, by the way kung tatanungin n'yo kung kamusta na ang mga magulang ni Kei, well mag-kaayos na sila hehe. Sabi ko na magkakabati rin sina tito at tita e.

"May nakwento ba si Billie sa'yo? Sa tingin mo, bakit sila nag-iiwasan?" tanong ko. Itong gagong si Andy kase ayaw mag-kwento. Secret nalang daw tss!

Road to You (Sports #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon