Chapter 53 - His Plan

595 21 7
                                    

Chapter 53: His plan

Third Person's View

"A-andy.." umiiyak at halos hiningang sambit nalang ni Billie habang nakatingin sa walang malay na katawan ni Andy. Nag-simula nang mag-ingay ang tao at nag-silapitan narin ang mga course marshal na may kasamang medic para tiningnan ang lagay ni Andy.

"Oh my gosh.." hindi makapaniwalang sambit ni Keily. Napahilamos naman sa muka si Karsyn.

"Diyos ko si Andy!" nag-aalalang sambit nito.

Patuloy parin sa pag-iyak si Billie habang nakatayo at nakatingin dito habang sinusuri ng medic.

Nang tiningnan ng mga medic kung may malay si Andy, agad silang tumawag ng back-up dahil wala itong malay.

Nag-labas muna ng red flag ang flag marshal dahil masyadong delikado kung ipag-papatuloy ang race dahil sa nag-kalat na parte ng mga sirang motor sa daan.

Maya maya, may bumabang helicopter sa field at agad na isinakay doon si Andy.

Tumingin naman si Billie kay Karsyn.

"Syn, p-pumunta rin tayo ng ospital!" umiiyak na sambit ni Billie at tumango naman agad si Karsyn.

"S-sige."

***

Habang nasa sasakyan, patuloy parin sa pag-iyak si Billie at patuloy parin na nag-dadasal na sana walang masamang mang-yari kay Andy.

"S-sana maging okay lang s'ya.." humihikbing sambit ni Billie.

"Sana nga.." alala ring sambit ni Syn at napatingin naman sa kan'ya si Billie dahil sa sinabi nito. Lalo tuloy s'yang natakot.

Andy, sana okay ka lang..

Nang makarating na sila sa Buriram Medical Hospital. Agad na bumaba si Billie sa kotse ni Syn at agad na nag-punta sa front desk ng ospital.

"Miss, may dinala bang A-andy Dela Torre sa ospital na ito?" alalang tanong ni Billie at nangunot lang ang noo nung babae dahil hindi n'ya maintindihan si Billie dahil tagalog ang salita nito.

"Billie, hindi ka n'ya maiintidihan. Sa emergency room, siguradong nandoon si Andy." sambit ni Karsyn at tumango naman si Billie saka mabilis na nag-punta sa ER.

At hindi nga sila nag-kamali, pag-karating nila doon.. nakita nila si Cleo at Alberto na hindi mapakali sa labas ng ER.

"Diyos ko, sana maayos ang lagay ni Andy." rinig ni Billie na sinabi ni Cleo habang papalapit sila rito.

Nang tuluyan silang makalapit kina Cleo, agad nitong tinanong ang kalagayan ni Andy.

"Tito Alberto.. Ate Cleo, k-kamusta po si A-andy?" garalgal ang boses na tanong nito dahil hindi nanaman n'ya mapigilan ang mapaiyak.

Lumapit sa kan'ya si Cleo saka ito pinaupo sa bench sa gilid ng ER. Pinunasan muna ni Cleo at luha na pumatak sa pisnge n'ya saka sinagot si Billie.

"G-ginagamot na s'ya sa loob. Hindi pa lumalabas ang doktor, hintayin nalang natin ang sasabihin n'ya." malungkot na sambit ni Cleo at napalunok lang si Billie at tuluyan na ngang pumatak ang luhang pinipigilan n'ya kanina pa.

"M-magiging maayos lang po ba si A-andy?" umiiyak na tanong ni Billie.

Billie

"H-hindi natin masasabi. Pero sana m-maging maayos s'ya." muling pinunasan ni Ate Cleo at luhang pumatak sa pisnge n'ya kaya mas lalo akong kinabahan. Masama ang kutob sa mang-yayare. Sana hindi totoo itong kutob na nararamdaman ko.

Road to You (Sports #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon