Nang maipit si Bea sa traffic ay kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Maki.
Tatlong ring bago ito sumagot.
"Maks, I saw him today." Sabi niya agad hindi pa man nakakapag-hello ang nasa kabilang linya.
"Who?"
"Thirdy." She answered as she put her phone on loud speaker and placed it on the cellphone stand.
"Great. So did you already kiss and make up?"
Bea gritted her teeth. Puro talaga kalokohan itong babaeng ito.
"Maki."
"What? Ito naman parang nagtatanong lang eh."
She sighed. Kung hindi lang niya kailangan ng makakausap ay hindi niya papatulan itong kaibigan niya na 'to eh.
Nakita niyang umusad na ang naunang sasakyan sa kanya kaya pinaandar muna niya ang sasakyan niya bago nagpatuloy sa pagkausap kay Maki.
"I avoided him."
"You what?"
"I avoided him nga. Hindi ko siya pinansin."
"Bakeeet? Bakit mo ba iniiwasan? Ex ka, ex ka? Daig mo pa 'yung bitter na ex sa drama mong 'yan ah. Act cool lang dapat, sis. 'Wag mo naman pahalatang may feelings ka."
Hindi nalang niya pinansin ang pahabol na pang-aasar nito.
"He texted me afterwards."
"Ano sabe?"
"Why are you avoiding me? 'Yun."
"Ano sabi mo?"
"I havent replied, yet. I honestly don't know what to reply."
Sandaling nag-isip ito sa kabilang linya.
"Ganito sabihin. Sorry, Thirds kung dinedma kita. Gusto kasi kita, eh. Natatakot ako na kapag nagkausap at nagkasama ulit tayo ay mag-give in ako sa feelings ko. 'Di pa ako kasi ready harapin 'yung feelings ko for you. Kaya iwas muna ako sa 'yo. Alam mo naman ang tao kapag nagmamahal ay parang kahoy na inanay, rumurupok. Eh, ayoko namang maging marupok. So iwas muna ako sa 'yo. Usap nalang tayo ulit kapag tumapang-tapang na ako, okay? Textback. Love you. As a friend only."
"Maki, ang dami mong sinabi pero wala namang kwenta."
Narinig nalang niya ang pagtawa nito sa kabilang linya.
She should've known that it wasn't a good idea calling her friend. Sumasakit lang ang ulo niya sa mga sinasabi ito.
"Bea." Tawag ni Maki maya-maya sa kabilang linya.
"O? May sasabihin ka nang matino? Makakausap na kita nang maayos?" Bea didn't hide the irritation in her voice.
Her friend just laughed out loud.
She was about to end the call when she heard Maki talking again.
"Akala ko pa naman volleyball ang favorite game mo, taguan pala."
"Are you on high, Maki? Anong taguan pinagsasabi mo?"
"Taguan ng feelings. For sure MVP ka rin d'yan! Hahahahaha. Bye!"
Toot.. toot.. Binaba na nito ang tawag bago pa man niya ito masagot.
Bea just groaned in frustration.