"Kasi mahal kita, Bea."
Hangga ngayon umuukilkil pa rin sa tenga ni Bea ang mga salitang sinabi ni Thirdy noong gabi ng birthday niya.
Bulong lang 'yun, pero parang isinigaw sa kanya.
She was speechless. Hanggang sa tumayo na sila at sumakay sa sasakyan nito ay nanatili siyang tahimik.
Alam niyang 'yun ang matagal na niyang hinihintay, ang marinig ang mga salitang gusto niyang marinig kay Thirdy. Pero ang hindi niya napaghandaan ay ang sasabihin niya kapag dumating ang pagkakataon na iyon.
At 'yun na nga, hanggang sa maihatid na siya nito sa bahay ay walang namagitang usapan sa kanila. She just managed to utter thank you as she went out of Thirdy's car.
Nang makapasok sa bahay nila ay gusto niyang sabunutan ang sarili niya.
At ngayon nga, isang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang pag-uusap nila. Isang linggo na rin mula nang huli niyang makita ito. Magkaiba rin kasi ang oras ng practice nila kaya hindi sila nagkikita.
Hindi rin naman ito tumatawag.
She can't help but think if he was serious about what he said? Or was it just a spur of the moment slip of tongue from him?
She sighed sharply. She should've asked those questions to him personally para hindi siya naguguluhan.
She was startled when she heard her phone rang.
Thirdy calling..
Nakailang ring na bago niya ito sinagot.
"Hi."
"Hello."
Hindi agad nagsalita si Thirdy sa kabilang linya. Kahit hindi niya ito kaharap ay nakakaramdam siya ng pagkailang.
"I don't know if this is the right time to talk about it. I would like to talk about it personally sana, but I have the feeling na umiiwas ka na naman." She heard Thirdy sigh on the other line.
"Ha? Ahm.."
C'mon, Bea, have something to say! Utos niya sa sarili.
"Bei.. About what I said last---"
"Can we not talk about it?"
Nakagat niya ang pang-ibabang labi sa sinagot niya.
Palpak na naman, Bea! Ang tanga-tanga.
Narinig niya ang paghugot ni Thirdy nang malalim na buntong-hininga. She knew he wanted to say something, but her tone made him think otherwise.
"Okay.. If that's what you want. Just forget what I said, Bei. 'Wag mo nang isipin 'yun."
That's impossible. Wala yatang lumipas na sandali na hindi niya naiisip 'yun. But she's not yet ready to talk about it. She just can't make up her mind.
"Ah.. Y-Yeah, hindi ko naman sineryoso 'yun." Sagot nalang niya.
Really, Bea?
Silence.
Ang tanging naririnig lang niya sa kabilang linya ay ang paghinga ni Thirdy.
"Yeah.. 'Wag mo ngang seryosohin 'yun." He answered in a low voice. She even heard him laugh... a hollow laugh?
Aray.
Masakit palang marinig 'yun kay Thirdy. Pero sa kanya naman unang nanggaling, kaya wala siyang karapatang masaktan.