9

1.8K 66 67
                                    

Hilong-hilo na si Bea. Hindi niya alam kung ilang oras na siya sa bar at kung nakakailang baso na siya. Basta ang alam lang niya ay gusto niyang magpakalasing ngayong gabi.

Napatingin siya sa kanyang likuran nang marinig ang mga nagkakasiyahang party-goers. Muntik na siyang mahulog sa kinauupuan niya nang dahil sa sobrang pagkahilo, pero nakahawak siya sa bar counter.

Other times, she would've love to roam around and go dance to her heart's content. But not tonight. She just wanted to drink to her heart's content.

Inayos niya ang kanyang pagkakaupo at tinawag ang bartender.

She asked for another glass. The bartender looked at her as if contemplating if he will give her another shot. She got irritated and pulled a one-thousand peso bill and placed it on the bar counter hoping that he would just give her a drink.

"One more glass, please. Keep the change." Sabi niya at inabot dito ang pera. Tiningnan lang nito iyon.

"Ma'am kaya niyo pa po ba? Marami na po kasi kayong nainom. May kasama po ba kayo? Isa po kasi sa policy namin dito na bawal maglasing kapag wala pong kasama for safety na rin po ng lahat ng customers." Malakas na sabi nito para marahil marinig niya sa sobrang lakas ng tugtog sa loob ng bar.

"Oh c'mon, spare me with the company policy lecture. Do you think I will ashk for another glass if I can't handle myself? At hindi pa ako lashing! So give me another shot!" She tried so hard not to slur her words. Of course she knew that policy. Kung bakit ba naman kasi kanina pa niya tinatawagan si Maki pero hindi nito sinasagot ang nma tawag niya.

"Ma'am, may kasama po ba kayo----"

"Meron nga! She's already on the way. Sho shtop talking and give me my drink!" Pinalo pa niya nang malakas ang counter para ma-intimidate ito. But it was no use.

"Pasensya na po, Ma'am. Ako naman po ang mapapagalitan kapag sinunod ko kayo. Hintayin nalang po natin 'yung kasama niyo at bibigyan ko kayo ng alak." Mahinahong sabi ng bartender.

"Bullshit! Bakit niyo ba ako pinakikialaman kung gusto kong maglasing?"

"Ma'am, kumalma po kayo. Sumusunod lang po ako sa policy namin. Pasensya na po." Tinalikuran na siya ng bartender nang may tumawag dito para humingi ng alak.

Damn. Damn, policies! Gusto pa niyang uminom.

Gusto niyang magpakalasing. Gusto niyang magpakalunod sa alak para makalimutan ang sakit na nararamdaman niya.

At alak lang ang nakikita niyang solusyon para mangyari 'yon.

Bumaba muna siya sa bar stool at nagpunta sa cr. It was a challenge going to the cr because her whole world seems to be spinning. Hindi miminsang muntik na siyang matumba kung hindi lang siya nakakahawak sa mga nakikita niyang pwedeng makapitan.

It took her a while before she reached the ladies room.

Humarap siya sa salamin. Kahit medyo nanlalabo na ang mga mata niya sa kalasingan ay kitang-kita pa rin niya ang pamumugto ng mga mata niya sa ilang oras na pag-iyak.

"Shtop it, Bea. Shi Thirdy lang 'yun! Sho what if he doeshn't love you anymore! Sho what if he loves Julia now! Sho what kung ipinagpalit ka na niya...." She's really that drunk because she's now talking to herself in front of the mirror. And she can't help but cry again as she remembered Thirdy.

Siguro sa mga oras na ito, nagse-celebrate na ito dahil sinagot na ni Julia.

"Ano naman ngayon kung hindi na niya ako gushto! Ano ba ang pinagkaiba niya sha ibang mga guys na nagshabing gushto nila ako, pero sha huli hindi pa rin ako pinili??"

What If We Try?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon