8

1.7K 62 72
                                    

"Van! What are you doing here?"

Bea sighed in relief when she saw Van waiting at the front door.

Ngumiti siya dito kahit nag-aalangan siya sa pakay nito sa kanya.

"Hello, Bei."

"Hi. What do you need, Vanny boy?"

Lumapit siya kay Van. Inaya siya nitong maglakad-lakad. Naguguluhan man ay sumama nalang siya.

"Ano na, Van? Don't tell me na inistorbo mo ang pahinga ko para lang maglakad-lakad." She raised a brow on him when they reached the sea shore.

"How are you feeling, Bei? Nabanggit ni Thirdy sa akin na nalasing ka raw kagabi? Tsk. Sabi ko kay Pat bantayan ka at 'wag nang hayaang uminom eh."

Upon mentioning Thirdy, she immediately felt her cheeks burn. Tumingin nalang siya sa dagat para itago dito ang mukha niya.

"I'm okay. Medyo napadami nga ang nainom ko."

"Medyo? You were wasted, Bea. Buti nalang nga naisipang lumabas ni Thirdy. Kundi baka napa'no ka na!"

Napangiwi nalang siya sa sinabi ni Van. He has a point. Kung ibang tao ang nakakita sa kanyang lasing, baka napahamak na siya.

But well, napahamak din siya. Naalala na naman niya ang videong sinend ni Maki sa kanya. There was even one video wherein she bit Thirdy on his back.

Nakakahiya talaga siya!

"Sabi ko kahapon sa 'yo, kausapin mo nalang ako eh. But I respected your decision kung ayaw mong magsalita. At nakampante na rin ako noong nag-text si Pat na nasa cottage na kayo. Tapos tumakas ka pala."

Umiling-iling pa ito. Alam niyang nag-aalala din ito sa kanya. Van is such a dear friend to her. It was as if she has found another brother in him.

Bea heard him sigh.

"Bei, I know what's going on between Thirdy and you---"

"There's nothing going on between Thirdy and me!" She said defensively.

"Yeah. What I meant was, I know what happened. Nabanggit ni Thirdy sa akin noong minsang uminom kami." Van paused for a while. "Why, Bea?"

"Anong 'why'?"

"Why did you dump him? Again?"

Naupo siya sa buhanginan. Tumingala siya kay Van nang manatiling nakatayo ito.

"Hindi niya sinabi sa 'yo?"

Van shook his head.

"Ang sabi lang niya, 'Tangina, ang sakit'. 'Yun lang."

"Nasaktan ba 'yun? Eh ilang araw lang kasama na niya Julia. Siya 'yung dahilan, Van. At hindi ko nagustuhan 'yung ginagawa ni Thirdy. He told me he loved me, but he's dating Julia! Paano ako maniniwala doon?" She sighed before continuing. "Van, I know you are also friends with them. Ayoko pang madamay ka dito so please---"

"Bei, you all are my friends. At ayokong nakikitang nasasaktan at nahihirapan ang mga kaibigan ko."

"Van, parte ng buhay ang masaktan---"

"Bei, I know you love him."

"It doesn't really matter, Van. Ayoko nang makagulo sa kanila ni Julia."

What If We Try?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon