Bea woke up with a heavy feeling. She sat up from her bed only to find out that everything around her was spinning.
Sinapo niya ang kumikirot na ulo. "Ah!!!"
Naramdaman niya na mainit ang pakiramdam niya. Mainit din ang hangin na hinihinga niya. Nagbabara na rin ang ilong niya sa sipon.
Hindi niya akalain na lalagnatin siya sa pagkababad niya sa ulan kagabi.
Ah, here we go again.
Humiga nalang siya ulit sa kama niya. Naisip na mawawala rin ang sama ng pakiramdam niya kapag napahinga siya.
Buti nalang pala wala silang practice ngayon.
Bea closed her eyes, then she heard her phone rang.
Kinapa niya ito sa may bedside table niya.
Dani calling....
"Ate Bei? Kita nalang tayo sa UP town?" Bungad nito hindi pa man siya nakakapag-hello.
Oo nga pala! May usapan nga pala silang magkikita ngayon kasama ng ilang mga teammates niya dati sa Ateneo. Nami-miss na raw siya ng mga ito.
Pero gusto man niyang bumangon at puntahan ang mga ito ay hindi niya magawa dahil talagang mabigat ang pakiramdam niya.
"Ah, Dani. Sorry. I don't think I can make it." Sabi niya sa malat na boses. "Nasobrahan yata ako sa pagod. At nabasa ako ng ulan kagabi. Kaya medyo tumaas ang temperature ko." Suminghot pa siya at nagtuloy-tuloy umubo dahil biglang nangati ang lalamunan niya.
"Oh, okay lang ate! Pagaling ka, ha? Miss ka namin eh."
"Missed you too. Danyot! I'll see you when I'm well na."
"Hala sino ang mag-aalaga sa 'yo d'yan? 'Di ba wala sila Tita Det? Gusto mo punta ako d'yan para----"
"No need na, Dani. Nandito naman sila Manang Delia. Kita nalang kayo nila Jules. Tell them I miss them na rin. I'll see you all soon." Sabi niya at binaba na ang tawag.
That's a lie. Dahil ayaw niyang may nag-aalaga sa kanya kapag may sakit siya.
Nagbaluktot nalang siya sa kama niya at muling pumikit.
Umakyat si Manang Delia nang hindi siya bumaba para sa almusal. Sinabi nalang niya na hindi siya nagugutom.
Manang Delia probably noticed that she's not feeling well so she went back with a glass of hot milk and a tablet of paracetamol.
Kabisado na nito ang ugali niya kapag may sakit siya kaya iniwan na rin siya nito kahit bakas sa mukha nito na nag-aalala ito.
Sa sobrang sakit ng ulo niya ay hindi niya namalayang nakaidlip siya.
Nagising siya nang masilaw sa ilaw ng kwarto.
"M-manang, t-turn off the lights! Later ako bababa." Namamalat pa ang boses niya. Hindi pa rin nawawala ang sakit ng ulo niya.
"You didn't drink your medicine. Sabi na nga ba at tama si Manang Delia eh."
Napilitan siyang magmulat ng mga mata nang marinig ang pamilyar na boses na 'yun.
"T-Thirdy? W-what are you doing here?"
Pinilit niyang bumangon sa pagkakahiga kahit nahihirapan siya.
And there she saw him, he was standing near her door. He was wearing a simple blue shirt and a pair of faded jeans. He looked so fresh, casual, and gorgeous.