CHAPTER 11

68 7 0
                                    

Nang kinaumagahan nga ding yun ay hinatid ako nila nanay sa terminal ng bus papuntang Maynila. Tigam ang mga luha na napatingin ako kila nanay sabay kay Junie. Nakayuko lamang ang nanay habang yakap sa harapan ang kapatid ko na noo'y umiiyak na rin. Hindi ko makita ang ekpsresyon ng mukha nito pero sapat na ang mahinang pagyugyog ng balikat para masabi kong umiiyak rin ito.

Matapos ng nangyari kagabi ay hindi ko na ito kinibo. Buti na lang at pumayag itong manatili muna ako sa bahay kagabi tutal alam na rin kasi nitong wala na akong pagpipilian pa. Sinubukan akong kausapin ng nanay pero hindi ko ito pinansin. Sadyang 'di ko lang kasi matanggap na yun pala ang dahilan kung bakit nila ako kinupkop. Nang dahil sa pera?

Andami kong tanong. Andami kong iniisip pero ni isa dun ay hindi ko matanong kila nanay. Isa-isa kong binalikan ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Like a dark lullaby, the wind sang to me as the memories floated through my mind. Ngunit wala akong matandaan na magpapaliwanag kung anong klaseng tao, hindi, nilalang si Dmitri.

Sa simpleng kumpas at titig nito ay talagang babaluktot na ang sinumang makakaharap nito. I should have known. Simula pa lang ng makilala ko ito ay may kung anong kaba na akong nararamdaman at ang atraksiyon na nadama ko dito ay pwedeng kinokontrol lang din nito katulad ng pagkontrol nito sa akin sa lumang bahay.

...pati na rin ang halikan ito — halik na alam kong nagustuhan rin ng taksil kong damdamin...

But still it didn't gave justice to what they did to me. Niloko nila ako. Alam ng mga ito kung sino ako pero mas pinili ng mga ito na itago yun. Ilang beses ko silang tinanong kung may alam sila pero laging wala. Matagal kong hinanap kung sino ba talaga ako, yun pala nasa harapan ko lang ang kasagutan.

Hindi ko maiwasang mapaisip, pati rin ba ang mga pinakita nilang kabutihan sakin ay puro lang din kasinungalingan?

Pero sa kabila ng mga nangyari, hindi ko pa rin magawang magalit kila nanay. Sa tatlong taon na tumira ako kasama sila nasisiguro kong hindi nila yun gagawin para sa sariling benepisyo nila kundi para sa ikabubuti ng lahat. Kilala ko sila nanay bilang tapat at mapag-arugang magulang. Subalit sa ngayon ay hindi ko pa sila kayang kausapin, ni hindi ko sila kayang harapin pero heto ako ngayon at kasama sila sa huling pagkakataon.

Lumapit sakin ang tatay at hinaplos ang buhok ko. "A-Anak, patawarin mo sana kami. H-Hindi namin alam ang gagawin ng oras na iyon—"

"Hindi niyo na kailangang magpaliwang pa tay." Putol ko. "Kung ano man ang dahilan niyo, hindi pa rin nun mababago ang katotohanang niloko niyo ako."

"Alam ko, ngunit—"

"Tay. Hayaan na po natin yun. Nangyari na ang hindi dapat mangyari, sa ngayon ayoko na muna kayong makausap. Intindihin niyo rin sana ako."

Mabagal na lang itong napatango. Napatingin ako kay nanay pero nanatili itong nakayuko. Nilagpasan ko ito ng tingin at lumuhod sa harapan ni Junie.

"Ate huwag ka ng umalis, dito ka na lang." ungot nito. "Huwag mo kaming iwan."

Naluluhang hinaplos ko ang buhok nito. "Kailangan bunso eh, tsaka huwag kang mag-isip ng ganyan. Babalik din ang ate, m-maghahanap lang ako ng trabaho sa Maynila."

Lumingkis ito sa braso ko. "Edi sasama na lang din ako!"

"Junie..." Inalis ang ko ang pagkakayakap nito sa akin at hinawakan ito sa magkabilang pisngi. "Di ba ang sabi mo sakin big boy ka na? Gusto ko habang wala ako, ikaw na muna ang mag-aalaga kila nanay, pwede ba yun?"

𝐓𝐇𝐄 𝐃𝐄𝐕𝐈𝐋'𝐒 𝐃𝐄𝐍 || 𝐃𝐞𝐬𝐢𝐫𝐞 (Onhold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon