CHAPTER 07

103 5 0
                                    

May mainit na bagay ang biglang dumampi sa pisngi ko. Hindi ko maiwasan ang panginginig ng katawan habang pilit na inilalapit ang sarili dito. Mabilis na dumaloy ang init papunta sa iba't-ibang parte ng katawan ko — sa braso, sa binti, lalo na sa aking puson. Napasagap ako ng hangin nang kusang tumulay iyon pababa sa leeg ko hanggang sa puno ng aking dibdib. Sinubukan kong imulat ang mga mata pero nanatili iyong nakapikit.

Kumawala ang isang ungol sa bibig ko nang mawala iyon. Ang init ay biglang napalitan ng lamig. Mayamaya lang ay naramdaman kong may kumarga sa akin, nagsimula itong maglakad. Kusang dumikit ang katawan ko sa init na nanggagaling dito. Rinig ko ang bawat pagtapak nito maging ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Hindi ko pa rin maimulat ang mga mata, sadyang namimigat pa rin ang mga talukap nito kahit ang katawan ko.

Anong nangyari? Bakit hindi ako makagalaw?

Nasaan ako?

Natakot ako nang sumagi sa isip ko na hindi na ako makakagalaw pa, ibinuka ko ang bibig at nagsalita pero mahinang ungol lang ang lumabas. Nagsimulang mangatal ang katawan ko kasabay ang agarang pagbilis ng puso. Ramdam ko ang pagpisil nito sa aking braso.

"Huwag kang mag-aalala, ligtas ka na..."

Napatigil ako.

Ang boses na iyon.

The voice was unexpected. Malalim iyon, may bakas ng mapang-akit nitong tinig at boses na puno ng awtoridad — its voice seeming to be foreign and yet also familiar at the same time. Tila may mahika ang mga tinig nito at kusang kumalma ang paghinga ko. Sa pandinig ko ay para itong alon ng isang dagat, kayang-kaya nitong alisin ang takot at pangamba sa dibdib ko ng ganun lang kadali.

Kinabahan ako ng parang mas lalong gumaan ang pakiramdam ko. Hindi! Hindi ako pwedeng mawalan ng malay! Baka kapag nakatulog ako ay hindi ko na marinig pa ang boses nito—

"Jusko! Anong nangyari sa kanya!"

Rinig ko ang papalapit nitong mga yabag. Napaiwas ako nang may ibang humawak sa braso ko. Humigpit ang hawak nito sa akin. Alam kong nagsisigawan ang mga ito pero wala akong maintindihan. My hearing kept going in and out of focus.

"Anong ginawa mo—Ibalik mo siya—"

Napaungol ako nang may mga kamay ang biglang humila sa braso ako. Nakarinig ako ng tila nag-aaway ngunit parang umaalingangaw lang ito sa pandinig ko. "Nasa kasunduan—Maawa ka—Isa pang pagkakataon—"

Naramdaman kong umangat ang katawan ko. Bigla akong nakadama ng takot lalo na ng unti-unting nawawala ang init na nararamdaman ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi pwede! Hindi! Kailangan kong gumalaw! Kailangan kong magising! Bumigat ng bumigat ang paghinga ko, para akong mauubusan ng hangin—

"...sunt aici..."

Muli akong kumalma, lalo na ng yumakap sa buong katawan ko ang init nito. Kusang dumantay ang ulo ko sa dibdib nito. Ang huli kong naalala ay ang paghaplos nito sa buhok ko hanggang sa hilahin ako ulit ng antok.

————

Nagising ako nang tumama sa mukha ko ang sikat ng araw. Gumulong ako pero napangiwi lang nang sumakit ang tagiliran ko pati na ang dibdib ko. Napatihaya ako. Makailang beses akong sumagap ng hangin dahil sa paninikip nito. Iminulat ko ang mga mata.

Bumungad agad sakin ang pamilyar na bubong ng aming bahay. Katulad ng dati ay luma na yun at may ilang butas na sa ibat-ibang parte. Iniikot ko ang tingin hanggang sa makarating ito sa babaeng nakaupo sa tabi ko.

Matagal ko itong tinignan. "N-Nay..."

Napaubo ako. Ramdam ko ang labis na panunuyo ng lalamunan. Mabilis itong tumayo at inabot sakin ang isang basong tubig. Kinuha ko ito at inisang lagok. Tahimik lang ako nitong pinagmasdan hanggang sa maubos ko ang laman ng baso.

𝐓𝐇𝐄 𝐃𝐄𝐕𝐈𝐋'𝐒 𝐃𝐄𝐍 || 𝐃𝐞𝐬𝐢𝐫𝐞 (Onhold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon