CHAPTER 12

57 5 0
                                    

My eyes tiredly stare outside the window until the morning came. Nakatulog ako pero lagi akong nagigising kahit sa kunting ingay lang. Nanlalabo at mga mata at nanghihina ang katawan ko dahil sa kakulangan ng tulog. The breeze wafted through the window but it didn't help ease the sick feeling that I have since yesterday. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga naging kaganapan kagabi.

That dream, or that's what I wanted to believe in, was something more erotic than I would ever think of. Oo, madalas akong managinip ng mga hindi maipaliwanag na bagay pero iba iyon. Somehow that dream felt like it was real. I don't know how or why pero yun ang nararamdaman ko. Clutching the covers closely to my body, I still crave for the warmth of his touch and the heart pounding kisses that he could give. Para akong humahangad ng isang bagay na napakaimpossibleng mangyari, and ironically enough, still happened.

A chill fluttered over my cheeks, and I drew the cover tighter in hopes that it would chase away the wraiths of the night. I felt I had been claimed in that strange, terrible dream. Ang mga haplos nito, ang mga halik nito, they all felt familiar at totoo yun. Dream or not, malaki ang tyansa na konektado ang panaginip na yun sa nakaraan ko. Maaaring panaginip lang yun ngunit malakas pa rin ang kabog ng puso ko. I was still unnerved, and the power of their intensity lingered within me.

Kahit napakaganda ng lugar na ito, natatakot pa rin ako. I've experienced worse and I know I might experience more. May kakaibang enerhiya sa bahay na ito na hindi ko kayang ipaliwanag, at ang pakiramdam na yun ay katulad ng bahay na pinagdalhan sakin ng lalaking yun. I could nearly taste it on my tongue and its pulse beating loudly in my ears. This place looks as if it hold tons of history, and I'm willing to uncover it all.

A soft knock on the door broke me in the trance.

Pupungas-pungas akong umayos sa pagkakaupo nang bumukas ang pinto. Isang maliit na babae na may kaputiang balat ang nakayukong pumasok. Naguguluhang pinasadahan ko ito ng tingin.

Nakasuot ito ng long sleeve at manipis na puting blouse na umabot hanggang sa pupulsuhan nito. Pinatungan naman iyon ng hapit na kurset na humulma sa natural na kurba ng kanyang katawan, tuloy bahagyang sumilip sa damit nito ang bilugin nitong dibdib. Mahaba rin ang suot nitong puting palda na umabot sa mga paanan nito at pinatungan din ng berdeng tela. Gabaywang naman at nakatirintas ang itim nitong buhok sa magkabilang gilid na tinernuhan ng pulang laso sa dulo. Hindi ko pa nakikita ang mukha nito and yet she was dressed immaculately and looked quite lovely.

"S-Sino ka?" Nauutal kong tanong.

Hindi nito iniangat ang tingin bagkus ay yumukod ito. "Buna dimineata doamna mea, ang ngalan ko ho ay Ethelinda. Ako po ang inyong magiging personal na tagapagsilbi."

Napakurap ako. Hinintay ko itong tumawa pero nanatili itong nakayuko. "Tagapagsilbi? P-Para saan?"

Iniangat nito ang mukha. Sumalubong sakin ang singkit nitong mga mata. May kaliitan ang mukha nito at may kanipisan ng kunti ang mga pisngi. Maliit rin ang labi nitong tila laging nakasimangot ngunit medyo may kapulahan naman na maihahalintulad ko sa isang manika. Mukha itong intsik pero sa klase ng pananalita nito ay 'di ako sigurado.

"Sa kahit ano hong bagay, binibini," Nagmamadali itong pumasok ng kuwarto at may inilapag sa kama.

"At bilang personal ninyong tagapagsilbi, nararapat lamang na ako ang maghanda mula sa inyong pananamit, paliligo at pati na rin ang pagdala ng iyong makakain. Maaari rin ho kayang magtanong sakin ng kahit ano mang bagay na hindi niyo maunawaan at mga lugar na nais ho ninyong puntahan."

Dun ko lang napansin ang dala nitong tray. May tatlong pancake na nakalagay sa plato at isang tasa na may lamang tsaa. Nanuot sa ilong ko ang pamilyar na amoy ng halaman. Kinuha ko ang tasa at sinimsim yun. Herbal tea? Lasang-lasa ko ang ginseng at iba pang sangkap na 'di ko masabi kung ano. Nasasamyo ko rin ang pamilyar na amoy ng bulaklak at ugat ng halaman. Uso pa pala ang ganitong klaseng paggawa ng tsaa. Natural ang pagkakagawa nito at walang halong anumang bagay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝐓𝐇𝐄 𝐃𝐄𝐕𝐈𝐋'𝐒 𝐃𝐄𝐍 || 𝐃𝐞𝐬𝐢𝐫𝐞 (Onhold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon