CHAPTER 10

78 6 1
                                    

Kinabahan ako nang bigla akong hilahin ni nanay papasok ng bahay. Agad nitong isinara ang pintuan at dumiretso sa kuwarto. Sinundan ko ito. Napamata ako nang makitang nagkalat ang ibang gamit habang nagmamadali nitong inilalagay ang ilang damit sa bag.

"Ano hong ginagawa niyo!"

Lumapit ako para pigilan ito pero mabilis ako nitong naitulak. "Nay!"

"Tumahimik ka Minerva!" Mahigpit ang pagkakakapit nito sa kamay ko. "Hindi mo alam ang ginawa mo!"

Tulala na lang akong napatingin kay nanay. Hindi ko maintindihan ang pinagmumulan ng galit nito. Dahil ba nakita nitong may kasama akong lalaki? Pero kung kausapin niya ito kanina ay para bang kilalang-kilala na niya ito.

Hindi ko na ito pinigilan. Patuloy ito sa pagkalkal ng mga gamit namin at sunod-sunod na inilagay ang mga yun sa bag. Taranta ito, isang bagay na ngayon ko lang nakita. Then there was this disturbing feeling, one that made me want to hurl.

Napalunok ako. "S-Si Junie?"

"Nasa bahay siya ng tiya mo." Binuksan nito ang kabinet. "Dun muna siya pansamantala."

Nagulat ako nang bigla nitong pataobin ang papag at kinuha ang maliit na supot. "Nay—"

Natigil ako nang may kumikinang na bagay ang nakakuha ng atensyon ko. Natameme ako nang makita ang isang punyal na hinugot nito mula sa ilalim. Sinipat ko ito, gawa sa kahoy ang hawakan at kumikinang ang talim sa liwanang ng buwan. Nang mapansin nitong hindi ako gagalaw, inabot nito ang kamay ko at ito na mismo ang naglagay ng punyal sa palad ko.

"H-Hindi ko ho kayo maintindihan." naiiyak na sambit ko. "Ano po bang nangyayari—"

"Para sa proteksiyon mo ito Minerva!" Pinagsaklop nito ang palad ko. "Kahit anong mangyari, huwag na huwag mong iwawala ang punyal na ito, naiintindihan mo?"

Nagugulahang napatango na lang ako dito. It was then I realized how truly terrified I was. Malakas ang kabog ng dibdib at nanginginig ang kalamnan. Walang pagsidlan ang kabang namumuo sa puso ko. Hindi na ako nakaimik nang hilahan ako ni nanay sa braso at mabilis na lumabas ng kuwarto. Dun namin naabutan ang tatay na may hawak na balisong habang nakasandal malapit sa bintana.

"Danilo—"

Inilagay nito ang hintuturo sa bibig. Hinawi nito ang kurtina at sumilip sa labas. Mamaya'y itinuro nito ang likuran ng bahay. Natatakot na sumunod na lang ako sa mga ito. Muntik na akong mapasigaw nang biglang kumalabog ang pintuan sa sala.

Agad na binuksan ng tatay ang pinto at iginiya kami palabas. We took off into a vicious sprint the moment we stepped out of the house. Parang nablangko ang isip ko. Nauuna kaming tumakbo ni nanay habang nasa likuran namin ang tatay. Rinig mula rito ang malakas na paghampasan ng alon sa dagat, tila nagbabadya ng matinding panganib. Tanging liwanag ng buwan ang nagsilbi naming ilaw sa madilim na gabi.

Natatarantang napapalingon ako sa tuwing may ingay na maririnig pero hindi kami tumigil. As we hurried across the houses, I gave the old shack one last glance.

"Matatapos na din ang mga paghihirap mo anak," narinig kong sabi ni nanay.

It wasn't a statement. It was a promise, something that I try to hold on to. For the past few weeks I was haunted by my nightmares, and I know that she saw the fear reflected in my eyes. Kung anu-ano na ang nakikita at naririnig ko. Strange things kept happening, dreams that are full of frightening visions and wanton lusts.

At sa tuwing nananaginip ako, pakiramdam ko ay hindi na ako magigising pa. Makailang beses kong inisip na baka hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ako ng isang panaginip, nakakulong sa napakahabang bangungot. At ang bangungot na yun ay unti-unti ng nagiging reyalidad.

𝐓𝐇𝐄 𝐃𝐄𝐕𝐈𝐋'𝐒 𝐃𝐄𝐍 || 𝐃𝐞𝐬𝐢𝐫𝐞 (Onhold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon