Secret Love

238 3 0
                                    

Nagumpisa tong feelings na to nung bata pa lang kami....

By the way.. Ako nga pala si Julie Perez.

May crush kasi ako eh. Dati ko pa siya crush hanggang ngayon siya pa din. Siya na ata Forever eh. Ewan ko? Mahal ko na nga ata siya eh? Ewan!! Nagumipsa kasi yun nung naging classmate ko siya nung grade six kami.

Transferie kasi siya nun. Galing states. Edi Englishero to? Nosebleed to the highest level naman ako kapag kinausap ko siya, tska First day pa lang kaya. Isipin niya Feeling close ako tska isipin niya rin ang kapal ng Face ko masyado. Tska nakakahiya din naman. may hiya naman ako kahit konti.

Adam Morrison pala name niya. Ang galing! Kapangalan pa niya yung Hollywood crush ko. si Adam Levine. Anak ng meant to be nga naman oh. Siguro nga binigay siya sakin ni Lord. Haha! Pasensya na. feelingera lang.

Tumagal-tagal na naging classmate ko siya. Natutuo siya magtagalog ng konti. Medyo baluktot pa siya magtagalog. Pagdating ng mga kalagitnaan ng taon. Sumikat siya sa school namin. Pano, siya ang escort namin.Edi kasali siya sa lahat ng Pageant and other curricular activities sa school namin. Akala ko dati wala na akong makakaagaw kay Adam eh, Sobrang dami pala! kung pwede ko nga lang siya itago sa loob ng cabinet ko para walang makaagaw sakanya e, gagawin ko.

Eh Hindi naman yun pwede.

Nakakainis na nakakaselos din kasi....

Syempre....

Ang gaganda ng ng mga may crush sakanya. Pati nga yung pinakamaganda sa buong campus namin may crush sa kanya eh. Grabe! Dyosa yung babaeng yun! Kulang na lang sambahin siya lahat ng boys sa school namin. Super nakakainsecure talaga!!! as in super. Kung Ikaw ba nasa pwesto ko? Diba ma-iinsecure ka din?

Pagdating ng mga 4th quarter..

Medyo naging close kami.

kasi...

naging magkatabi kami. Grabe feeling ko nasa langit na ako nung nakatabi ko siya. Sobrang Bango pa niya. Kulang na lang mapasok siya sa ilong ko sa sobrang pagsinghot ko sa kanya. Buti na nga lang di niya nahahalata, kasi sobrang nakakahiya yun!!

Ayy!! May nakalimutan pa pala akong banggitin sa mga sinalihan niya sa school namin. Sumali din pala siya ng Basketball club. Grabe! Sobrang galing niya magbasketball! Super Hot nga niya kapag naglalaro eh. Alam mo bang daig ko pa Mommy,niya kasi palagi akong nanonood ng game niya. Wala pa kong absent no!

Pagdating ng Graduation.....

Naiyak ako ng sobra.

Hindi dahil gagraduate na ko.... kundi dahil....

Baka di ko na siya makita ulit. Nakakatawa no? Umiiyak ako sa lalakeng ngayon ko lang naman nakilala. Sabi nga ng mommy ko wag ko daw iyakan si Adam kasi Makakakilala pa naman daw ako ng ibang boys. Hindi lang naman daw siya ang lalake sa buong mundo. tska Bata pa daw ako. tska na daw ako kumerengkeng. Mag-aral daw muna ako. Pero tama naman mommy ko diba? bata pa talaga ako. 

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon