A couple of months later..
"ALICE? OHMYGOSH GIRL, ANONG NANGYAYARI SAYO?"
Isinuka lahat ni Alice ang laman ng bituka niya sa bowl. Alam niyang ng naamoy niya ang bwisit na pusit na iyon ay sasamaan siya ng lasa.
"Magpa-check ka na kaya sa Doktor.. Ilang linggo ka na ring nagsusuka." Nagaalalang saad ng kaibigan niyang si Jessie. Finlush niya ang bowl.
Tinanggap ni Alice ang binibigay nitong tubig, at nagmumog. "Hindi. Ano 'to.. Dahil sa pusit. Oo, sa Pusit! Hindi ko lang nagustuhan yung amoy niya." Pagde-deny niya.
"Anong sa pusit? Girl, Calamari used to be your favorite appetizer!"
Nag-tooth brush siya ng dalwang beses upang maalis ang mapaklang lasa ng acido sa bibig niya.
"I don't know. Maybe my palate changed," Pinagsawalang-bahala niya ito.
Umikot ang itim sa mata ng kaibigan niya. "Agad agad? Ay basta! Hindi ako mapapakali hangga't hindi ka nagpapatingin sa Doktor."
"Kwento mo pa rin sa'kin, nung isang araw ka pa nahihilo. Tapos ayan, ang sensitive mo sa amoy- lalo na sa pagkain. At hindi lang 'yon; Grabe ang mood swings mo these days, at ang antukin mo pa!" Mahabang lintanya ng kaibigan niya.
Napatigil si Alice sa paghiga sa kama, Gayon din si Jessie. May na-realize silang pareho dahil sa pag-point out nito ng mga symptoms niya.
"Wait, don't tell me buntis ka?!"
"Gaga! Pa'no ko mabubuntis, eh wala nga akong Nobyo!" Binato niya ng unan ang kaibigan.
"So? It's the 21st Century girl! One night stands are in the now. Wala ng may pake." Paghagikhik nito.
"Thanks for the pro-tip, but i think my hymen is still intact." Humiga siya sa kama at ipinikit ang mga mata. Talagang hilong hilo si Alice, at hindi niya alam kung anong dahilan nito..
“But c'mon girl, Wala namang mawawala kung magpapa-check ka sa Doktor hindi ba? Let's go. I'll schedule an appointment with our family Doctor. Magaling yun, Promise.”
Wala naman siyang choice eh. She just nods, and closes her eyes. All that's going through her head right now is that she's super freaking dizzy.
________
“Ms. Marchessa, Am I right?” Nakangiting bati ng Doctora. “I see you're a friend of Ms. Rudd here.”
Ngumiti rin siya pabalik. Natuloy sila sa hospital ni Jessie, at ngayon ay kaharap na nila ang Doktor.
“So anong problema natin? How are you feeling?”
“Dok, Ganito po kasi 'yan. For a few weeks po, Nagsusuka siya everytime na gigising siya. Sensitive din po siya sa Amoy, atsaka ang hilig rin po matulog.” Naunahan siya ni Jessie magsalita.
She glares at her friend slightly, Jessie only shrugs. “What? Nagaalala lang ako eh. Baka kasi magsinungaling ka.”
She just rolls her eyes. Hay. Kahit kelan talaga 'tong kaibigan niya. The doctor nods, and lists down her symptoms. Tumayo ang doktora, at chineck ang heartbeat niya gamit ang stethoscope.
“Mhm.. Ayos naman ang heartbeat mo. Cleared rin ang lungs mo... Hija, ilang taon ka na ba?”
“Umm, 22 po.” Tugon niya.
“May nobyo ka ba?”
“P-po?” Nauutal na tanong niya. “W-wala po..”
“Kailan ka huling dinalaw ng regla mo hija?”
Hindi maintindihan ni Alice kung bakit ganoon na lamang ang mga tanong ng Doktor. May nais itong ipunto, Ngunit ayaw niyang maniwala sa iniisip niya.
Binilang niya ang mga araw. Napagtanto nga niyang hindi pa siya dinadatnan ng buwanang dalaw, at halos dalwang buwan na ng huli siyang nagka-regla.
“Almost two months na po..”
The doctor had a knowing look on her face, while her.. Halos bumaligtad muli ang sikmura niya.
Saktong sakto ang mga sintomas niya sa mga Buntis na napapanood niya sa telebisyon. Antukin, Matakaw, Moody at nagduduwal tuwing umaga. She thinks she's watched too much Korean Dramas.
“I'll sign a request for a Urinalysis at blood tests para sigurado tayo.”
Fudge. Totoo ba 'to?!
BINABASA MO ANG
The Lunatic Doctor
RomanceIsang henyong Doktor si Tyron Ybarra Samaniego. Tanyag ang pangalan niya sa buong Mundo bilang isa sa pinaka-magaling sa Medesina. As long as there's a body, Tyron is damn sure he can revive the Person. And in this world, Iisa lang na sakit ang hi...