"Mukha kang malungkot. Sigurado ka bang ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Kuya Lionel kaya napatingin ako sa kanya.
Ako? Malungkot? Mukha ba talaga? Kita ba talaga? Halata ba sa kilos at sa hitsura ko? Ako? Malungkot?
"Makapagtanong ka, kaya nga siya nandito, kasi magsusumbong na binuntis na naman ng asawa. Ang hilig talaga ng Delos Santos na 'yon." Sabi naman ni Kuya Harry at para akong napahiya sa sinabi niya.
"Harry." Suway ni Kuya Noah.
"Binisita natin dito si Alyssandra hindi para pag-usapan ang asawa niya." Sabi naman ni Kuya Keith.
Hindi naman na bago sa akin 'yong kanyang pakikitungo ng mga pinsan ko sa asawa ko. Simula pa lang, noong boyfriend ko pa lang si Gabriel, mainit na ang dugo ng mga ito sa kanya. I know they are just being protective dahil ako ang kaisa-isa nilang pinsan na babae at.. at ayaw lang nilang masaktan ako..
Malungkot nga ako sa araw na ito, inaamin ko. Ewan ko kung saan nanggagaling 'yong lungkot na nararamdaman ko. Parang kusang lumilitaw, kusa kong nararamdaman itong lungkot na ito. Pero sa lungkot ko, pinipili ko na lang maging masaya dahil nandito ngayon ang mga pinsan kong lalaki para bisitahin ako at ang mga anak ko. Para alagaan ako, pagsilbihan sa mga oras na nandito sila.. Na ayun ang hindi na nagagawa ni Gabriel sa akin at sa mga anak namin.
He's busy working. Oh, I know that, of course. Lagi-lagi na lang, walang pinapatos na araw sa pagtatrabaho kaya hindi siya nagkakaroon ng oras para sa akin at sa mga bata. No, I am wrong. Sa mga bata lang pala. Dahil sa akin? Mayroon pala.. Gabi-gabi..
"Aly, you're spacing out."
Napapikit ako nang mapansin na naman ako ni Kuya Lionel dahil sa pinaggagagawa ko. Pero mabuti na lang at siya ang nakapansin dahil hindi niya ako huhusgahan, hindi siya magsasalita.
"I'm sorry, Kuya. I'm just tired.." Sagot ko at itinuon na lang ulit ang atensyon ko kay Augustus na nilalaro ni Kuya Harry sa crib. At sina Kuya Noah at Kuya Keith, nilalaro naman si Gavin at Gabriela sa sala.
"You and Gabriel should talk. Alam kong may problema kayo." Sabi niya sa akin at hindi ako sumagot.
Problema? Parang wala naman. What I mean, okay naman kaming dalawa eh.. Kagabi, kanina bago siya umalis..
Gusto ko 'yan isagot sa kanya pero bakit ganoon? Parang wala akong lakas para sabihin iyon, para sabihin na wala kaming problema ng asawa ko, na okay kaming dalawa..
"You know what, Aly, just tell me the truth. I won't tell Tito Erman about this."
Sa lahat ng pinsan ko, si Kuya Lionel 'yong nakakaintindi sa akin nang ganito. Hindi na rin ako magtataka kasi he's a Pastor, alam niya 'yong galaw ko dahil bukod sa kilala niya ako mula pagkabata ko, nararamdaman niya ako.. And I wish, ganoon din ang asawa ko.
Sumapit ang gabi, at parang sanay na rin ako sa ganitong pangyayari sa buhay ko. Magigising nang maaga para ipaghanda ng almusal ang mga anak ko at ang asawa ko, maiiwan dito sa bahay kasama ang mga bata, magluluto ulit, aalagaan ang mga bata. Tapos kapag gabi, magluluto ulit at isa-isang aasikasuhin 'yong mga bata, at patutulugin.
I am just thankful because Gavin, ang panganay ko, napakaresponsable niya kaya nabawasan ang pag-aalaga ko sa kanilang tatlo dahil imbes na tatlo, eh dalawa na lang. He's now 8 years old by the way. And ang pangalawa, si Gabriela na 5 years old, and then Augustus is the youngest. He's 8 months old.
Madalas, nag-aaway ang panganay at pangalawa pero away magkapatid lang and they love each other so much.
"Mommy! Mommy! Good night! Mommy!"
BINABASA MO ANG
Lost Memories
Short StoryGabriel and Alyssandra are living a life filled with happiness and contentment. They got married at a young age and started fulfilling the dream they have always been dreaming together-a family with a strong foundation. But as their family grows, Ga...