Kabanata 3 (1/9/15)

14.3K 280 3
                                    

Ilang minuto akong nakatayo habang sinusundan siya ng tingin. Hindi ko man lang nagawang psalamatan siya sa ginawa nitong pagliligtas sa akin tatlong taon na ang nakaraan. Matapos kasi ang recovery ko sa hospital ay hindi na ito muling nagpakita pa.

At ang nangyari kanina ay ang unang beses na pagihing malapit ko sa kanya.

Hanggang tingin lang kasi ang kaya kong gawin.

Tumalikod na ako ng mawala na siya sa paningin ko. Agad akong dumaan sa likurang bahagi ng mansyon kung saan naroon si nanang at tatang. Nakita ko naman agad sila. Kasama ang ilang trabahador sa buong rancho. Maging ang nakababatang kapatid ni Sir Harold na si Ference ay naroon.

"Ate" tawag nito sa akin at patakbong tinungo ako at agad na kumapit sa aking binti. Yumakap ito at tumingla sabay ngiti. "Saan po ikaw punta?. Hanap kita. Gusto ko laro tayo" sabi niya habang hawak ang mga lutu-lutuan niyang laruan.

Kinarga ko ito at pinagpantay ang aming mukha. Limang taong gulang pa lamang ito. Kinurot ko ang mataba nitong pisngi. Sumimangot ito sa ginawa ko. Ayaw na ayaw kasi nito ang kinukurot ang pisngi niya."nasaan si yael, bakit hindi mo kasama?" Ang yael na tinutukoy ko ay ang kaibigan nito na anak ng isa sa mga trabahador sa rancho.

Sa halip na sagutin ako ay umalis ito sa pagkakayakap sa akin at nagtungo sa kusina kung saan naroon si Nanang at Tatang. Sumunod naman ako sa kanya. Nakita kong nagsasayahan ang karamihan sa amin.

Kumpleto lahat ng pamilya na naroon. Lumapit ako ng bahagya ngunit napaurong ako ng makita ko na kompleto ang pamilya ni Nanang at Tatang. Naroon si Ate Melba na siyang tunay na anak ng mga ito, kasama pa ang anak niya. Kita ko ang tuwa sa mga mata ni Nanang at Tatang. Iba pa rin talaga kapag tunay na pamilya. Iba pa rin kapag kadugo mo ang kasama mo. Iba pa rin pala talaga.

"Mabuti naman anak at naka-uwi kayo rito sa rancho" tanong ni Nanang kay Ate Melba. Si tatang naman ay buhat-buhat ang apo nito.

"Pasensya na nay, ngayon lang nagkaroon ng free time si owen sa trabaho."

"Miss na miss ko na itong, apo. Kay gandang bata!" Komento pa ni Tatang at pinaghahalikan sa pisngi ang apo nito,

"Kayo naman kasi Tay, ang tagal ko ng sinabi na sumama na kayo sa amin. Okay naman kay owen na roon kayo tumira, mas mabuti pa iyon dahil araw-araw nyong makakasama yang apo niyo." Nakita ko kung paano sumeryoso ang mukha ni ate melba.

"Hindi namin maiwan si Olive. Nag-iisa na nga lang siya. Iiwan pa ba namin ng ama mo"

"Diyan naman kayo magaling, kaano-ano ba nyo ang babaeng iyon? Dumating lang naman siya sa buhay niyo. Pero kung makaasta ay akala mo parte na ng pamilya natin. Ewan ko ba naman sa inyo kung bakit ganoon na lamang ang pagpapahalaga nyo sa kanya." Mistulan may tumusok sa dibdib ko sa sinabi ni ate melba. Oo nga naman, kaano-ano ba nila ako. Halos tatlong taon na akong naging pabigat sa kanila. Samantalang isa lang naman akong babae na walang alam sa pagkatao ko. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko ng walang maisagot si Nanang at Tatang sa tanong ni Atae Melba. Akma akong tatalikod ng biglang tawagin ako ni Tatang.

"Olive, kanina ka pa riyan?" Tanong niya. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

"Kararating ko lang tatang" pagsisinungaling ko. Tumingin ako kay Ate Melba upang batiin siya ngunit umirap lamang ito at lumayo ng bahagya. Napabuntonghininga na lamang ako. Kahit kailan ay mabigat ang loob nito sa akin.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinahanap ni Sir Tristan" sabi ni Nanang. Marahil ay batid nito ang tensyon sa pagitan namin ni Ate Melba.

"Bakit raw po?" Tanong ko na lamang, kahit alam ko ang gusto nitong ipahiwatig. Gusto ni Nanang na lumayo muna ako upang iwasan ang tensyon. "Sige ho! Hahanapin ko na lamang po si Sir" hindi ko na hinintay ang sagot ni nanang at madaling umalis. Ayaw ko rin na may hindi pagkakaunawaan na mangyari dahil sa huli ay ako rin ang kawawa. Tiyak na kay Ate Melba kakampi si Nanang at Tatang.

Nadala na lamang ako ng mga paa ko sa kwadra. Nakita ko si Doc Deryl. Ito ang nagsisilbing Veterinarian ng buong rancho.

"Doc" tawag ko sa kanya. Ngumiti naman agad ito sa akin ngunit sandali lamang dahil agad na itinuon ang atensyon sa pagpapaanak ng kabayo. Naupo ako malapit sa kanya habang tinititigan ang kamay niya na ngayon ay may bahid na ng dugo. Tahimik akong nagmasid. Ilang saglit pa ay nakita ko na ang batang kabayo na nanghihina pa.

"What brings you here, Olive?" Sabi nito habang hinuhugasan ang mga kamay. Hindi ko siya sinagot bagkus ay tumitig lamang ako sa bagong kabayo na ngayon ay kasama ang ina nito na nanghihina rin. Nakita ko kung paano alagaan ng ina ang anak nito. Ewan ngunit nakadama ako ng kakaibang lungkot sa sistema ko. Ganoon rin kaya ang mama ko sa akin?

"Penny for your thoughts?" Nakangiting sabi nito at tumabi sa akin. Nasa labas na kami ng kwadra. Hindi ko namalayan gumabi na pala. Ganoon pala katagal ang inabot ko. Sabagay halos maggagabi na rin kanina ng magtungo ako rito. "Masyadonjg malalim ang iniisip mo. Kung bangin iyan. Ilang feets ang aabutin?"

"Ganyan ba talaga ang mga kabayo sa mga anak nila? Wala sa wisyo na tanong ko.

"Yeah, they take care for their baby until they are ready for weaning. Parang tao rin sila. Ganyan na ganyan." Hindi ito muna nagsalita. Tumingin ako sa langit. Napangiti ako ng makita ang mga bituwin. Ang ganda! Mas magandang pagmasdan ang buong kalangitan sa rancho. Feeling ko-payapa ang mundo na ginagalawan ko. "You looked bothered, may problema ka?" Tanong nito sa akin.

"Three years ago. Nakilala ko ang mundo na meron ako ngayon. Si nanang. Si Tatang. Si Ference. Yung mga tao dito sa rancho. . Pero bakit ganoon- i fell so empty. Ang daming kulang." Napipiyok ko ng sabi. Hindi ko na nakayanan at tuluyan na akong napaluha. " masaya naman ako. Masaya ako sa pamilya na meron ako. Pero bakit ganito hindi ako makuntento" wala na tuluyan na akong napahagulgol. Naramdaman ko palad na humahaplos sa likod ko. Ngunit patuloy lang ako sa pag-iyak. "Mahal ko naman si Nanang At Tatang. Mahal ko ang buhay na meron ako pero hindi pa rin mawala sa isip ko kung anong buhay ang meron ako noon. Kung bakit ako sugatan noong araw na matagpuan ako ni Sir Harold?"

"You can never find the answer to your questions, unless you make a way to find them. Hindi lang ikaw yung olive na ganito, i know you are better than this" napatitig ako sa kanya. Seryosong-seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa akin. "Do you want me to help you?" Tanong niya.

"If that will be the reason to bring back what i've lost. Kahit ano pa iyan. I'm willing to take risk. " nakita ko ang pagngiti niya. " please... Help" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng maiy biglang humablot sa braso ko at itinayo ako, agad kong naramdaman ang braso nito sa akin bewang at idinikit ang katawan ko sa kanya. Naestatwa ako ng tumingala ako at makita ko ang seryoso at walang kangiti-ngiting mukha ni Sir Harold.

"No need" malamig na sabi nito. " kung meron man may karapatan na tulungan siya ay walang iba kundi ako. Because on the first place, she is my responsibility" sabi pa nito at walang sabi-sabing kinaladkad ako papalayo.

The Bride's Man Series: Now that I've Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon