Kabanata 4 (1/15/15)

13.2K 270 5
                                    

Sakop ng kamay nito ang palad ko . Mabilis ang lakad niya habang ako naman ay sumusunod na lamang. Ano ba kasing nangyayari. Kanina lamang ay kausap ko si Doc Deryl pero heto ako ngayon kasama si Sir Harold at ngayon ay magkadaupang- palad pa kami.

Huminto ito sa madilim na bahagi ng mansyon. Ilang saglit itong hindi nagsalita at nakatayo lamang kami roon. Hindi ko na rin kayang gumalaw pa dahil nababalot pa ng tensyon ang buo kong sistema. Sino ba naman ang hindi kung bigla ka na lamang hablutin ng walang ginagawang masama.

I heard him sighed. Dahil sa liwanag ng buwan ay nakita kong tumitig ito sa itaas. Bigla akong kinabahan ng tumitig ito sa akin.

"Si-sir???" Kanda-utal kong sabi, pero tulad kanina ay wala pa rin itong kibo. " May pro-problema po ba?" Tanong ko rito ngunit sa halip na sagutin ako ay isang malamig na titig ang ibinigay niya. Naramdaman ko ang bahagya nitong paglapit sa akin kaya napaatras ako ng kaunti.

"Anong ginagawa mo roon na kasama siya?" Deretsahang tanong niya. Seryosong-seryoso ang mukha niya. Walang ka ngiti-ngiti. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko at halos hindi ako makapagsalita. " im asking you!!??" Halos pasigaw nitong sabi.

"Nag-uusap po" hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga kamay ko. Kung para saan ang takot na nararamdaman ko ay hindi ko alam. "Wala po kaming ginagawang masama ni doc" Pagkasabi ko noon ay kita ko ang pagkagulat niya at agad na tumalikod sa akin.

Nakatingin lamang ako sa likod niya. Pakiwari ko ay may gusto pa itong sabihin, ngunit ayokong mag-usisa. Ayokong makialam kung ano man ang iniisip niya lalo na ang nararamdaman nito, kung ano man iyon ay wala na akong karapatan na malaman pa. Lumakad itong papalayo sa akin. Akala ko ay tuluyan na itong aalis ngunit tumigil ito saglit at animo nag-iisip.

"I heard you want to search for your past?" Walang emosyon na tanong niya habang nakatalikod.

"O-po"

"Then" he sighed. Mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Walang kumibo. Walang nagsalita. Naghihintay ako ng sasabihin niya ngunit lumipas ang ilang minuto ay nanatili itong tahimik.

"Sir"

"Tutulungan kita" tumingin ito sa akin. "I'm going to help you, pero ipangako mo. Kahit na mahanap muna ang pagkatao mo. Hinding-hindi ka aalis sa poder ko. You will stay here."matigas na sabi niya, kaya lalo akong naguluhan. Ano ba ang gusto niyang sabihin.

Mananatili ako sa poder niya. Pero bakit? Lalong naguluhan ang pag-iisip ko. Ano ba ang dahilan nito kung bakit gusto niya akong manatili sa kanya.

"Impossible po ang gusto nyong mangyari" tutol ko sa mahinang boses.

Ngunit hindi ito nagsalita. Tumitig lamang ito sa akin animo may iniisip. "You'll stay. Wala ka namang dahilan para lumayo." Sabi pa niya.

Bumuntong-hininga ako bago magsalita. Kung hindi ko sasabihin ang niloloob ko ay marahil wala na akong pagkakataon para sabihin pa ang mga iniisip ko. Naglakad akong papalapit sa kanya at hinarap siya. Tinitigan ko muna ang mukha nito bago nagsalita. "Sir Harold, i know this will be the first time na mag-uusap tayo ng ganito. And for the past three years gusto kong magpasalamat sayo. Thank you, for helping me. For saving me and specially for the family that you gave me" tumigil ako saglit. Naghihintay na may sabihin ito ngunit nanatili itong walang imik kaya pinagpatuloy ko na lang.

"Kung tutuusin! Utang ko ang lahat ng meron ako ngayon. Marahil kung hindi mo ako iniligtas at pinatili sa poder mo ay siguradong patapon ang buhay ko. Ano nga naman ang magiging kahihinatnan ng isang babaeng walang alam sa pagkatao. Kontento naman ako. I'm happy with all i have. Magmula kay nanang at tatang at lahat ng tao dito sa rancho. But the thing is hindi ako buo. Feeling ko kalahati ng kabuuan ko ay wala. Marami ho akong tanong, at ng nag-alok si doc deryl ng tulong ay hindi na ako nagdalawang isip na tanggapin iyon." Tumigil muna ako sa pagsasalita. At naupo sa bermuda grass. Ito ang kauna-unahang pagkakatuaon na nagsabi ako ng nararamdaman ko sa kanya at ang weird lang dahil hindi ako nakadarama ng kaunting pagkailang man lang. Pakiramdam ko ay natural ang ginagawa kong pagpasabi sa kanya.

Nanatili itong nakatayo habang nakatunghay sa akin, ngumiti ako sa kanya at kita ko ang pag-iba ng aura niya. Ramdam ko ang paggaan ng pakiramdam nito.

"Noong sinabi mong responsibilidad mo ako ay natuwa talaga ako. The mere fact na hindi mo ako kaano-ano but then you take me as your responsibility ay malaking bagay na para sa akin. Pero sir- ayokong maging pabigat sayo. I want to take charge with my life. Gusto kong mahanap ang buhay ko na meron ako noon. Kahit ano iyon. Masama o mabuti handa kong tanggapin."

"Tutulungan kita. Ipangako mo lang na hindi ka aalis. Just promise" sabi nito sa seryosong tono.

"Pero bakit? Kung mahanap ko ang pagkatao ko ay hindi mo na ako magiging responsibilidad pa." Pangangatwiran ko. Ngunit sa halip na sagutin ako ay nanatili itong walang kibo. "Sige, pumapayag ako. I will never leave your side. Tulungan mo lang ako" i saw a relief in his face ng sinabi ko ang bagay na iyon.

Tumayo ako at marahan kong inayos ang damit ko "naparami ata ang nasabi ko!" Marahan akong tumawa ngunit siya ay seryoso pa rin " sige sir! Mauna na po ako" akma akong aalis ngunit mabilis na pinigilan ako ng mga kamay ni sir harold. Napatingin ako sa kanya. Tingin na nagtatanong. Ilang minuto kaming nagtitigan hanggang siya na rin ang bumitaw sa pagkakahawak sa akin.

"Let me take you home." Sabi nito at nauna ng maglakad. Marahil sa sobrang gulat ay hindi agad ako nakapagreact. Agad ko naman itong hinabol. But this time ay sabay kaming maglakad. " Ference like you alot" sabi nito.

"Huh?" Did i just heard it, he's starting a conversation.

"Kinagigiliwan ka ni Ference" marahan akong tumango at ngumiti.

"Opo sir, simula po kasing tumuntong ako sa rancho ay agad si ference ang unang bata na nagustuhan ko. Noong una akala ko ay simpleng bata lang siya. Kalaunan ko lang nalaman na magkapatid pala po kayo. Kaya pala malaki ang hawig niyo sa isat-isa" nakangiti kong sabi sa kanya. Para kasing little version ni sir harold si ference.

"He talks a lot about you."

"Naku! Ganoon po ba. Pasensya na po kayo kung may kalokohan siya sinasabi sa inyo, mga joke lang naman po iyon para matuwa siya. Lagi daw po kayong busy kaya halos wala siyang makausap sa inyo sa mansyon" halos masabunutan ko ang sarili ko dahil sa nasabi ko. Darn!! Parang ipinamukha ko sa kanya na wala silang oras para kay Ference.

Hindi ito umimik at nagseryoso ang mukha. Serious mode na naman ulit siya at kasalanan ko. Kung hindi dahil sa matabil kong dila ay maayos pa kaming nag-uusap ngayon. Tumigil kami sa bahay na tinutuluyan ko kasama si Nanang at Tatang. Walang tao roon at may palagay akong hindi sila uuwi ngayong gabi dahil siguradong hindi papayag si Ate Melba na makasama ako sa iisang bubong.

"Salamat po sa paghatid sir" sabi ko, ngunit kita ko na ginala niya ang kabuuan ng bahay.

"Your alone tonight?" Tanong niya, marahan akong ngumiti at tumango.

"Okay lang naman po ako, malalim na ang gabi sir, delikado po kung magpapagabi pa po lalo kayo" sabi ko sa kanya, ngunit sa halip na pakinggan ako ay hinawakan niya ang kamay ko at lumabas ulit kami ng bahay.

"S-sir, saan po tayo pupunta?"

"Your not going to stay alone!" Napakunot ang noo ko ng tuluyan kaming makalayo sa bahay namin. Nagsalubong ang kilay ko ng tinatahak namin ang daan pabalik ng mansyon. Marahan kong kinuha ang kamay ko sa kanya, ngunit hinawakan niya muli ito at muling kinaladkad ako.

"Sir!"

"Sa bahay ka matutulog" sabi nito.

Sa sobrang kabiglaan ay hindi ko na nagawang magreact pa. Tama ba ang narinig ko sa mansyon ako matutulog. Ngunit mas nag-iba ang pakiramdam ko ng mapansin ko ang mahigpit na paghawak nito sa kamay ko.

We look like lovers. Holding hands while walking under the moonlight. Ewan ko pero napangiti ako sa ideya na iyon.

The Bride's Man Series: Now that I've Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon