Chapter 18: CONCERT

193 8 2
                                    

Zane's Pov

Ngayon na ang sinasabi nilang araw ng concert. At halos lahat sila excited, mas lalo na sina Elexis at Mark. Tch! Ano ba ang meron sa concert at lahat sila excited? Nandito pala kami sa dining area kumakain ng breakfast.

Napansin ko naman si Zaira na sobrang tahimik sa dulo. Anong problema niya at nanahimik? Usually siya ang sasaway kina Mark na manahimik.

" Asaan si Shanna? Di ba siya sasabay? Mamaya na ang concert. " Sabi ni Lucas.

Isa pa yang babae na yan. Simula noong last week pa lagi na siyang nawawala, at di na din siya sumasabay sa pagkain namin. Kumakain ba ng tama ang babaeng yun?

Haist! Bakit ba ako nag-aalala sa babeng yun? Ano naman kung di siya nakain ng tama.

" Kanina pa po umalis si Miss Shanna. Wala po sinabi kung saan siya pupunta, susunod na lang daw po siya mamaya sa venue. " Sabi ng isa sa mga maid.

" Tara na nga at pa magkakaroon tayo ng last practice sa Theatre Arena. " Sabi ko at naglakad na papunta sa garage, kung saan naka-park ang mga hover bikes namin.

___________

Fast Forward

___________

Elexis's Pov

Waaaa! Bakit di na naman sumabay si Shanna?! *pout* Miss ko na pa naman siya.

" 20 minutes before showtime! " Sigaw ni kuya Staff.

Huhuhu!!! Asaan ka na Shanna! Ang dami nang tao sa labas, kinakabahan ako!

Naramdaman ko na naman na may humawak sa balikat ko. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Lucas na nakangiti, hindi killer smile ah, kundi isang gentle smile.

" Wag kang mag-alala, bibigyan namin kayo ng oras. Sure akog sisipot si Shanna. "

Haist... Bakit ba ako di biniyayaan ng kuya na katulad mo Lucas? Ako kasi ang nakakatanda sa aming tatlong magkakapatid sa kaharian. Pero wag kayo! I love my younger simblings so much, to the point that I always pampered them.

Oo nga pala! Sila Lucas muna pala ang mauuna bago kami. Ang costume namin ni Zaira ay tube, light green sa akin hang kay Zai namang ay light blue, at parehas kaming naka black skirt. Si Zaira pinatungan niya ng see through long sleeve, sa akin naman pinatungan ko lang ng jean jacket. 

Sa boys ay parang naka black blazer at white v-cut tshirt, sa pants naman naka jeans lang sila. Ang hot nga tignan ni Mar-- Mali!! Erase! Erase! Wala kayong nabasa!!

Bigla naman namatay ang ilaw sa stage, kaya naghiyawan ang mga tao sa labas. Lumabas naman si Aion na may dalang mic.

" Hello everyone! I know you're excited to see our top no.1 Idol Shanna, but we have a special announcement. Today is also Shanna's new group debut! So stay seated and enjoy the show! "

At pagkatapos noon ay namatay na naman ang ilaw. Nagulat na lang ako nandoon na agad sina Zane pagkabukas ng ilaw.

Ang bilis naman nilang magpunta doon.

Waaaaaiiiiiitttt!!! Am I seeing two of them? 2 Zanes, 2 Lucas, at 2 Mark? Pshh! ok na sana yung sina Zane, pero bakit ginawang dalawang Mark? Nadagdagan tuloy ang pangit sa mundo.

Wow! Ang gagaling nila! May ibubuga naman pala ang playboy na ito at hindi paghahanap ng chics ang nasa utak. 

Tahimik lang kaming nanonood ni Zaira hanggang sa naghubad sila ng pangtaas nilang damit. 

The Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon