Chapter 21: From Girl To Boy

157 7 0
                                    

Elexis' Pov

Urgh!!! Bakit ako pa! Ako na naman ang napag-initan ni Miss Wizz.

Anong problema ko? Well, ako lang naman pinaghahanap ni Miss Wizz ng isang spell na pwedeng ipakita sa kanya. Mababa kasi daw ang performance ko sa klase niya, at... Nahuli niya akong natutulog sa klase. Kaya ito ang punishment ko.

Whatever! Kumuha na lang ako ng random spellbook sa library at ngayon naghahanap sa isa sa mga pages habang pabalik ako sa dorm.

"Hmmm... Parang ang hihirap naman incantaion ng iba." sabi ko sa sarili ko.

Nang nasa pinto na ako ng dorm namin, may nakita akong isang incantation na madali lang bigkasin. Actually 6 words lang. Ito na lang siguro ang gagawin ko. Hehe!

Pagkabukas ko ng pinto ay dumeretso agad ako sa sofa at binigkas ang spell.

"Levrum kirye spirose datum hiceos liskryus!" habang binibigkas ko ang bawat salita palaki ng palaki ang bilog na ilaw sa kamay ko. Pero habang patagal ng patagal nahihirapan akong kontrolin ang ilaw na nasa kamay ko.

Dahil sa nahihirapan na akong kontrolin, naibato ko na lang ito. Pero hindi ko inaasahan na maibabato ko ito kay Shanna!

Umilaw ang katawan ni Shanna, pero nang mawala ito tinignan ko ang katawan niya. Wala naman nagbago.

Pero guys! Kinakabahan ako! Baka mapatay ako ni Shanna!! T___T

Sa sobrang panic ko di ko napansin na pumasok na pala si Zaira sa dorm, sakto din naman ang paggising ni Shanna.

" Huy Lexi! Tara kain tayo ng cake, gusto mo?" pag-aaya sa akin ni Zaira.

Tumango lang ako at pumunta sa dinning area. Si Shanna pumasok sa kwarto niya bago pa makapagtanong si Zaira tungkol kanina sa klase.

Mukang wala naman nag-iba kay Shanna. Paranoid lang siguro talaga ako. Hahahaha!

Third person's Pov

Kinabukasan masarap na kumakain sina Zaira at Elexis ng kanilang almusal. Hanggang sa makaninig sila ng isang sigaw....

"AAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!" Agad na napatayo si Zaira, habang si Elxis naman ay nahulog sa kaniyang upuan.

"Galing sa kwarto ni Shanna yun ah." sabi ni Zaira.

" Tara puntahan natin." sabi naman ni Elexis kay Zaira na tumango sa sinabi niya.

Pumunta sila sa pinto ng kwarto ni Shanna at kumatok. Dahil alam nilang nila-lock ni Shanna ang kwaro niya, kaya di sila agad na makapasok. Nagmagbukas ang pinto nakita nila si Drake.

" Pwede ba namin makita si Shanna?" tanong ni Zaira. Pero tinignan lang sila ng dragon saka sila pinapasok.

Lumutang lang ito at ginabayan sila ni drake papunta sa bathroom ni Shanna.

Pero nang makita nila ang nasa loob ng bathroom ay imbis na si Shanna, isang lalaki ang nakatayo sa loob.

" Sino ka at anong ginagawa mo dito sa kwarto ni Shanna?" sigaw ni Zaira sa lalaki.

Tinignan sila ng lalaki. Halata sa mukha niya ang pagkalito at pagkagulat. Pero binigyan lang sila ng malamig na tanong.

" What the hell are you two doing in my room?" nagulat naman ang dalawa sa sinagot ng lalaki.

'kwarto niya? Eh kwarto ni Shanna ito. Don't tell me...















Ni-rape at pinatay niya si Shanna?! " sabi ni Zaira sa kaniyang isipan.

The Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon