Chapter: 24

195 6 2
                                    

3 Days Later

Shanna's Pov

" Ito na ang scythe na pinapagawa niyo. " Sabi ni Fred sabay kuha ko sa scythe ko at tinignan ito ng mabuti, and all I can say is he did a pretty good job. Now all I need is to apply a few changes.

" Salamat talaga Mang Fred, Pasensya ka na at ngayon lang namin nakuha. " Hinging paumanhin ni Lucas na siyangikinatawa naman ni Fred.

Well na delayed ang pagpick-up ko... Dahil sa dami ng kinain namin ni Drake, ang resulta ay sinakitan kami ng tiyan. Pagka-uwi namin kahapon nalaman agad ni Zaira yung kalagayan ko at mabilisang sumugod sa dorm ng mga boys. Hindi ko alam kung maiinis ako o hayaan ko na lang, since para akong isang batang sinesermonan ng nanay sa katigasan ng ulo.

" Wala yun. Since matagal na yung scythe, may mga ibang parte na hindi na pwedeng gamitin kaya nagpa-order pa akong extra materials. " paliwanag niya.

Hindi na ako nakinig sa usapan nila and proceed to secretly engrave some spells. Naglagay ako ng Physical Damage Absorption, At isang spell na pwede kong ma-adjust ang sharpness ng blade depende kung gaanong karaming magic energy ang ilalagay ko.

Saktong natapos ang ginagawa ko nang tawagin ako ni Lucas. Kaya kinuhako ang bag ko, nagpaalam kay Fred bago umalis ng shop. I really like how they made the design simple and light. I need to remind myself to visit that place more often. Kung curious kayo kung ano itsura ng scythe ko, well ito siya.

(Author: I've been practicing in Props designing para sa course ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Author: I've been practicing in Props designing para sa course ko. Ito lang nakaya ng ability ko. And please do not use my art or post without my permission. Thank you )

Naglakad kami sa shop na kinainan namin last time, at doon namin nakita yung babaeng lumapit sa amin last time. Did I mention na pupunta kami ni Lucas sa village nila. Well now nasabi ko na, that's why nagdala kami ng mga bagahe. Pwede ko ilagay ang mga gamit namin sa 'Storage' ko, kaso baka tanungin lang ako, at ayoko mangyari yun since nakaktamad sumagot ng mga tanong. Also ever since na tumatambay ako sa hidden library, mas madami akong natututunang mga skills, spells, and medicine. 

Kumaway at ngumiti siya sa amin bago kami makalapit. Pero napalitan yung ngiti niya ng confusion nang tignan niya kami.

" Akala ko dalawa lang kayo? " Tanong niya sa amin, dalawa lang naman talaga kami ah.

Parang alam niya na kung ano ang tumatakbo sa isipan naming dalawa kaya nagsalita siya uli.

" Kung dalawa lang kayong sasama, eh sino siya? "  sabi niya sabay turo sa likod namin.

Anong pinagsasabi ng batang bubwit na it---- oh fushia!!! 

Di ko mapigilang mapamura sa isipan ko, kasi pagkalingon naming dalawa sa likod namin ay nakatayo si Flynn!

" Pare! anong ginagawa mo dito? " kinakabahang tanong ni Lucas habang ako, still wearing my poker face.

" Sinusundan kayo. Bakit? may iniistorbo ba ako? "Masungit na sabi ni Flynn sabay tingin sa akin. Problema ng gwapong mokong na'to?

The Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon