Chloe
HIndi parin nag kru krus ang landas namin nakita ko siya kanina pero dinedma ko lang..gagawa kami ngayon nang project for arts kasama ko si andrea at justine
, tutulong ako sa mga magpipintura. May mga nakaassign pala bawat group para sa gagawin nila. Tapos kagroup ko pala sina bakla, na siya tong tinakbuhan ko. Kaya ngayon sa mga late ako napasali. Sino pa kaya ang kasama ko...Sigh. "Sayn?" napalingon ako sa familiar na boses. Lumakas ang kabug ng puso ko. Iniiwasan ko nga siya pero we ended like this. Kami parin ang magsasama.
"Nalate kasi ako. So tayo ang magkatulong...for now." nagiging awkward na naman ang scene. Di ko na kaya to. Inayos ko ang salamin ko at nagfocus na lamang sa props na gagawin namin. Kumuha ako ng lapis at nagguhit guhit. Pero...ang lakas talaga ng kabug ng puso ko.
Thump.thump.thump.
"Nakita kitang dumaan sa corridor, tapos...nung mapatingin ako sayo," hinawakan niya ang noo niya na parang nadidepressed. "Imagination ko lang sana, pero...sayn?! iniiwasan mo ba ako?" bigla siyang tumingin sakin. Ang linaw ng mukha ni franciss. Bakit ngayon...bakit sobrang gwapo niya!
"Ahahah! Hindi noh, tara gawin na lang natin toh." tungong tungo ako habang nagguguhit. Napakaawkward ng scene. Naiilang ako. Parang gusto ng lumuha ng mga mata ko sa sobrang sikip na ng nararamdaman ko. Ang hirap hirap. Hanggang ngayong kasi...nagtataka parin ako kung bakit ako napapunta sa ganitong sitwasyon.
"Sandali lang huh." I faked a smile without looking at him. Medyo inalis ko ang salamin ko at pinunasan yung namumuong luha sa mata ko... t
Thump.thump.thump.thump
Saka ko na lamang napansin, na papalapit ng papalapit ang mukha ni franciss sakin... At... Hinalkan niya ang noo ko? Mga 1 inch lang yung layo niya sa mukha ko pagkatapos niyang halkan ang noo ko. Sa sobrang gulat. Tinulak ko agad siya. At tumakbo agad ako...Bakit niya ginawa niya yun? Nahihirapan na nga ako eh! Kaasar naman oh...huhu!...
Takbo lang ako ng takbo papuntang walang direksyon. Nakatungo habang umiiyak... *
BLAGGGG*
Medyo tumama ang ulo ko sa dibdib ng isang tao. Lumayo ako at nagsorry. Pagtingin ko sa taong yun...Si Xian..."sayn!!!!" Nung marinig ko ang boses ni franciss biglang lumakas ang pintig ng puso ko. Hindi parin ako makakibo, naistranded ako dahil sa dalwang taong to. "Sayn! Magpakita ka na oh, pangako di ko na gagawin yun!" pagkasabi niya nun. Bigla kong naramdaman na malapit lamang siya sakin.
"Sige...Xi" susubukan ko na sanang tumakbo...Nang... :Nang bigla niyang higitin ang kamay ko at dalhin sa pinakamalapit na room. Niyakap ako ni Xian. Hindi ko alam kung niyayakap ba niya ko para itago kay franciss..o ako lang tong gumagawa pa ng ibang reason. Hindi ko namalayan. Nakatulala na ako sa dibdib niya habang tumutulo ang mga luha ko.
Nasa office pala kami. Hindi ko agad napansin. "Sayn?!" nung nawala na ang footstep. Lumuwag naman ang yakap niya. Mabuti na lamang at hindi sumilip sa salamin si franciss Pero... :
Hindi ko parin kayang hindi umiyak. Hindi ko kayang pigilan. Nasasaktan ako. Ang tagal kong hindi siya nakita...At hanggang ngayon, hindi parin ako malinawan. Hanggang ngayon...ang sakit-sakit parin.
"Patawad..." bigla namang nagbukas ang pinto. Pero ako pilit paring pinupunasan ang mga luha ko. At kahit anung gawin ko. Hindi ko talaga mapigilang hindi umiyak...."Uy Xi! At... Sayn? Bakit umiiyak si sayn?" tumungo pa ako. "Ngayon ko lang uli nakitang nagpaiyak si xian ng babae." tumawa sila.
"Guys-" "Nagconfess ba si sayn? Haha. At rejected? Haha!" medyo sumeryoso si xian. "Oh JOKE lang.." may kinuha sila sa locker. "Hindi naman namin alam ang nangyayari eh." bulung bulungan nila. "Edi wala na ngang gusto si sayn." medyo tumingin ako sa kanila.
"Gusto ko si Xian!!!"
tumingin silang tatlo. Ganito reaction nila Mali ba ang ginawa ko? Ayoko lang naman na isipin nila na hindi ko gusto ang taong totoong gusto ko naman. Medyo nagulat din si xian Ngayon...sobrang pathetic ko na. Sawing sawi na talaga ako. Sana...biglang may 'Boom' at mawala na lang akong bigla.
"So confession nga to?" "Wow pare! First time kong makitang may magconfess kay xian. At first time ko ring makitang nagpapaiyak talaga siya ng mga babae." "Ganito pala ang feelings pagheartthrob ka sa babae. Kawawa naman." seryoso nilang sabi habang parang naaawa pa.
"Ang lakas mo talaga xia--" medyo napatigil sila. Sumama ang tingin sa kanila ni xian. "Mali kayo. Hindi ko binasted si Mau."
tumingin siya sakin. Tumutulo parin ang mga luha ko.
"Kasi Gusto ko rin si Sayn."
ako naman ang nagulat. Walang umimik. Walang nagreact. Walang nagsalita.
To be continue....
BINABASA MO ANG
(√COMPLETED)Accidentally fall (gayxstraight)(mpreg)
Romance[Spg-spg] I never thought he came into my life he accept me of who i am i love him so much until he broke his promises he let our relationship turn into pieces. "WAITT? WHATT!?? hindi paano doc hindi ako babae" may halong gulat na sabi ko dito per...