Into the Dark Side

19.4K 320 24
                                    

"Umakyat ka na naman pala sa lupa" sabi ng tinig na iyon pagkadating na pagkadating ko pa lang sa lugar na iyon.

Sampung araw. Sampung araw na akong nanatili sa madilim na lugar na ito. Kung saan ang bawat taong nabubuhay ay hindi kaylan man ginustong makarating dito. Malamig. Madilim. Tahimik, sa sobrang tahimik maririnig mo ang pagtangis ng puso mo at tanging kalungkutan at kahugkangan ang iyong mararamdaman.

"akala ko ba pwede kong gawin ang gusto ko hangga't hindi pa ginagawa ang ritwal?" Sagot ko sa tinig na iyon.

"Oo naman. Parte iyon ng kasunduan" nakangiting sagot nito sa akin. Kung hindi ko lang kilala kung sino at ano ang kaharap ko ay baka nadala na ako sa ngiti nya. Mukang totoo at kapanipaniwala. 

"Kung gayon ay ano ang iyong inaalala? Na baka tumakas ako?" Tanong ko sa kanya. Alam kong napukaw ko ang interes nya lalo. Sa twing aakyat ako sa lupa ay wala akong nakikitang alipores nya ngunit ramdam ko ang prisensya nila. 

"alam kong hindi mo gagawin iyon. Napakadali lamang bawiin ang buhay ng iyong pinakamamahal na anghel" sabi ko na e. Alam ko naman na hawak nya ako sa leeg. Pero kahit isang beses ay hindi ko naisipang tumakas. May isang salita ako. 

"magaling. Wala ng tutuso pa sayo" patuyang sabi ko sa kanya 

"Hahaha. Maniwala ka bata. Ang laban kong ito ay laban mo rin." Pangalawang beses ko na itong narinig sa kanya.

Hindi ko inaasahan na ganito ang itsurang makikita ko. Isang lalakeng nakasout ng itim na robe na may hood na palaging nakatakip sa ulo nya. Kung kaya naman sa sampung araw na pamamalagi ko rito, ni minsan hindi ko pa nakita ng buo ang muka niya. Malalim at puno ng pait, sakit at galit ang boses nya. Hindi ko alam kung bakit pero nauunawaan ko sya. Malayong malayo sa inaasahan kong isang nakakatakot na halimaw na may sungay at iba ang kulay ng balat. Bagkus kahit hindi ko pa nakikita ang muka nya alam kong nasa katawang tao sya. Kung paano nyang napanatili yun ay hindi ko alam. mapanlinlang ang mga demonyo, ngunit ang dalawang markang naiwan sa likod nya ay hindi magsisinungaling. Kaparehong kapareho ito ng sa kanya. 

"Naniniwala ako Lucifer.." Tumingin ako sa kanya ng matiim. kahit ano gagawin ko para sayo Dennise.

Kahit ang pakikipagkasundo sa mga demonyo ay gagawin ko. Mahal na mahal kita. Sa takdang panahon ay magsasama tayong muli.

===================

Nainlove na nga ang ating Death angel sa Tao. Ano ang susunod na mangyayari ngayong sinuway na ni Dennise ang kautusan ng langit? Magpatuloy kaya ang pagmamahalang nabuo nila? O muling gagawa ang langit ng paraan upang magkalayo sila? ano ang kinalaman ng mga demons sa muling pagbabalik ni Dennise sa lupa?

Eto na po ang hinihintay nyo. pagpasensyahan nyo na ang inyong lingkod kung teaser pa lang ang nai-upload ko. On monday I'll publish the first chapter! Thank you guys. sana wag kayong mainis sakin! Pis yow!

Love lots

Ainodyei (//_+)

A Love for A Fallen Angel: Alyssa's Deal with the DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon