You're mine

261 2 1
                                    

Chapter one  One sweet day ♪

Almost three weeks ko nang hindi nakikita si Jayson, my boyfriend. I don't know pero may kung anong saya kapag tinatawag ko si Jayson na boyfriend. 

Gusto ko man syang puntahan sa kanila pero masyado naman akong busy sa school. Hindi na rin sya tumatawag sa akin nor text, e-mail.

"Krista, kanina ka pa tulala dyan. Bakit ba?" Hannah asked. Si Hannah and Angellyn ang mga friends ko dito sa school. Syempre iba pa rin si Sharon, David and Hans.

Ako lang kasi ang nahiwalay sa kanila since ng mag college kami.

"Ha? Wala,"

"psss! I know you. Bakit may singko ka bang grade? okay lang yan," Then inikot nya ang buhok nya using her index finger.

"Wala!"

"Eh bakit nga," Namimilit nyang  tanong.

"Hindi na kasi nag t-text ang boyfriend ko," I said.

Boyfriend... ♪♪

"Edi puntahan mo sya." Was her reply. Then she wave her hand para tawagin si Angellyn.

"Hey! Kanina ko pa kayo hinahanap.  Saan kayo mag-ti-tranîng?" Angellyn asked.

"Ako, sa Company ni daddy," Hannah said. "Doon ka narin, Krista, Angellyn."

"O sige," I said. Wala naman akong ibang choice. Isa pa, si Jayson na lang lagi ang iniisip ko.

"Tara na, gusto ko ng umuwi," Katulad ng dati ay hinihintay nila akong umuwi para makasabay sila sa akin at makalibre ng pamasahe.

"Alam nyo, kung sinisingil ko lang kayo sa pagsabay nyo sa akin araw araw ay nag ka pera na ako." I said.

"Ito naman, hwag kang mag alala babayaran ka rin namin ni Hannah, diba Hannah?" Siniko naman ni Angellyn si Hannah.

"Ah! oo!"

"How?"' I asked.

"P-pano ba? Hannah, mag isip ka."

"I-i-lilibre ka na lang namin ng lunch, everyday."' Nakangiting sinabi ni Angellyn. "Haaa! H-Hannah, s-si L-Lucas. Yung stalker mo."

"Haa! oo nga ano, teka papunta sya sa atin. Ano gagawin ko?" Nata-tarantang sinabi ni Hannah.

"D-dun, d'on naka park yung kotse ko. Sumakay na kayo Don. Susunod na lang ako, bilis." Maging ako ay nag-pa-panic dahil sa mga reaksyon nila.

"O-Oo!' Mabilis silang tumakbo.

"Sandali!!!" Sigaw ni Lucas.

"Ah-ah! Lucas, pasesnya na nagmamadali kasi sila eh. M-may thesis pa kasi silang gagawin,ha-ha-ha!"

Gwapo naman  si Lucas, talagang kulang lang sa kanya ang mag ayos. Maganda ang katawan, matangkad at gwapo.  Para syang prinsepe na nasa katawan lang ng isang old fashion na lalaki. Laging naka insert ang polo nya at may malaking bilog syang salamin na suot.

"ah-ganon ba? Pakibigay na lang ito sa kanya, salamat." Nakatungo syang tumalikod sa akin.

Arghhh! bakit ba ako naaawa sa kanya?

"Lucas?" Lumingon sya ulit ng nakangiti. "Ang tagal mo nang gusto si Hannah hindi ba?" Nag nod lang sya sa tanong ko. "Bakit di mo subukang baguhin ang style mo," sumama ang mukha nya sa sinabi ko. "I mean, baguhin mo ang pananamit at kilos mo,"

You're Mine  (I'm Yours series # 2) ♪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon