Your Virginity

125 0 0
                                    

Chapter Five Your Virginity.

One week without Jayson

Pagkatapos kong asikasuhin ang mga bagay sa school at maipasa ang dapat maipasa bago mag graduation ay wala pa ring response si Jayson sa mga text and calls ko, even my e-mails.

Bakit hindi ko sya puntahan? Tamang tama ganto ng gabi  sya ng oras umuuwi.

Natahimik ako sa labas ng pinto nila Jayson. Hindi ko alam kung anong sasabihin kay Jayson. Baka isipin nya na masyado na akong o-a.

Kakatok na ako ng marinig kong sumigaw si uncle William. Agad ako na sumilip sa bintana at nakita ko si Jayson na nakahiga sa sahig.

"Wala na kang pake alam kung ano ang gusto kong gawin," Malakas na sigaw ni Jayson. Natulala naman ang dad ni Jayson. "I'm not your son, Ikaw  na ang nagsabi  sa akin na ampon nyo ako diba?" Dahan dahang tumayo si Jayson mula sa pagakakahiga sa sahig.

"Pina aral kita, tapos ito lang ang,"

"Well, thank you. Pero pa, hindi yon ang kailangan ko. Kahit na kailan hindi ko naramdaman na minahal nyo ako. Hahahaha! Paano ko naman mararamdaman yon eh kahit minsan hindi nyo minahal si mama," Sigaw ni Jayson.

Nagulat na ako sa mga sumunod na nangyari, sinampal sya ng dad nya. Pero agad din namang tumayo si Jayson, pero sinontok lang sya ulit ng dad nya. Kahit na paulit-ulit syang sinusuntok ng dad nya, paulit-ulit pa rin syang tumatayo.

"Tama na, kuya," sigaw ni uncle William, pero tinulak lang sya ng dad ni Jayson.

"Tama na, kahit pa na anong sabihin mo, hindi ako magpapakasal kay Trina,"

Trina?

Pumasok agad sa isip ko ang babaeng sinabi ni Jayson sa akin.

Ang babaeng minsan nyang minahal ng totoo. Ang babaeng sumira ng tiwala ni Jayson.

"All of them, sino ang sineryoso mo? "Kahit konti?"

" Except you? Hmm! Si Trina, Naging girlfriend ko sya nung Sixteen ako."

"Gusto mo ba na mapahiya ako? tandaan mo, Jayson Kung talagang mahal mo ang kapatid mo, gawin mo ang pinaguutos ko," Jayson dad said.

"Pa, May mahal na ako, at hindi si Trina yon. At anong gagawin mo kay Sharon? Ha!" Sigaw ni Jayson. Puro dugo na ang mukha nya, puro pasa at iika-ika na sa pag

lakad.

"Handa ka bang isakripisyo ang kaligayahan ng kapatid mo? Its very simple. Ipapakakasal ko sya sa mas mayaman kay David. Nakaka awa naman ang kapatid mo."  Hindi na nag salita si Jayson. dinuraan nya sa mukha ang dad nya.

"Arghhh! Sarili mong anak si Sharon diba? Pa! Hwag mo nang idamay si Sharon." Nakikiusap na sinabi ni Jayson. Don ko lang na realize na mahal na mahal nya ang kapatid nya.

"Gawin mo ang pinapagawa ko. Mahalin mo ulit si Trina."

"JAYSON," sigaw ni Uncle William pero patuloy lang si Jayson sa pagtakbo. Agad syang Sumakay sa kotse nya at Hindi nya manlang na pansin na doon din naka park ang kotse ko.

Hindi na ako nag isip at sinundan sya. Maybe ito ang reason kung bakit hindi nya sina sagot ang mga tawag ko.

Agad akong sumakay ng kotse at sinundan si Jayson.

Tinigil nya ang kotse nya sa tapat ng isang disco club.

What the hell?

You're Mine  (I'm Yours series # 2) ♪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon