Chapter 11 I'm a liar
5 Weeks after..
Mas naging madalas ang pag bisita ko kay Jayson kahit na naandon din si Trina para sa kanya. Pilit ko man syang dedmahin ay hindi ko magawa, lagi syang nag ku-kwento ng past nila ni Jayson except sa araw na niliko nya ang boyfriend nya. Iniisip ko na lang na ako ang girlfriend nya at ex-girlfriend na lang sya., Pero hindi rin nagtagal ang pagtitimpi ko dahil sumabog na rin ako.
Araw ng lunes ay lumiban ako sa review class ko para makasama si Jayson ng mas matagal. Nang makita ko ang pintuan ng room ni Jayson ay mabailis akong pumasok at naabutan ko na nag didikit si Trina ng mga sweet pictures nila ni Jayson sa wall sa loob ng room ni Jayson. May naka kiss, akbay, Meron din na nasa beach sila at meron din ma habang nag sasayaw sila sa school, junior prom.
"Its so beautiful, right?" She said habang abala pa sya sa pag didikit.
"Hindi mo ba alam na vandalism nyang ginagawa mo,"
"Yeah I know, Pero madali lang naman silang tanggalin. Para naman matuwa ang mga taong bibisita kay Jayson. One more thing, malapit na kaming ikasal ni Jayson."
"Hindi ka naman nya girlfriend kaya alisin mo na ang mga pictures na yan," I demand.
"Owh! You know what, you're right. I'm not his girlfriend 'cause I'm his fiance." She said habang nagdidikit pa rin ng mga pictures. "Ka ano-ano ka ba ni Jayson? Totoo ba ang sinabi ni Uncle William na girlfriend ka nya? Sha continued.
"Oo, naging kami ni Jayson pero magkaibigan na lang kami ngayon." Was my reply. Ang sabi ng isip ko tanggapin ang magiging desisyon ni Jayson pero sabi ng puso ko na patuloy mahalin si Jayson.
"I'm sorry. If you don't mind, bakit kayo naghiwalay?" She asked.
Agad kong inilapag sa lamesa ang pinamili kong bulaklak at staka umupo sa tabi ni Jayson. " Mas mahal nya kasi si Sharon. Ang gusto nya lang ay makitang masaya ang kapatid nya." Mahinahon kong sabi habang hawak ko ang kamay ni Jayson. "Ang dami mo ng nai kwento tungkol sa inyo ni Jayson pero wala kang nabanggit tungkol sa bakit kayo naghiwalay at paano kayo nagkabalikan?" I continued.
Sandali nyang itinigal ang pagdidikit ng pictures, "It was a big mistake. I mean it, ginusto ko rin ang nangyari sa amin ni Ian, I mean ng ex boyfriend ko pero hindi ko intensyon na saktan si Jayson. Nahuli kasi kami ni Jayson sa library and halos itulak nya ang bookshelves sa galit. Sinubukan kong kausapin sya, magpaliwanag, but he did'nt give me chance to explain." huminga sya ng malalim bago nya ipagpatuloy ang pagkukwento. " I thought hindi na kami magkakabalikan, pero nitong Christmas lang sya nakipagkita sa akin at nakinig sya sa mga explanation ko and he gave me a second chance, then later on, he offer me to marry him. I was shock, I don't know what to say or do? pero masaya ako."
Si Trina yung tipong babae na marunong ding magmahal. Hindi naman sya ganoon ka arte, kung ipag co-compare nga kami, eh magmumukha pa akong tomboy. She is so sophisticated at ako naman ay simple ng babae lang. Minahal na sya ni Jayson ng isang beses and I believe kaya nya ulit mahalin si Trina.
That night I decided na lumayo na sa kanila. I want peace and freedom kahit konti. Masakit iwan si Jayson pero yun ang kailangan, yun ang tama.
5 Months later
Five months later ng hindi nabibisita at nakakamusta ang kalagayan ni Jayson. Sa mga balita na sinasabi sa akin si Hans ay nasa coma parin si Jayson, walang pagbabago. Sa mga oras na iyon gustong gusto ko na syang punatahan, pero hindi na pwede.
Ilang buwan pa ang lumipas ay nag plano kami ng pamilya ko na mag bakasyon sa London. Isa pa, doon nakatira ang mga kapatid ni dad kaya wala kaming problema sa pag punta doon. Sabi ni tita Jem may titirhan na kami doon at sinisigurado nya na hindi ako mabo-bored doon dahil naandoon ang mga cousins ko.
**
"Ate Jem!" Sinalubong ni dad si tita Jem ng mahigpit na yakap.
"I miss you, Christian," Tita Jen said habang tinatapik-tapik ang likod ni Dad. "Darla? Ikaw na ba yan? Wala kang pinagbago, sexy ka parin halos ganyang ganyan din kitang huling nakita nung kinasal kayo ni Christian." Nagbeso-beso lang sila ni mom and tita Jem. "Dalaga na pala itong si Krista, ang tangkad mo naman!'
"Well, kanino pa ba ako magmamana?" I said.
Naging maingay ang biyahe namin papunta sa village nila ni tita kung saan nakatira si tita pati ng mga anak nya. Malalakas na tawanan at halakhakan dahil sa tagal nilang di nakita.
Tumigil kami sa isang malaking Kulay pulang bahay. Hanggang fourth floor ang bahay nila. Sinalubong kami ng mga pinsan ko sa labas ng pinto. Apat na lalaki at dalawang babae ang anak ni tita, naging balo sya nung mamatay ang asawa nya sa isang aksidente.
"Welcome home po, tito, tita." Kaidaran ko lang ang bun so nila.
Habang inaakyat ni dad ang mga bag namin ay pinakilala ako ni tita sa mga pinsan ko. "Scander, do you remember her?" Sa pagkakaalala ko, si Kuya Scander ang unang kuya na nagkaroon ako.
"Yeah! Ang laki mo na, ah!" He said at ginulo-gulo pa ang buhok ko.
Sa kanilang anim, si Kuya sa Scander lang ang kilala ko. "Ito si Raouf sumunod kay Scander at si Matthew, si Xander, Clay and Stacey. Mga anak, this is Krista,"
Naging close naman kami agad, the truth is namasyal agad kami sa mga sikat na lugar dito sa London. Kumain sa mga magagandang restaurant at nag selfie kasama ang mga pinsan ko.
Kahit saglit ay nakalimutan ko si Jayson. Nakalimutan kong magalala, malungkot. Pero di maalis sa isipan ko na ano na ba ang kalagayan niya?
______________________________________________
Hope you like it!,!! Vote guys ha!
love you
Xx

BINABASA MO ANG
You're Mine (I'm Yours series # 2) ♪
Ficción GeneralThis illusion is fostered in our culture by the commonly held myth of the romantic love, which has its origins in our favorite childhood fairy tales, wherein the prince and princess, once united, live happily forever after. Thats true, but what if...