Final decision, Jayson or Patrick?

133 1 1
                                    

Chapter Thirty Three Final decision, Jayson or Patrick?

The Wedding

Abala si Sharon sa pagaayos ng buhok ko, Habang ako naman ay abala sa paglalagay ng make up.

Hindi na ako gumamit ng mga eyeliner, mascara, eyeshadow. Tama na ang blush on, lipsticks, and face powder.

Pagkatapos nyang ayusin ang buhok ko ay tiniyak nya pa na walang buhok kahit na kapiraso ang haharang sa mukha ko. Tinali nya ang buhok ko at nilagyan ito ng kumikinang na clip na may diamond na design.

"Its time!" She said, exitedly.

Nagpunta na kami sa dressing room para isuot ang wedding dress ko.

"Krista?"

"Hmm?"

"You're so good."

"Thank you."  I said.

Pagkatapos nyang tulungan ako sa pagsuot ng gown ay nagpa alam na syang mauna sa church.

"Ano bayan, Umulan pa!" Naiinis nyang sinabi.

"Buti na lang naisipan namin ni Patrick na sa church na lang instead sa open space,"

"Buti na lang. Oh, ikaw na ang bahala ah. Ti-ni-text na ako ni David. Ang sabi nya, andon na daw si Patrick. Sige una na ako." she said.

"Ingat!"

"You too."

***

Lumabas ako ng bahay ng hindi man lang nakangiti. "Ma'am?" Tawag ng magiging driver ko.

"Tara!" I said.

Pagupo ko sa loob ng kotse ay hindi na ako mapalagay. Nakatingin na lang ako sa bulak-lak na hawak ko.

Pinili ko ang combination na rose and Jasmine.

Ang bulaklak na rose ay si Jayson. Ang pagiging masaya nya at malambing at kung minsan ay masasaktan ka. Si Patrick naman ang jasmine. Dahil sa pagiging masiyahin nya at higit sa lahat ay hindi ka nya kayang saktan.

"Ma'am, Ma le-late lang tayo ng kaunti. Pag ganito kasing may ulan na malakas ma-traffic." He said.

"Okay,"

"Okay lang po ba kayo?" He asked.

"uhm,"

"Ma'am, cold feet lang po yan,"

"Sana nga."

"Dapat po masaya kayo. Nahanap mo na ang great love mo."

Naagaw nya ang attention kaya napa tingin ako sa kanya.

"Great Love?"

"Yup! Dalawang tao lang ang pwede nating mahalin. Una, First love. Second, great love."

"Pwede bang maging great love ang first?" I asked.

" Oo! kung sa sya ang pipiliin mo sa huli."

Natahimik na lang ako sa mga sinabi nya at hindi ko namalayan na malapit na pala kami.

"Ready?". He asked.

"Hm-hmm." I nod.

Tumayo ako sa labas ng pinto na kinakabahan at di maihakbang ang mga paa ko.

Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto at lahat ng tao ay nakatingin sa akin, lalong lalo na si Patrick na sinalubong ako ng matamis na ngiti.

"Ingatan mo ang anak ko." sabi ni Dad bago ibigay ang kamay ko kay Patrick. Ngumiti lang sa kanya si Patrick.

You're Mine  (I'm Yours series # 2) ♪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon