Bride's Wishes

29 0 0
                                    

Chapter Twenty Five Bride's wishes

Dumating na ang araw ng kasal ni Sharon and David.

makikita mo sa mukha nib Sharon ang saya at kaba.

'' Bakit ba hindi ka na lang maupo?!" I suggest.

Pabalik- balik sa paglalakad si Sharon dahil sa kaba.  "Oh my God, ilang minuto na lang aalis na ako sa kwartong ito at pupunta na sa kasal ko."

Tumayo ako sa kinauupuan ko at inayos-ayos ang gown na suot ni Sharon. Hindi naman ganoon ka bongga ang gown ni Sharon pero tamang tama lang ito sa simple at napaka anghel nyang boses. "Cold feet lang yan."

"Uhm, Krista. Anong itsura ko?" She asked.

"Maganda, at mukha ka  namang masaya. Ngiti ka naman dyan. "I said.

"Oh ayan pwede na?" Natatawa nyang sinabi. "Dahil bride ako ngayon, pwede ba akong mag wish sa iyo?! " Sharon suggest.

"Okay! Para mawala lang yang kaba mo. Kunyari ako ang fairy God mother mo at ikaw si Cinderella."

"Ang wish ko ay makita kang naka suot ng gown at lalakad ka suot mo iyon. Lalakad ka ng lalakad at sa dulo hanggang sa makita mo si Jayson." Sharon said.

"Hindi mangyayari yan, Sharon. Ayoko ng saktan si Patrick."

"Well! kung ganon, Hanggang kailan mo lolokohin ang sarili mo?!" She asked.

"Ewan! Basta, ikaw ang Ikakasal ngayon kaya dapat ikaw ang bida." I said and then nag alarm na ang phone ko, meaning, Kailangan na naming bumaba at sumakay sa kotse.

Hiwalay naman kami ng sasakyan dahil kailangan mas mauna ako sa kanya.

Sa isang malawak at mahanging lugar si Sharon ikakasal. Katabi lang ito ng dagat. May mga ilaw sa paligid nito, Puno ng bulak-lak ang paligid ng lalakaran ni Sharon. Ibat-ibang mga bulak-lak.

Sa unahan naman makikita ang pastor na naka suot ng tuxedo. Sa mga oras na ito ay wala pa rin si Sharon.

Naka pwesto na ang lahat sa kanya-kanyang upuan at syempre magkahiwalay ang babae sa lalaki. Partner kaming pumasok ni Patrick at Sila naman ni Trina at Jayson.

Hanggang sa dumating na nga si Sharon. Hindi mo maaalis ang malaking ngiti ni David sa mukha nya at ganoon din Sharon. Nakatitig lang sila sa isat-isa at parehong may kakaiba sa mga mata nila.

Humakbang papalapit si David para kunin ang kamay ni Sharon. And then sinabi na ng pastor ang dapat Sabihin and then,  You can kiss the bride.

Pagkatapos ng wedding, Syempre reception. Naandon ang mga abay sa kasal at naghihintay na masalo ang bulak-lak na ihahagis ni Sharon.

"Mag sayaw kayo," Yaya ni Hans.

"Naku, ayoko," I said.

"Sige na, samahan mo na ang bride sa pagsasayaw." Hans said.

Tumayo naman kami ni Patrick para mag sayaw ng biglang napalitan ang sound ng sweet music. Nasa balikat ni Patrick ang mga kamay ko at nasa bewang ko naman ang kamay nya.

"West or Church?" Napangiti naman ako sa tanong nya.

"Maganda rin naman sa west, mahangin at malawak ang lugar. Church? mas maayos at mas pormal." He gave me a flat look. "Haha! Hindi ako makapili eh!"  Habang nag sasayaw kami ni Patricka ay napansin ko si Jayson na nakatayo sa likod at nakatingin sa akin. Alam kong sya iyon kahit madilim doon sa kinatatayuan nya.

"For me church. You?" Patrick said.

"Tingin ko church din." I'm so stupid. Pinili ko pa ang church gayong isa akong manloloko.

Agad kong Iniwas ang paningin ko kay Jayson. "Krista," Patrick said. Suddenly, niyakap nya ako habang nagsasayaw kami. Mahigpit ang mga yakap nya na halos hindi ako makahinga. "Are you happy--"

"Oo naman!" I said pero agad syang nagsalita.

"Hindi pa ako tapos, are you happy with me?" Natahimik ako sa tanong nya. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng sagot.

"Bakit mo naman nai tanong?" I asked. "May problema ba?" I asked.

Inalis nya ang mga braso nya sa bewang ko at hinarap ako. Tumigil naman ang mga paa namin sa pagsasayaw.

Ngumiti sya sa akin bago sya magsalita. "Nakatingin sya sa  iyo, alam ko." Yumuko sya sandali para hawakan ang kamay ko. "I want to see you happy-------- with him." He continued. Dahan dahan nyang tinaggal ang sa daliri ko ang engagement ring na bigay nya sa akin.

"No!" Agad kong binawi ito sa kanya. "May iba na syang mahal at hindi na ako iyon. At may iba na akong mahal, at ikaw iyon."
Minsan na kitang nasakatan kaya hindi na kita ulit sasaktan.

Agad nya ulit akong niyakap. "Hindi ko kayang mawala ka." He whispered. Hawak nya ang kamay ko pabalik sa upuan namin kanina.

"Bro." Bati ni David kay Patrick.

"Kamusta ang groom ha?" Patrick asked.

"Well," Nakangiting sinabi ni David.

"Excuse muna, pupuntahan ko lang si Sharon." Nag nod naman si Patrick. Iniwan ko sila na nag kukwentuhan at nagtatawanan.

Hinanap ko kaagad si Sharon at nakita ko sya nakausap ang mga magulang nya malapit sa mga pagkain.

Mabilis naman ang naglakad ng may humila sa braso ko at dinala ako sa madilim na lugar.

"Sandali sino ka at a---" Tumahimik ako sandali. "Jayson?" Hindi ko maaninag ang mukha nya dahil sa dilim pero hindi ko nakakalimutan ang mabango nyang amoy.

Grabe, ganito pala ako ka obsess sa kanya.


____________________________________________________________

Very Short chapter, Guys.

Please leave some comment. Stop being silent reader I need your presence.  ♥•

Love yah.... >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

You're Mine  (I'm Yours series # 2) ♪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon