Chapter Twenty two Stay with me
Bumalik ako sa office ng parang walang nangyari. Nagtrabaho lang ako hanggang sa matapos ang office hour.
"PSSST! Kanina ka pa maputla. Bakit ba?" Jess asked.
"Pagod at staka inaantok lang ako." I simply said. " Sabay na tayong bumaba, ila-log off ko na lang 'tong computer tapos bababa na tayo." I said. "Pahawak naman 'to," Iniabot ko kay Jess ang pouch na hawak ko pero hindi nya ito kinuha. "Jess?" Nilingon ko sya at ang laki ng mga mata nya. Para syang naka kita ng multo sa likuran ko.
"Akin na, " She said. Kinuha nya ang pouch pero wala ang mga mata nya sa kamay ko.
"Jess? Hwag ka namang manakot. Ayokong lumingon." I shook my head.
"Can I talk to you?" Muntikan na akong mapatalon sa kinauupuan ko sa takot. Napaka lamig ng boses nya pero masarap rin itong pakinggan dahil parang bumubulong lang sya sa mga tenga ko.
"Uhm, tapos na po sir ang office hour. Uuwi na po kami. Tara na, Jess." Pagmamadali ko.
"Wait! Pagbigyan mo na," Pamimilit ni Jess.
Tinutulak ko si Jess para maglakad, hindi naman kalakasan angb pagtulak ko sa kanya.
"Sige, sir Deep." I said. Sa kakamadali ko nga ay natapilok ako sa letcheng sandals ko na 2 inch lang naman ang taas. "Wooooh!" Agad kong pinikit ang mga mata ko at hinanda ang sarili ko sa malakas at masakit na impact.
May mga kamay na sumalo sa akin at braso na pumaikot sa bewang ko.
I slowly open my eyes and I saw Jayson smiling at me. "Are you okay?" His breath was mixing with mine. He's too close to me.
I'm so Okay. I'm dead.
"I'm okay, thank you." I said. Hindi pa rin nata-tanggal ang mga ngiti nya sa labi.
"Stop calling me sir. Just Jayson, alright?"
I just nod.
Dahan dahan nya akong inalalayan at sya pa ang magsuot ng nahubad kong sandals.
Inikot ko ang paningin ko sa office at nakita kong wala na si Jess. "Mukha atang iniwan ko na kaibigan mo?"
"Oo nga!" I said. "Alam mo, kung ano man nyang sasabihin mo, mabuti pa dun na lang tayo sa parking lot magusap." I suggest. Nag lakad naman kami papuntang elevator. "Para kung may plano kang masama, makakasigaw ako." I whispered.
"What?" Jayson asked.
Ting*
Bumukas na ang elevator at walang tao sa elevator.
Una na akong pumasok at tumayo sa pinaka dulo. Sumunod naman sya at tumayo sya malapit sa mga buttons.
"I'm sorry earlier." Jayson said. Yumuko ako bago sya sagutin.
"I'm sorry too. Hindi naging maganda ang pakikitungo ko sa bagong CEO." I said.
"Nahihiya ka ba sa akin?" He asked.
Oo! Nahihiya ako sa iyo.
"Yes!" I answered.
Narinig ko ang foot steps nya at papalapit yon ng papalapit sa akin. He use his thumb and index finger to lift my chin. "Why?" He asked.
God! kinakabahan ako kapag ganito sya kalapit sa akin. Feeling ko bibigay ang mga tuhod ko dahil sa bilis ng kabog ng dibdib ko.

BINABASA MO ANG
You're Mine (I'm Yours series # 2) ♪
General FictionThis illusion is fostered in our culture by the commonly held myth of the romantic love, which has its origins in our favorite childhood fairy tales, wherein the prince and princess, once united, live happily forever after. Thats true, but what if...