✰TSF✰[1]

11.1K 109 13
                                    

(AN): Thank you for Reading Guys! XD Enjoy po :)
Mixed po ang mga ginamit kong salita. Hindi po siya as in na sinauna para maintindihan ng maayos :)

-
Nung unang panahon, mapayapang namumuhay ang Day Kingdom at ang Night Kingdom. Masaya ang mga taong naninirahan dito pati nrin ang mga Hari at Reyna sa mga kaharian. Pero bigLang nagbago ang lahat simula ng pinagkasundo ang Prinsipe ng Day Kingdom at ang Prinsesa ng Night Kingdom . Ayaw na ayaw ng prinsipe ang ugali ng prinsesa, bukod sa matapobre, mataray etc. napakaselosa pa nto, lahat ng lumalapit sa prinsipe ay kanyang pinapatay, wala syang sinasanto hangga't merong lumalapit na babae sa kanyang minamahal.

Pero isang araw, dumating ang isang prinsesa ng Night Kingdom, kakauwi lang nito galing Frozen Castle, ito ang parusa sa knya dahil sa kasalanang hindi naman nya ginawa. Napaka hinhin nito tila parang isang anghel, nabighani ang Prinsipe sa Kakambal ng Prinsesa dahil narin sa ugali nitong napaka-bait.

Araw-araw magkasama ang Prinsipe ng Day Kingdom at ang Prinsesang Kakambal ng Prinsesa ng Night Kingdom. Naging Magaan ang loob nila sa isa't isa at ito ang ikinaseselos ng isa pang Prinsesa, Sa isip nya " Dapat ako ang kasama ng prinsipe ngayon, Dapat ako ang kahawak kamay nya ngayon, Dapat ako ang nagpapangiti sa kanya, Dapat ako Lang! DAPAT AKO!".. Namayani ang maitim na budhi sa puso ng Isa pang Prinsesa, hindi nya maatim na ang lalaking mahal niya ay inagaw ng kanyang magaling na kakambal.

Habang namamasyal ang Prinsesa sa harden nila biglang hinablot ang buhok niya. Hindi niya alam kong sino ito dahil nakatalikod siya.

"Napakalandi mo , YAMI! Inagaw mo ang lalaking mahal ko! "..

Habang patuloy nya prin itong sinasabutan si Prinsesa Yami. Nagulat naman si Prinsesa Yami sa boses na narinig nya, kaboses iyon ni Prinsesa Yumi ang tuso nyang kapatid.

"Yu- Yumi, bitawan mo ako, na- nasasaktan ako". Pagpupumiglas niya.

"Mahiya ka nga Yami, sya ang magiging asawa ko ! Pero nilalandi mo!".. - P.Yumi

"Hi-hindi ko sya nilalandi! ". Binitawan na ni Prinsesa Yumi ang buhok ni Prinsesa Yami. AT humarap sa kanya sabay sampal.

*PAK!

Nagulat naman si Prinsesa Yami sa ginawa ng kapatid.

"Anu ako bulag? Nakikita ko kayong dalawa! Kitang kita ng dalawang mata ko ang pakikipaglandi mo sa prinsipe!".. Galit na sbi ni Prinsesa Yumi.

"Ka-kaibigan ko lang ang Prinsipe". - Yami

"Kaibigan? Nakikita ko kung paano ka tumigin sa kanya, kakambal mo ko kaya nararamdam kita!" -Naluluhang sabi ni Prinsesa Yumi.

"So--- Sorry Yumi".

Nagulat si Prinsesa Yumi sa sagot ng kakambal at sinakal nya ito.

"Ack-- A---Acck--- Yu---yu-----mi". Nagpupumiglas na sabi ni Yami. Hinigpitan lalo ni Yumi ang pagsakal niya kay Yami.

"Malandi ka! Impokreta! You're a SLut! A Whore!". Galit na sabi ni Yumi.

"Bi----bi-ta-wan mo---- ko--"..

"Hindi ! Hindi kita bibitawan hangga't hindi ka nawawala sa landas ko, sa landas namin!!"..

Tuluyan ng nilamon ng galit si Prinsesa Yumi.

Si Prinsesa Yami ay nahihirapan ng huminga at tuluyan ng pipikit ng -----

"Prinsesa YUMI!!!" -- Prinsipe Nico

Agad naman lumingon si Prinsesa Yumi at nabitawan nya si Prinsesa Yami dahil narinig nnya ang boses ng lalaking mahal niya.

"Ni-nico? Ohhhh Niccoooooo". Lumapit si Prinsesa Yumi sa lalaki at aakmang yayakapin ng bigla syang tinulak nito palayo at nilapitan si Prinsesa Yami.

"Mahal ko? ". -- Akay akay ni Prinsipe Nico si Prinsesa Yami at naluluha itong sinambit ang tawagan nla sa isa't isa.

Napamulat naman si Yami sa narinig nyang boses.

"Ma-- Mahal ko". - Yami

Nilingon agad ng Prinsipe si Prinsesa Yumi at halata sa mukha ng binata na galit na galit ito.

"Anong ginawa mo kay YAMI?!!!"- Sigaw nito.

Nagulat si Prinsesa Yumi sa pag sigaw ng binata.

"Pi- Pinagtanggol ko lang ang sarili ko, balak ka nyang agawin sakin at hindi ako papayag na mangyari yun!!"..

"Anong katangahan yan YUMI?!!!". Sigaw ulit nto.

"Hindi ito katangahan! Mahal kita! Mahal na mahal ! Kaya ko ginawa ang bagay na iyan! Inagaw na nya sakin ang lahat! Inagaw nya ang atensyon ng Hari at Reyna na dapat ay sakin dahil ako ang panganay! Panganay ako! Dalawang minuto ang lamang ko sa knya! Masaya nga ako at pinatapon siya sa Frozen Castle para wala na akong kaagaw sa lahat ng bagay at atensyon! Pero ano nangyari?! Bumalik na naman siya , nagpapapansin, nagpapapansin sa iyo! At ikaw naman nagpabilog!.Pinagkasundo tayo ,Nico! Dapat ako ang kasa-kasama mo araw'2 , dapat ako ang nagpapangiti sayo! Dapat ako ang hinahalikan mo! Dapat ako!!! at hindi ang KAKAMBAL KONG MALANDI!!!"..

"Tama na! Pinakansela ko na!". - Nico

"Anong ibig mong sabihin?"..

"Walang kasalang magaganap, Pasensya kna".

At inalalayan ng Prinsipe tumayo si Prinsesa Yami at iniwan si Prinsesa Yami na nakatulala.

Sa isip ni Yumi " Nooo! Hindi! Hindi maaari! Ginawa ko na ang lahat! Hindi!! Magbabayad ka Yami sa pag agaw mo sa lalaking mahal ko!!"..

Tatlong araw na ang nakalipas at sa tingin nila ay hindi na mang gugulo si Prinsesa Yumi sa relasyon nilang dalawa dahil wala naman itong ginawang hakbang, pero medyo hindi nga lang sila nagpapansinan magkakambal.

[Araw ng KasaL nina Prinsipe Nico at Prinsesa Yami]

Masayang natapos ang Kasal nina Prinsipe Nico at Prinsesa Yami pero sa paglabas nila sa palasyo ng Day Kingdom , nagulat sila dahil npaka dilim ng langit, imbes na maging masaya ang langit dahil sa kasal na naganap at tila nagluluksa ito. Walang pa tumpik tumpik ay pinuntahan nila ang Night Kingdom, Sila lang naman ang makakagawa ng ganung napakadilim na kalangitan , nung narating na nila ang palasyo, nakita nila si Yumi, nakasuot ito ng maitim na bestida at may dalang ----

Nagulat sila sa knilang nakita, hawak nya ang scepter ng Hari. Nagtaka si Yami kung nasaan ang Hari at Reyna at nakita nyang nakabulagta ang ina at ama nya at wala ng buhay!. Hindi nya akalaing magawang patayin ng kanyang kakambal ang kanilang magulang.

"Yumiii!! Nahihibang kna ba?! Anong ginawa mo sa ating ina at ama? Bakit mo sila pinatay?! Anong kasalanan nila sayo!?".. naluluhang sbe ni Yami.

"Nandito kana pala, magaling kong kakambal". Matalas ang tingin nito sa kakambal at prang atat ng pumatay.

"Akala ko ba ayos na tayo?! Nagpahinga ka lng pala ng tatlong araw at heto na naman ang kasakiman mo".. - Yami

"Alam mo bang gustong gusto na kitang patayin?! pero hindi pa ngayon, SA TAMANG PANAHON!"

Nagulat sila ng tinaas ni Yumi ang Scepter at umilaw ito ng kulay berde at nagbikas ng salita

Bring me Evil

Bring me Danger

I command you to separate our kingdoms!

Be my Kingdom will be the most Dangerous place!

No one will enter or they'll die.

At biglang nahati ang lupa na kinatitirikan ng dalawang kaharian. Humiwalay na ng tuluyan ang night kingdom sa day kingdom . Nabuhayan nman ng loob ang hari at sa wakas wala na si Yumi. Magiging mapayapa narin ang relasyon nina Prinsesa Yami.

----
See
Vote ✰ Comment ✰ Read

- Thank you ✰

Twin Sister's Fate (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon