✰TSF✰[29]

786 28 2
                                    

Day 16 -

EVE FINGOLD's POV

Ito na ata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Atlast naging kami na ng lalaking mahal ko, i know nasa katawan ako ni Sunny kaya ganun siya pero wala na akong pakialam. I take this opportunity, kung sino ka man ang gumawa nito samin, nagpapasalamat ako at ayoko ng bumalik pa. Well anyways nasa Palasyo ako ng Day Kingdom, nang makauwi ako ang AMA ko kuno ang sumalubong sakin at niyakap niya ako. Nakakailang nga eh, ayoko na may yumayakap sakin. Tss!

"Anak, Kamusta? Pasensya ka na at hindi na kita naasikaso, masyadong madami lamang akong ginagawa". Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa kwarto ko kuno. Naiinis ako sa kanya pati narin kay Sunny. Nakakainggit! Siguro kung hindi nila ako pinabayaan. Maging ganito narin ang buhay ko tapos may Amang mag aalaga sakin. Pagka pasok ko sa kwarto ko kuno, Ang ganda tapos pumasok ako sa walk in closet ni Sunny, Andaming damit, sapatos, bags etc. Samantalang yung mga damit ko sa bahay mga pinaglumaan na ng Inay ko.

*

Umaga na pero tinatamad ako bumangon sa lambot ba naman ng hinihigaan ko, dati sa sahig lang ako natutulog pero ngayon I'm soooooo happy ^__^. Tumingin ako sa orasan sa side table, 7am na pala. Kailangan ko ng maligo't magbihis dahil papasok pa ako. Pumasok na ako sa banyo and do my thing. Nagbihis na ako ng may kumatok, sino naman tong istorbo na to tss.

"Bakit?!".

"Mahal na prinsesa, handa na po ang almusal, naghihintay na po sa baba ang iyong ama". - Mutchacha 1

"Okay". Tipid kong sagot. Kailangan ba talaga lagi silang sabay kumakain? Tss. Ayoko pa naman ng may kasabay.

Bumaba na ako sa mahabang hagdan na for sure haggard ako pagnkababa na ako. Na kita ko agad si Tanda. Oo tama ang nabasa niyo, tanda ang tawag ko sa kanya.

Umupo agad ako at kumuha ng kanin, nagtaka naman ako kasi nakatingin lang siya sakin.

"Bakit? May problema ba?". Kung may problema, wala akong pakialam.

"Bakit hindi mo man lang ako binati at hinalikan?". - Tanda

"Ohhh, Birthday mo?". Nagulat naman siya sa sagot ko. Hindi ko siya pinansin tsaka kumuha ng ulam.

"Sunny, where's your manners? Nakalimutan mo na ba? Magdadasal muna tayo bago kumain!". Naiirita na ako sa matandang to ah. Pati pagkain dadasalan? Kumuha nlng ako ng toasted bread at tumayo.

"Sorry mukhang ikaw nlng mag isa ang magdadasal sa pagkain mo. Mauuna na ako. Babooo!". Tumakbo ako palabas tsaka sumakay sa sasakyan. Syempre Di ako marunong magmaneho! Kaya inantay ko yung driver. Ilang minuto na akong nakaupo dito. Where the heck is he?! Nag psst ako sa guard na natayo dun. Lumapit naman siya sakin.

"Nasaan ang driver nito?".

"Po? Natutulog pa po.".

"What the fuck?! Eh sino ang magmamaneho?".

"Ka-kayo po".

"Lapastangan ka!! Anong silbi niyo mga hampaslupa kayo!!! Tawagin niyo kung sino man ang driver ko!!!". Nataranta naman sila at pinuntahan ang driver ko. Ilang segundo palang ay papalapit na siya sakin, halatang wala pang ligo at kakagising palang.

"Ma-mahal na prinsesa, pasensya na po. Akala ko kasi hindi na po kayo magpapahatid".

"Mukha ba akong marunong magmaneho?!!". Sigaw ko na nanlilisik ang mata ko sa kanya.

"Pero po maru-----". Di ko na siya pinatapos dahil malalate na ako.

"Wala akong pakialam!!! Ihatid mo na ako baka gusto mong sunugin kita!". Nagmamadali naman itong sumakay sa driver seat tsaka pinaandar.

Twin Sister's Fate (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon