✰TSF -2 ✰[43] - 4

901 30 1
                                    

EVE FINGOLD's POV

"Sunny?!". Kung kelan naintindihan ko na ang lahat, kung kelan handa na ako magbago. Bakit ito nangyayari?! Kinarma na ba ako sa lahat ng ginawa ko? Bakit yung kakambal ko pa?!

"E-Eve?". Tuluyan na siyang napahiga sa lap ko, nasaksak kasi siya sa likod gamit ang scepter ng Reyna na naging espada. No! No! Wag mawawala. Kailangan kita! Kailangan ka namin!

"SUNNY!! / INA!!!". Dumating si Dark na may nasa ang napakagandang babae. Pero pinagtataka ko? Ina daw?

"Ama este Dark, ilayo mo si Ina, ako na ang bahala dito". Maya'2 dumating din ang Ama ko na may galit sa mga mata.

Pagkasabi nung babae, binuhat agad ni Dark si Sunny para mailayo ito, sumama narin ako sa kanila.

----

SKYNA  DHANNIVIE SAPHIRO's POV

Hi, ako nga pala si SKYNA DHANNIVIE SAPHIRO. Anak ako nina PRINCESS SUNNY GREENSTONE AND PRINCE DARK DAMIEN SAPHIRO. Galing ako sa future, 17 years old na ako. Ipinadala ako nina Tita Zhynette dito upang tumulong sa kanila, hindi naman ako makakasira sa timeline. Maayos pa nga ang timeline eh. Tita Zhynette can teleport me in the past, kamakailan niya lang nadiskubre iyon dahil sabi niya her power was not important naman daw that's why she didn't bother to know kung ano ang kabuuan nito.

Nagteleport ako sa lugar na kasalukuyang ginanap ang labanan at na kita ko roon ang aking Ama na nakabulagta, nilapitan ko siya tsaka chineck ang pulso niya. He's alive. Agad ko siya hinila papasok ng kagubatan tsaka ginamot. Umalis muna ako saglit at bumalik rin ng makita kong gising na si Ama.

"Oh, gising ka na pala?". Nagulat ata siya ng makita ako. Oo Ama, ang ganda ko diba? Nagmana po ako sa inyo. Iniwas niya ako tingin niya sakin at tumayo.

"Saan ka pupunta?".

"Kailangan kong puntahan ang nobya ko, teka kalaban ka ba?". Umiling naman ako.

"Hindi, kakampi niyo ako. Ako nga pala si Skyna". Paglahad ko sa kamay ko sa kanya.

"Dark, Dark ang pangalan ko". Inabot niya naman.

"Alam ko, sasama ako sayo". Tumango nalang siya.

"Ikaw ba ang gumamot sakin?".

"Oo".

"Ibig sabihin tubig ang kapangyarihan mo?". Maybe yes or no hehe.

"Hindi".

"Ano?".

"Malalaman mo rin, Tara". Tumakbo kami papuntang palasyo, nakikita namin na nakapasok na ang ibang kalaban sa palasyo. Sinugod agad ako ng mga kalaban, hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Isang kumpas ko lang, abo na silang lahat.

Twin Sister's Fate (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon