✰TSF✰[19]

837 29 1
                                    

[Hapon] / [ARENA]

EVE  FINGOLD's  POV

Nandito kami ngayon sa Arena, naayon naman ang lahat sa plano, kung hindi ko man mapatay si Sunny ay may back up naman ako para sumugod sa kanya. Kinausap ako ni Dark na wag ko na ituloy pero kahit pigilan man niya ako sa ayaw at sa gusto nya , papatayin ko ang impostora na yun. Nag training ako ng palihim sa secret passage ng palasyo kaya handang handa yung spells na gagamitin ko, minanmanan ko din si Sunny pero wala naman siyang ginagawang kahit Anong training. Siguro ay handa na siyang matalo ko siya. Kita ko naman siya sa gilid ng arena na kasama ang mga pepetsuging mga Rank Fairies at may isang lalaki silang kasama , Iyon siguro ang transferee sa HE-4, Tss mga weak ! Bago sinimulan ang laban ay pinabunot naman kami ng weapon na maari naming gamitin.

Ang nakuha ko ay isang espada, tamang tama sa kapangyarihan ko habang kay Sunny ay isang babasagin na bola, tumawa naman ang lahat nung nakita nila ang nabunot ni Sunny.

Nagbell na hudyat na mag sisimula na ang laban. Humanda ka sa katapusan mo Sunny Greenstone!

------

DARK DAMIEN SAPHIRO's POV

Magkasama kami ni Josh na manunuod ng laban nina Eve actually nasa audience kami nakaupo, hindi kami pa VIP kaya pinagkaguluhan kmi dito. Nahagilap ng aking mga mata si Sunny na may kausap na lalaki, hindi pamilyar sa akin ang itsura nung lalaki aba't hinawakan pa niya ang kamay ni Sunny. Dahil sa nkakaselos este nakakacurious silang tingnan , nagtanong ako sa katabi ko na kanina pa nakatitig sakin.

"Miss, sino yun?". Sabay turo sa lalaking kausap ni Sunny. Halata nmang nagulat ang katabi ko na tinanong ko siya kaya ito todo pa cute.

"Eeee sye pe si Prince Jeriche Jede neng Trell Kingdem". With pa beautiful eyes pa siya :3 hindi ko nlng pinansin tsaka tumango ako at nilipat ang atensyon ko sa stadium.

------

THIRD PERSON's POV

Nagsimula na ang dwelo, naglagay muna ang headmaster ng barrier upang hindi matamaan ang mga nanunuod. Nag bow muna sila tsaka agad sumugod si Eve gamit ang weapon niya na pinalibotan ng itim na apoy. Nailagan naman ni Sunny ang atake niya at bumulong ng spell.

"Fire blast". Sunod sunod na pinatamaan ni Sunny si Eve, hindi nman nailagan ni Eve ang huling tira ni Sunny kaya nasugatan siya agad. Ngumisi naman si Eve at nagchant ng spell.

"Fire Waveeeee" hinahabol si Sunny ng alon kaya takbo siya ng takbo, alam nyang pinapagod siya ni Eve para manghina agad. Nag summon ng phoenix si Sunny at nagulat ang lahat na nanunuod. Ginamitan ng phoenix ang fire wave ni Eve ng mga pakpak niya at nagpalabas ng hangin upang mawala ang itim na apoy ni Eve. Nainis naman si Eve at nagchant ng spell.

"Fire beam" sunod sunod na pinatamaan niya si Sunny, nadaplisan naman ito sa palda. Sadyang magaling ito sa pag iwas upang mas lalong kinaiinisan ni Eve. Nung susugurin na sana ni Sunny si Eve . Biglang nagteleport ito patalikod sa kanya at siniko pababa sanhi para maplakda siya sa sahig. Tumingin si Sunny sa mga kaibigan niya na nag aalala, nginitian lang niya ito at tumayo, ngumisi naman si Eve, Tama nga ang hinala ni Sunny binahagian siya ng Iba't ibang kapangyarihan ng mga kaklase niya para matalo niya si Sunny. Alam nyang pandaraya ang ginawa ni Eve pero binaliwala nlang niya. Hindi rin kasi makikita ng mga tao ang mga pangyayari dahil sa usok at sa bilis ng kilos nila. Susugod na naman si Eve kaya nagchant si Sunny ng Spell.

"Fire Arrow" sunod sunod na pana ang humahabol kay Eve this time hindi na siya makakaligtas pero Mali si Sunny nagchant ng spell si Eve.

"Water Blade" nagulat siya sa binigkas ni Eve, pati rin pala ang best friend nyang si Josh ay namahagi din. Bago pa matamaan si Sunny ng blades ay sinugod na niya ito ng kanyang dalang weapon ang babasagin na bola na binalutan niya ng apoy , tinira niya yung bola na parang bola ng baseball patungo kay Eve ng nagteleport ito papunta sa kanya at sinikmuraan. Napaluwa naman ng dugo si Sunny at nanghihina, alam ni Eve na hinding hindi gagamitin ni Sunny ang blood bending dahil takot ito makapatay. Nakadapa na ngayon si Sunny pero yung mga nanununod ay nagtataka Kung ano na ang nangyayari sa stadium dahil sa usok. Naagaw ang atensyon nila Sunny at Eve sa nagliliwanag na bola na weapon ni Sunny kanina ,may namuo ditong mga imahe . Yung time na sinilang sila, yung binigyan sila ng pangalan, yung mga manika na bigay ng kanilang INA, hang gang sa kaarawan nila at sa pagkahiwalay nilang dalawa pero napansin naman ni Sunny na tinakpan ang mukha ng ka nyang INA kaya Di niya makita ang mukha nito. Nagulat naman si Sunny sa napanuod niya pero si Eve ay hindi pinansin ang napanuod niya tsaka nilapitan si Sunny at sinaksak sa likod.

At dahil doon, napapikit nalang si Sunny. Nagliwanag ang stadium at nakita ng mga audience ang katawang nakadapa na dugoan sa sahig ng stadium imbes na maawa sila ay sumigaw sila sa saya ng makita nilang nagtagumpay si Eve. Agad agad naman nilapitan nina Echo si Sunny pati narin si Josh at Dark, akala ni Eve na siya ang sasalubungin ng dalawa pero nilagpasan lang siya nito. Binuhat agad ni Dark si Sunny papuntang healing center sumunod naman si Josh na halatang nag aalala pati narin si Echo at Venice na ang hangad sana nila na patayin si Sunny ay napalitan ito ng pag aalala.

-------

Vote ✰ Read ✰ Comment ✰ Follow

- Thank you ✰

Twin Sister's Fate (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon