✰TSF✰[17]

859 27 0
                                    

Day 9 -

[SCHOOL]

SUNNY GREENSTONE's POV

Alam mo yung feeling na tinatawagan mo ung best friend mo magdamag kahapon pero hindi niya sinasagot. Dati naman pag alam nyang tatawag ako, sasagot agad siya. Patay ka sakin mamaya!

Habang naglalakad ako sa hallway ay parang kinikilabutan ako kasi naman lahat sila nakatingin sakin ng masama, what may ginawa na naman ba akong masama? Hindi ko nlng sila pinansin at pumasok na ako sa classroom. Nakita ko naman si Josh at nilapitan siya.

"Hoy, bkit hindi mo sinasagot ang tawag ko ha?!". Lumingon siya sakin tapos inirapan lang ako. Aba kailan pa siya natutong umirap sakin ng ganun.

"Ano ba Josh, bakit hindi mo ko pinapansin ha?". Inalog alog ko siya kasi parang hindi siya ang best friend ko. Hindi niya pa rin ako pinansin.

"Nang galing ka lang kahapon sa Night Kingdom, nagkaganyan kana". Napatingin siya sakin at tumayo.

"Wala kang alam! Palibhasa isa kang mang gagaya at masamang Babae! Lahat ng mga nasasakupan niyo ay mga masasamang tao kaya dapat mmaya sa laban niyo ni Eve ay sana mawala kana!". Dahil sa gulat ko sa mga pinagsasabi niya nasampal ko siya pero tumawa lang siya.

"Hindi ko nga alam at bakit tinuri kitang best friend eh". Nangingilid na yung mga mata ko sa luha. Bakit niya nasabi ang mga ganyang bagay. Feeling ko ang sama sama kong tao halos silang lahat masama ang tingin sakin. Tumakbo ako papalayo sa classroom , nakarinig naman ako ng hiyawan sa dinadaanan ko pero hindi ko iyon pinansin. Iyak lang ako ng iyak. Habang tumatakbo ako hindi ko napansin kung sino ang nabangga ko pero tinawag niya ako tsaka ako napatigil sa pagtakbo at lumingon sa kanya, nakita ko sa mga Mata niya ang pag aalala pero hindi ko naman siya kilala kaya't umalis na ako.

Napunta ako sa park ng school huminga ako ng malalim tsaka umiyak.Alam ko naman na wala akong ginagawang masama sa kanila. Isa bang pagkakasala ang merong kamukha? Hindi ba nila naisip na isang transferee si Eve at ako buong buhay na ako nag aaral sa skwelahan na to. Pero napunta parin sakin ang sisi.

"Oh". Nagulat naman ako sa pagsulpot ng panyo sa harap ko. Tumingala ako kung sino ito. Siya yung lalaki sa hallway na pinagkaguluhan, tinanggap ko ang panyo na bigay niya at umupo siya sa tabi ko.

"Sa- salamat pala". Sabay pahid ng mga luha ko.

"Bakit ka umiiyak?". Feeling close naman to si Kuya kung makatanong.

"Wala lang, trip ko lang umiyak".

"Wag ka ng magsinungaling, alam kong may problema ka, I can see your past". Oh alam niya naman pala, nagtatanong pa.

"Hayaan mo na at ayoko pag usapan kasi hindi ko rin alam kong ano ang nanyayari pati best friend ko inawayan na ako".

"Halata nga at ayaw mong pag usapan". Ngumiti naman siya. Awww haha napakwento pala ako :3

Twin Sister's Fate (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon