✰TSF -2 ✰[42] - 3

903 32 0
  • Dedicated kay Ethan Heart
                                    

---

PALASYO ~

Dumating na sa palasyo ang Hari kasama ang iba pang natitirang mga mamamayan. 

"Sunny". Hinawakan ng magkabilang balikat ng Hari ang Dalaga tsaka bumuntong hininga.

"Ama, Ayos ka lang po ba?". Tumango ito.

"Ihanda mo na ang mga Fire archer! Papunta na sila rito, Sumunod sila sa amin".

"Opo Ama, Si Dark po? Nasaan?". Hindi ito sumagot."Ama?".Dagdag nito.

"Anak, Nasa gitna siya ng labanan, malamang ay nakasunod na yun sa amin". Pagsisinungaling nito sa dalaga, Lingid sa kaalaman niya na buntis ang kanyang Anak at ayaw niyang masaktan ito pag nalaman niyang wala na ang lalaking mahal niya, ang ama ng dinadala niya. "Maghanda kana,Anak". Tumango ang dalaga at tinungo ang hagdan papunta taas ng kastilyo.

----

"Itaas ang Pana!". Utos ni Sunny, sa pamamagitan ng mga hintuturo nila, sinindihan nila ang dulo ng arrow. "Maghintay kayo ng hudyat ko!". Nakita ni Sunny na madami pa ang natitirang mga kalaban habang sila ay kaunti nalang. Sinenyasan niya ang mga phoenix na nasa himpapawid na pagkabilang nya ng DALAWA ay sumugod na at bugahan ng Apoy ang mga kalaban. Nag simula ng magbilang ang Dalaga.

"ISA!".

"DALAWA!". Lumipad na papunta sa mga kalaban ang mga phoenix at isa'isang binugahan ng apoy habang ang mga trolls na nasa himpapawid ay nakikipaglaban sa mga phoenix.

"TATLO!".

"TIRA!". Isa-isa nilang pinakawalan ang mga PANA na may Apoy. Ngumiti naman si Sunny dahil nababawasan na ang mga kalaban nila. "Kayo na ang bahala, pupuntahan ko ang iba pang mga kalaban". Tumango naman sila. Nag chant si Sunny ng "Fire Mimicry". Nagawa niya na ang Spell na ito pero iba talaga pag sarili mong katawan ang ginamit mo. Mahina ang Enerhiya at Aura ni Eve pagdating sa Apoy kaya hindi niya nakontrol ang sarili niya nung nag cast siya ng Spell noon. Binalutan ng Apoy ang kanyang katawan at lumipad , pumunta siya sa kumpolan ng mga kalaban at pumagitna, isa-isa niyang tinira ng apoy , may iba naman na may kapangyarihan na bago sa kanyang paningin , imbes na apoy ang gamitin niya, nag blood bending siya kaya Isang titig Patay na agad! Tatlong minuto palang ang nakalipas pero nakapatay na si Sunny ng higit 30 na kalaban.

"Ano?! Meron pa?! Hinding hindi kayo makakapasok sa Palasyo!". Sabay-sabay silang sumugod kay Sunny pero dahil nga sa malakas si Sunny, hindi pa sila naka 4 steps tumba na agad. 

"Hindi ko akalain na ikaw ang mas malakas sa inyong dalawa ng kakambal mo, Sana pala ikaw nalang ang kinuha ko". - Reyna Yumi.

"Tss! Bakit mo pa kailangan na kunin ang isa sa amin? Kasi mas malakas kami sayo? Kasi mahina ka? Yun ba?". Pang aasar ng Dalaga sa Reyna.

"Mahina? Hindi mo ba nakikita na nauubos na kayo?".

Twin Sister's Fate (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon