✰TSF -2 ✰[38]

979 35 0
                                    

SUNNY GREENSTONE's POV

Dalawang araw mula ngayon ang digmaan kaya ang lahat ay busy at nagpaplano sila sa nalalapit na digmaan, dito na rin nakatira si Dark pero temporary Lang, alam na rin ni Ama na buntis ako pero hindi siya nagalit , sabi niya sakin hindi ko daw kasalanan ang lahat dahil si Eve ang may kontrol ng katawan ko noon. Sabi ni Ama, wag na raw akong pumasok sa academy dahil nag aalala siya sakin pati na rin sa magiging Apo niya. Tapos sinabi ko na rin kay Ama na tiga Night Kingdom si Dark at prinsipe siya doon ...... dati , Una nagalit siya dahil magpinsan daw kami tapos nabuntis ako, pero nung sinabi namin na hindi siya anak ng reyna, hindi na siya nagalit. Bipolar talaga ang tatay ko hehehe. Nakakatawa lang kasi magkakaroon ako ng Anak sa lalaking hindi ko nobyo, Oo hindi ko naman siya nobyo dahil si Eve yung nobya niya. Hays di ko alam ang gagawin ko , lalo na't itong sanggol na dinadala ko? Hindi naman ako ang may gawa nito, Si Eve ang ina niya pero na sa akin siya, So it means akin ang batang ito? Hayss -.- Ang landi ko naman. Batang ina ako

"Sunny, ang lalim ng iniisip natin ah?". Tumabi sa akin si Dark sa bench na inuupuan ko , nandito kami ngayon sa Garden.

"Wala ka bang pasok?". Tanong ko sa kanya.

"Wala, suspende ang klase dahil sa hidwaan ng mga kaharian, nasabihan ko na rin kasi ang headmaster about sa digmaan, pinapauwi ang lahat ng estudyante para makapagtago sa SAFE na lugar".

"Si Inay Elle?".

"Napuntahan ko na siya, sabi niya may gagawin daw muna siya bago nya lisanin ang night kingdom".

"Ano naman yun?".

"Hindi ko alam pero for sure pupunta rin siya rito, namimiss ka na rin niya tsaka on the way na rin sina Josh,Fred at iba pang mga estudyante ng DEA na tiga DAY KINGDOM, gusto nilang tumulong sa digmaan". Napatango nalang ako sa sinabi niya.

"Gu-gusto kong tumulong". Napalingon naman siya sakin.

"Ano? Hindi pwede baka kung ano pa mangyari sa Anak natin".

"Dark, I dont want to sit and wait! Mga nasasakupan ko na ang pinag uusapan dito".

"Pero delikado, sigurado akong hindi ka papayagan ng iyong Ama".

"Ako na ang bahala sa kanya".

"Hindi, hindi ka sasali sa digmaan!".

"Please Dark, alam kong nag aalala ka, You know na isa akong Blood bender, right? Kaya wag ka mag alala".

"Okay, but promise me na mabubuhay kayo ng Anak ko, kahit anong mangyari". Hinawakan niya ang kabilang pisngi ko.

"Oo, I promise!". Akma niya akong hahalikan, 2 inches nalang at hahalikan niya ako pero hindi natuloy dahil umiwas ako. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, ilang minuto ang nakalipas bago pa siya nagsalita ulit.

"Sunny".

"Hmmm?".

"If matapos na ang digmaan na to....ahmmm".

"Ah?".

"I know hindi tayo naging tayo as in na ikaw dahil si Eve ang komokontrol ng katawan mo".

"So.......". Pabitin naman tong lalaking to, tss.

"Pwede nang mangligaw sayo?".

"Ahhhhh yun lang.....wait-what?".

"Alam mo naman na mahal na mahal kita simula nung nakita kita".

"Ha-ha eh diba nga napagkamalan mo akong si Eve?".

"Oo nga pero nung nalaman ko na ikaw pala si Sunny ang Prinsesa ng Day Kingdom, gumawa ako ng sariling imbestigasyon tungkol sayo, na.... nabighani ako tapos......... ayun ewan, pag gising ko MAHAL NA KITA".

Twin Sister's Fate (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon