Kabanata 1:SING Point of view:
" paano kaya noh? Kung marunong ako kumanta? Makikilala kaya ako? Kagaya nina martin nievera, gary V magiing sikat din kaya ako? " napaisip na lang ako habang nakatingin lang sa stars na parang kumakanta ito sa aking isipan.
" hoy ikaw!" sigaw kung sabi sa mga stars at sabay turo na rin sa kanila na para bang gusto kong mapansin nila ako
" paano ba kumanta, ha? Bakit ganon na lang kadali sayo kumanta at magpatulog ng mga bata ha? Paano mo nagagawa yun? Paano maging ikaw? Paano mo nagawang pagtanungin sila ng 'how i wonder what u are' na parang close kayo ng mga taong napapatulog mo tuwing gabi." parang baliw na ako ditong kinakausap sila na para bang sasagot talaga sila sa mga tanong ko, na para bang sasabihin talaga nila sa akin ang lahat ng kanilang mga sikreto
" paano maging masaya? Kung sarili ko nga hindi ko magawang mapasaya. Alam ko naman ikakasaya ko kung kakanta ako e, paano nga lang ako kakanta kung wala naman akong saliring kanta na kakantahin"
" paano ba puso? Paano ako kakanta kung ikaw mismong walang musika na nasa loob ng katawan ko? Kaya pala siguro ayaw na ayaw ni nanay saakin kasi wala akong silbi kasi mga kapatid ko ay marunog at may silbi sila sa pamilya namin"
' kaya Puso ? kumanta ka naman oh? Kahit isang beses man lang? Marinig ko ang pagkanta mo. masaya na ako dun kasi narinig man lang kita kumanta bag.o ako tulyan mawalan ng pag-asang kakanta ako sa harap ng pagkaraming tao sa harapan at sinisigaw ang pangalan ko"
huling niyang sinabi at hindi na niya na malayan na nakatulog na pala ito.
SONGS Point of view:
"Lilipad sa alapaap, hmmm ano ba pwedeng next line" wika ko nalang sa sarili ko habang binabasa ang linyang naisulat ko kasabay ng pagkamot ko ng dulo ng ballpen sa ulo ko, baka sakaling makatulong sa pag-iisip.
Kanina pa ako nakaupo sa harap ng lamesa ko. Sabado kasi ngayon kaya naman wala akong ibang ginagawa kundi magsulat ng kanta na paborito kong ginagawa.
Binuklat ko ang notebook ko nang mabilis, parang flipbook, wala lang baka magkaron ng konting inspirasyon. Tumingin din ako sa labas ng bintana ko at sumulyap sa kung ano mang nasa labas. Wala namang bago, pakiramdam ko tuloy pare-pareho na ang lyrics ng mga kanta ko.
Napatigil nalang ako nang mapatingin ako sa mga ulap na patuloy na dumadaan? Umaagos? Hmmm hindi ko alam kung ano tawag don, pero basta yon nagbabago sila. Ano kayang mahahanap mo sa dulo ng mga ulap? hmmm
"Sarili ay mahahanap!" isang linyang biglang pumasok nalang sa utak ko kaya ako napasigaw. Narinig ko pang tumahol ang aso ng kapitbahay, baka akala niya kung ano nang nagyayari.
"Lilipad sa alapaap, Sarili ay mahahanap, Sa pag-agos ng musika, Ang puso mo'y madadala Ahh huh ahh huh" sunod-sunod kong basa sa mga linya na sinusulat ko habang hindi mawala yung ngiti sa labi ko dahil sa sobrang saya na unti-unti na akong nakakabuo muli ng kanta.
Inabot ko ang gitara na nakasandal sa lamesa ko saka ko ito itinono. Ang unang pag strum ay tila ba nagpabuhay pa lalo sa akin. Kinapa ko ang tono na nauna ko nang ginawa saka ko isinabay ang bawat linya na naisulat ko. 'WOW!' Yun lang masasabi ko, nakakaproud ka self.
"Ate, dalhin mo daw to kay tita" walang buhay na sabi ng bunso kong kapatid habang nakatungo sya sa pintuan ko, hawak ang isang tupperware na hindi ko alam kung anong laman.
"Sige sige, iwan mo muna sa kusina iaayos ko lang tong gamit ko" wika ko nalang saka na ibinalik sa lalagyan yung gitara ko at isinecure ang notebook ko na pinakaimportante sa lahat. Naalala ko tuloy noong nakapasok yung aso naming si Browny sa kwarto ko at nginatngat yung notebook ko ng mga kanta hayyss, yun ang pinakamasakit na araw sa lahat, mas masakit pa nung nagbreak kayo ng jowa mo char.
BINABASA MO ANG
What does my heart beat say?
FanfictionStrummer Inigo Namgeet Galvin - initial nya ay SING, pero hindi naman sya marunog kumanta. Mapapakanta kaya sya? O mananatiling tahimik at tago ang kanyang magandang tinig. Mahanap pa kaya nya ang tunay na musika sa kanyang buhay? O mananatiling t...