KABANATA 10:
Sing point of view:
" alis na ba tayo?" sabi ko naman sa kanilang lahat
" yes boss" sagot naman nila at sumakay na kaming lahat.
At umalis na nga kami dun. Siargao ang punta namin. Dami kasi magagandang isla dun kaya dun kami.
Punta kami airport kasi plane yun sasakyan papunta dun. Dami namin puro lovers. At syempre ako katabi ko ang prinsesa ko alangan naman hindi ko siya katabi diba.
"Naku po Christian galaw-galaw" pang-iinis pa ni Freddo sa kaniya kasi sya lang ang mag-isa sa upuan, nainis naman si Christian at parang mga bata na silang mag-aaway
"Tama na nga yan" natatawang sabi ko, umayos na din naman sila kasi malapit na kaming magtake off.
Ilang oras lang ay nakarating na rin kami sa destinasyon namin. Sumakay kami sa isang van papunta sa isang dalampasigan kung saan naman kami sasakay ng bangka papunta sa isla na nirentahan ko nang tatlong araw. Sigurado akong mag-eenjoy silang lahat.
"Wow, paraiso ba to?" pagkamangha ni Song nang matanaw niya yung isla
"Ang ganda dito boss" sabi naman ni Claire
"Syempre naman para sa masisipag kong katrabaho, na naging pamilya ko na din, dapat yung espesyal lang" sabi ko naman sa kanila kaya naman napangiti nalang sila
Bumaba kami dun sa isla at saka na nagtayo ng tent ang mga kalalakihan habang yung mga babae naman ay naghanda na ng magiging hapunan namin katulong syempre ang magaling naming chef
"Kain muna kayo ng prutas oh" sabi ni song habang papalapit sa amin dala ang plato ng prutas na binalatan at hiniwa na nila
"Napaka maalaga naman ng misis ni Boss" narinig ko pag sabi ni Freddo
"Kuya Freddo talaga" nahihiyang sabi naman ni Song
"Kaya nga mahal na mahal ko yan eh" sabi ko aman kaya kinilig silang lahat
"Tsk" sabi naman ni Song sabay talikod sa akin, alam ko namang kinilig sya ayaw lan niyang ipahalata dahil nahihiya sya
"Thank you Baby ko" sigaw ko naman at saka sya kumaway sa akin na parang sinasabi niyang 'okay, welcome pero tumigil ka nga dyan' hahahah
Lumipas ang araw at natapos na din namin ang lahat ng gawain namin. Dumilim ang langit at malinaw mong makikita ang napakaraming stars. Iba talaga kapag malayo ka sa city, malayo din sa polusyon.
Inilatag sa isang mahabang lamesa ang mga pagkain namin, may mga inihaw na seafoods at mga gulay, madami ding mga prutas at sabaw pa ng niyog ang inumin namin.
Sobrang sweet ni chef pati nung asawa niya kaya napapatingin nalang kami tuwing magsusubuan sila ng pagkain. Sumimple naman akong nagbalat ng hipon para isubo kay baby girl ko. Magpapahuli ba naman ako eh celebation namin ito kasi sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon akin na sya.
"Ahh baby ko" sabi ko sa kaniya
"Ayy hindi papatalo?" tawa naman niya sa akin
"Hindi talaga" sabi ko naman saka na niya kinain yung hipon na binigay ko sa kaniya
Matapos yon ay sinubuan din niya ako ng inihaw na isda
"Kala mo ikaw lang? Hindi ako pwedeng matalo" sabi pa niya
"Ayy competitive ka teh? Good yan" sabi ko kaya isinalo niya yung ulo niya para tapikin ko, ginawa ko naman at tuwang tuwa sya. Isip bata laga to.
Matapos kumain ay nagtipon kami sa paligid ng bonfire para magpahinga. Tinitingnan ko sya habang nag-iihaw sila ni claire ng marshmallows, hanggang ngayon ang taas pa rin ng energy nya.
BINABASA MO ANG
What does my heart beat say?
FanfictionStrummer Inigo Namgeet Galvin - initial nya ay SING, pero hindi naman sya marunog kumanta. Mapapakanta kaya sya? O mananatiling tahimik at tago ang kanyang magandang tinig. Mahanap pa kaya nya ang tunay na musika sa kanyang buhay? O mananatiling t...