KABANATA 6

2 2 0
                                    




Kabanata 6:

SONG Point of view:

"Antagal naman niya dumating eh" nasa kusina na ako ng resto ngayon pero sinisilip ko kung padating na ba yung jowa ko charot si Boss

"Huy anong ginagawa mo dyan?" nagulat ako nang biglang magsalita si Christian mula sa likuran ko

"Ano ka ba, bakit ka ba nanggugulat dyan?" sabay hampas ko sa kaniya

"Eh kasi nakatulala ka dyan hahaba na leeg mo sa kasisilip, sino ba kasing hinihintay mo? Si boss?" tanong niya sa akin

"Ha? Hindi ah  bakit ko naman hihintayin yon, edi dumating sya kung dadating sya, kung hindi edi wag na sya dumating kahit kailan" sabi ko pa saka na inayos yung mga ingedients

"Hmm kunwari ka pa eh. Nagdedate kayo noh!" sabi pa niya kaya muntik ko pang maibuhos yung buhat kong kahon ng mga gulay

"Hoy, naririnig mo ba yang sinasabi mo? Bakit naman nun idedate yung katulad ko, tingnan mo nga ako mukha akong... ay basta hindi ako pantay sa level nun noh!" pagdepensa ko pa

"Talaga ba? Eh bakit ka niya inihatid sa hospital kagabi?" tanong niya pa, hindi ko alam na may pagkachismoso din pala tong lalaki na to, kala ko nga minsan pipi to eh, napapanis na lang ang laway dahil hindi nagsasalita kung hindi mo pa kausapin

"Isinabay lang nya ako, kasi dun yung daan papunta sa bahay niya" sabi ko nalang pero ang totoo di ko alam kung may daan nga ba don papunta sa bahay niya ay ewan!

"Hmmm okay, pero bakit ang saya mo nung tinitingnan mo palayo yung sasakyan niya?"

"Ikaw bakit ba ang dami mong tanong ha? At bakit naman nandon ka? Stalker ka noh?" sabi ko saka sya napatawa

" stalker na nagmamahal sayo kamo hindi biro lang, nandun din kasi yung daddy ko naka confine matagal na nakita ko lang kayo sa baba nung hinatid ka niya " sabi ni christian sa akin

Pero yung utak na pa rephase sa sinabi niya " NAGMAMAHAL SAYO KAMO" may nakakagusto ba sa akin? Haha buong buhay ko walang taong naka gusto saakin kasi ugali ko parang lalaki daw eh

" so kamusta na daddy mo?" pag ibang topic ko naman sa kanya

" okay na siya at sana ma gising na siya" sabi pa niya nakikita ko yung lungkot pero nanaig yung masayahing niyang mukha sa harapan mo. at shocks comatose ang tatay ata nya.

" saan nanay mo?" sabi ko naman sa kanya

" nasa ibang pamilya na ata yun ewan hindi ko man lang ni minsan nakilala yun eh" sabi pa niya saakin

Ilang minuto may naririnig akong hakbang papalapit sa amin

"Boss!" sabi ni Christian kaya nagulat din ako, naku naman magkakasakit ata ako sa puso sa resto na to, lagi na lang akong nagugulat

" mukhang masaya ang kwentuhan ninyo auh? Himala ang aga mo pa miss intern " sabi naman ni sing na sobrang lamig naman

Ha? Maaga ?  eh? Halos opening na nga ng resto eh. Ano ba halimaw na to. Wala naman kami pero mararamdaman mo yung selos niya na parang jowa niya ako tangin* siya kamo

" may sinasabi ka miss intern?" sabi naman niya

" wala po" sagot ko naman

" at tsaka pala hindi na maaga ang pag dating mo okay? Mas na una ako nasa office lang ako kaya ngayon lang ako bumaba. Naka monitor kaya ang pagdating ninyo sa akin kaya wag na puro chismis dyan trabaho na kayo may malapit na event na ang mangyayari" sabi naman niya '

Ayy sungit naman nito, aga aga eh. May ibibigay pa naman sana ako sa kaniya para mapasalamatan siya. Pinadrawing ko sya kay Harmony, sabi ko sa kapatid ko, bukod sa kaniya meron pang isang angel dito sa mundo at yun ay ang pinadrawing ko sa kanya na lalaki. Hayyys pero ngayon nagiging demonyo na naman sya

What does my heart beat say?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon