KABANATA 8

2 2 0
                                    

Kabanata 8:

SONG Point of view:

"Sisindihan ko na ba to?" tanong ko kay Claire

"Oo sindihan mo na bumaba na sya ng car" sabi naman niya saka ko na sinindihan yung candle sa cake at binuhat yung cake papunta sa dining

Bigla naman pinaputok ni Kuya Freddo yung isang confetti dahilan para muntik ko pang maitapon yung cake, naku naman sinasabi ko na eh magkakasakit talaga ako sa puso dito hayss.

"Welcome back Boss Sing!!" sigaw namin  saka na ako lumapit sa kaniya para iabot yung cake

"Wow naghanda pa talaga kayo." sabi pa niya saka na hinipan yung sindi ng candle

"Ano naman masasabi mo Boss! Speech muna dyan" sabi pa ni Kuya Freddo

" Thank you very much sa inyong lahat. Ginawa niyo nang maayos yung mga trabaho nyo kahit wala ako dito, talagang lagi ko kayong maaasahan. At dahil dyan..." sabi pa ni Boss saka nag pause ng napakatagal. Pabitin pa sya iihh

"Ano Boss?" sabi pa ni claire at lahat kami ay nakatutok, naghihintay sa sasabihin niya

"To celebrate my recovery, papaagahin natin ang summer camp. Next week will be our three day summer camp already. Game ba kayo don?" sabi pa niya at halos mapatalon ang lahat sa tuwa, gusto ko na din magwala kaso hawak ko pa din yung cake na iniiiwas ko pa sa iba na sumasayaw na sa sobrang saya

Biglang nabangga ni Kuya Freddo yung balikat ko dahilan para ma out of balance ako. Parang tumigil ang mundo habang hawak ko ng mas mahigpit yung cake, kahit ito man lang masave ko hayyss.

Naramdaman kong dahan-dahan yung katawan ko, slow mo lang teh? Napapikit nalang ako hanggang sa biglang huminto na ako sa pagfall, sana all napipigilang mafall char.

Nakita ko sa kaliwa ko nakasalo si Boss at sa kanan naman ay nakasalo si Christian. Wow sabay pa talaga sila, buti naman may mga taong handang sumalo sa akin, sana pati sya saluhin ang nahuhulog kong puso char. Ano ba yan kung ano ano pang naiisip mo symphony eh muntik ka na naman ngang mabalian ng likod! Naku pong bata ka!!

"Oh sandali isa-isa lang" pagbibiro naman nung chief namin. Minsan lang magsalita itong si sir eh pero minsan talaga hindi ko sya maintindihan.

Tinulungan nila akong makatayo, buti safe naman yung cake, higpit talaga ng grip mo symphony bilib ako sayo, sana pati sila hindi madaling bumitaw para maiwasan kung masaktan man lang. Ayy char naku po Symphony magiging number 1 hugot girl ka na niyan eh.

Napansin ko namang lumayo si Christian at parang nahiya pa sya sa ginawa niya eh, super thankful nga akong sinalo niya ako.

"Mag-ingat ka nga lagi ka na lang nadidisgrasya" sabi pa ni Boss saka na niya kinuha yung cake sa akin

"Kuya Freddo kasi eh" pagsimangot ko naman kay kuya Freddo

"Sorry na" sabay peace sign pa ni kuya Freddo

Nag-open na kami ng resto and as usual madami agad tao na dito napipiling magbreakfast. Busy na busy agad sa kusina at maging sa dining. Napahinto naman ang lahat nang biglang huminto ang music sa loob ng resto.

"Wala bang kuryente?" tanong ni chef

"Meron naman po" nagtatakang sagot ko habang nakatingin sa ilaw

Nakita ko si Boss na lumabas ng office nya at tinanong si Kuya Freddo kung anong nangyari. Mukhang mang problema ata sa speakers o kaya sa connector. Ilang minuto pa sila nag-usap at mukhang may plano na sila. Pumasok ulit si Boss sa office nya at paglabas niya ay may dala na syang gitara. Si Kuya Freddo naman ay tinawag si Christian at inibot dito ni Boss ang gitara, naglagay din ng high chair si Kuya Freddo sa tabi ng wall na malapit sa counter. Nahihiya pa pero nagsimula nang tumugtog si Chistian.

What does my heart beat say?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon