KABANATA 3

3 1 0
                                    




Kabanata 3:

~ringgggg ringggg~

4:00 am

Agad kong pinatay yung alarm clock ko tsaka bumangon kahit hindi ko pa masyadong maimulat yung mata ko. Nag-inat-inat pa ako at muling humikab, medyo maayos naman ang tulog ko.

Dumiretso ako sa banyo para maghilamos. Pagkatapos ay tumungo sa kusina paa maghanda ng umagahan. Daily routine ko na to dahil madalas namang kami lang ni Harmony dito sa bahay.

"Rise and shine!!" paggising ko sa kanya, agad din naman syang bumangon dahil sanay naman syang gumising ng maaga.

"Maligo ka na ha, mag-aayos lang ako ng gamit ko" sabi ko at dali-dali naman siyang sumunod

Inilagay ko na sa bag ang notebook kung saan ko sinusulat ang mga nagagawa kong kanta. Iniayos ko na din ang folder ng mga copy ng lyrics na nagawa ko. Sinecure ko na din ang flashdrive na naglalaman ng mga sample songs ko, hinding hindi ko pwedeng makalimutan yon.

Ngayong araw ay pupunta ako sa isang record studio para magpasa ng mga kanta. Ito talaga ang gusto kong gawin sa buhay, maging full time composer. Malay mo yung kantang susunod mong mapakinggan ay ako ang sumulat. Yiieee sana nga.

Chineck ko ang phone ko na nakacharge pa pala. Chineck ko ang email ko. Hindi ko din sure bakit ko ginawa yon pero parang nalungkot ako nang makitang walang new message sa inbox.

Matapos ang madaliang preparation, aalis na din ako ng bahay kasama ang kapatid ko. Buhat ko sa isa kong balikat ang gitara ko. Habang naglalakad ay biglang nagvibrate yung phone ko at nagulat ako sa message na nakasulat don.

'Ms. Santiago, thank you sa mga idea na sinend mo, malaking tulong yon. At goodluck sayo'

"Wow marunong din pala mag thank you yung masungit na yon. Hmm pero bakit sya nag goodluck sa akin?" napakamot nalang ako sa ulo ko sa pagtaka pero di ko na pinansin dahil nagmamadali na ako.

Nang makarating ako sa studio ay naghihintay na doon ang producer.

"Sir sorry po ngayon lang ako, nakakahiya po naghintay pa kayo"

"Ano ka ba hija, napaaga lang ako ng dating, maaga pa oh" sagot naman niya at saka ngumiti, pati yung singkit niyang mata ay ngumingiti din kaya ang gaan lang sa pakiramdam, parang nakakawala ng kaba.

"Ready na ba yung mga kanta mo?" tanong niya

"Ahh opo" sabay abot ko sa kaniya nung flashdrive

"Okay pakinggan na natin" sabi pa niya habang isinaaksak sa computer yung flashdrive na naglalaman ng mga kanta ko. Bigla ulit akong kinabahan, pano kung hindi niya magustuhan? Paano kung hindi pala talaga ako magaling na composer?

Tumugtog na ang unang kanta, Rhythm and Blues ang genre ng kanta na yon na pinamagatan kong 'i love the rain'. Magandang pakinggan to kung gusto mong magsenti o kaya naman pang chill lang kung stuck ka sa traffic. Sinimulan ko na ang pag strum ko ng guitar, maganda ang pagkamix ko sa background music..

~ooh ooh oh yeah,  your love is just like a sunshine it woke me up every morning nothing but drama in that fightsand when a thunder rolls and a lightning strike. i hope that i forget all about you yeah when everyone else is running inside i will feel it so brand-new~

Dinama ko yung music, medyo awkward pala na pinapakinggan ko yung boses ko kasama ang ibang tao. Dumating na din ang iba pang makikinig. Naroon ang Vice Director at ang secretary nya.

~so baby let the rain fall down from heaven let it wash away every memory of you and i cause i don't want your love no more, no woman gotta bring me back, i gotta get you out of my life, i guess that's why i love the rain cause it's helping me forget all about you i don't wanna faults on your faith so i love the rain~

What does my heart beat say?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon