KABANATA 9

2 2 0
                                    




Kabanata 9:

SONG Point of view:

"alin ba mas okay isuot?" para akong mababaliw eh namimili lang naman ako ng damit. Inilabas ko lahat ng damit ko kaya sobrang kalat sa kwarto

Pumasok naman si Demi sa kwarto ko, dito sya natulog sa bahay namin para samahan ako.

"Uyy may date ka teh?" tanong pa niya at napatango naman ako

"Aba aba dalaga na pala sya, akala ko kasi nagbibinata ka eh" sabay tawa pa niya

"Tse masamid ka sana dyan" sabi ko naman at nasamid nga sya sa iniinom niyang kape

"Sino naman kadate mo?" tanong pa nya habang patuloy na nauubo

"Si boo" sagot ko habang nagtitingin pa rin ng damit

"Boo? Yung app boyfie mo? Gaga teh tagal na nun ah ngayon lang?" tanong pa nya

"At least magkikita na kami. Pero kinakabahan ako" sabi ko

"Bakit naman? Baka scammer?" sabi pa nya saka humigop ulit ng kape

"Hindi!" matipid kong sagot. Pero bakit nga ba parang umiikot yung tiyan ko sa kaba? Matagal ko na syang gustong makita kasi napalapit na sya sa puso ko. Pakiramdam ko nga mahal ko na sya eh, pero nitong mga nakaraang araw naguguluhan yung puso ko. Hindi ko lang maamin pero sa tingin ko mahal ko na din si Boss. Pano nalang yan? Yung puso ko oh isa lang!

"Teh kung naguguluhan ka sa nararamdaman mo sa kanya sabihin mo. Kasi sure ako naghihintay din ng sagot yon" bigla namang sabi ni Demi saka ako tinapik sa likod bago sya umalis ng kwarto. Anyare don ngayon ko lang sya nakitang ganon kaseryoso?

Pero tama sya, dapat maging totoo lang ako sa kung anong nararamdaman ko. At dapat pag nagkita kami mamaya final decision na ako.

Nagpatuloy na akong mag ayos, 6 pm pa yung meet up at 9 am palang hindi na ako mapakali. Ilang beses akong nagpractice sa harap ng salamin kung paano ako magpapakilala sa kaniya.

"Hello I'm boo!" sabi ko sa sarili ko pero ang awkward ng dating

"Hello ikaw na ba si Mr. Right?" luhhh anong ginagawa ko? Ang cornyyyy

"Hi I'm Symphony Olivia Nyla Grace Santiago, 23 years old" char ano daw? Parang introduction lang sa first day of school, bata ka teh? Height mo lang ang bata noh!!

"Hi! HHAAAYYYYY" at napahiga nalang ako sa kama, hindi ko alam ang gagawin ko. Bahala na siguro kung anong una kong masabi hayys.

Habang lumalapit ang oras mas lalo akong kinakabahan. 3 pm na waahhh bakit ba ang bilis?

Naglalagay na ako ng kaunting makeup para mukha naman akong tao. Isinuot ko na rin yung dress na pinili ni Demi, kasi ilang oras na akong nag iisip wala pa din akong mapili kaya sya na ang nagtingin.

" yun ganda na ng pinsan ko" sabi naman niya

"Binobola mo naman ako eh" sabi ko naman at nag tawanan kaming dalawa

Ilang oras na lang ang nakalipas. Umalis na ako ng bahay at naghintay ng taxi.

Bumaba ako sa resto. Ewan ko ba, araw-araw naman ako pumapasok dito pero iba ngayon ang pakiramdam ko dahil papasok ako bilang customer.

"Uyy anong ganap natin?" pagsalubong sa akin ninkuya Freddo na nag aayos ng placards sa labas

"Kuya ayos lang ba hitsura ko?" tanong ko pa sa kaniya, pakiramdam ko kasi mukha na akong natatae dahil sa kaba

"Maganda naman" sabi niya

"Eh bakit parang pilit? Sure ba?"

"Oo mukha ka namang tao. Sorry wala akong alam sa mga ganyan eh" sabi pa niya saka na ako pumasok sa loob ng resto

What does my heart beat say?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon