KABANATA 5

2 2 0
                                    




KABANATA 5:

Sing point of view:

Papayag kaya siya? Nakita ko siya nung papunta ako sa luxury house pumasok siya sa hospital. Siguro yung kapatid niya? Kasi hindi na dumadalaw yung kapatid niya sa pinsan niya. Kina demi walang na yung bata dun na makulit.

Wag ninyo isipin na peperahan niya ako okay? Kasi tutulungan ko lang siya para sa kapatid niya na maging okay na kung yun man yung concern niya bakit siya nandun sa hospital na yun noong nakaraan na gabi.

Madaming na message at text sa akin sa page ng resto buksan na daw kasi na mimiss na nila yung luto ng resto namin. So yeah maaga ako ngayon papunta dun. Nag text na din ako sa mga tauhan ko na bumalik na sa trabaho. Ilang minuto ay dadating na ako dun.

Ilang sandali nandito na ako. Nag park na ako sa parking lot. At nakita ko ang larawan ng aking mama

" mom? Ano gagawin ko? Paano susugal ko nanaman ang puso ko manatili lang ako bilang mortal? Paano magiging masaya ang buhay ko ibang tao ang nagsasabi sa gagawin ko? Paano ako magiging ako kung puro naman sila ganito ganyan ganito? Minahal ka ba ng tatay ko mom? Bakit ka niya iniwan mom? Bakit nagawa niya yun sayo? Ano ba ang nagawa mo para iwan ka nya at ipagpalit sa iba mom?" sabi ko sa larawan ng ina ko hindi ko namalayan umiiyak na pala ako

" mahal na mahal kita mom sobrang miss na miss kita " huling salita na lumabas sa mga labi ko at bumaba na agad ako sa sasakyan.

Pumunta na ako sa resto. Nandun silang lahat as inn pati si intern ay maaga.

" boss bakit ka naman late?" sabi niya pa sa akin, iba yung tono ng boses nya parang ang sigla, pero aba ngayon lang naman sya maaga ha

"Oo nga boss miss na miss kita kala ko di ka na dadating" saka naman ako niyakap ni Freddo

"Tama na nga yan let's get to work, madaming naghihintay sa comeback natin"

"Boss para ulit grand opening?" excited na sabi ni claire

"Oo, handa na ba kayo?" tanong ko at sabay-sabay naman silang masiglang sumang-ayon

Naghanda na kami and of course we saw what we anticipated to happen. Sobrang dagsa ng mga customer namin na namiss talaga ang mga pagkain sa resto. Busy na busy sa kusina, maging sa dining kasi hindi pa umaalis yung mga naunang customers meron na namang dadating na bago. Yung iba nga nagtake out na lang kasi wala na talagang maupuan. Naubos ang mahigit 50 na tables. Na puno lahat ng malaking pamilya at iba ay date naman. Nagulat ng ako kasi pati VIP ay na puno rin.

" okay ka lang? Kaya pa?" sabi naman bigla saakin ni intern

" oo naman ikaw?" sabi ko naman sa kanya at ang weird ko tangin* haha

" kaya pa naman " sagot naman ang ngumiti lang ito saakin

Bakit iba tibok na puso ko dun? Tanga wala lang yun syempre may puso ka alangan naman hindi titibok ang puso. Hay nako ang bobo mo talaga. Nagpatuloy ako sa pag manage ng mga guest namin. Ang kusina naman ay ng patuloy din kasi sobrang dami ng mga order na pagkain ng mga customer.

" boss, nandito na sila" sabi naman sa akin ng nasa ng isang staff namin at alam ko na kung sino ang tinutukoy niyang.

Bigla agad ako pumunta sa kusina. Kinuha ang damit ko nadala.

" intern nandyan na sila please? Ngayon na ata mag sisimula ang deal natin eh kahit hindi ka pa pumayag. Please?" sabi ko sabay puppy eye sa kanya

SONG point of view;

tangin* bakit ang kyut mo pag naggaganyan ka. Uy puso bawal ka mainlove dun okay? Payag ka dahil sa kailangan mo na ang pera.

" deal, 500 kada oras" sabi ko naman sa kanya at sumang ayon na lang siya kahit isang libo lang dapat bawat araw. Kailangan na kailangan niya nga siguro talaga

What does my heart beat say?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon