Chapter 15 | TBHG
Sobrang hangin sa pwesto namin at naamoy ko iyong tubig alat sa hindi kalayuan. Totoo ngang may private beach sila sa likod ng mansion. Nakasilong kami ngayon sa puno ng mangga habang nakaupo kaming lahat.
Medyo nahihiya pa nga ako sumabay sa usapan nila. Lalo na si Maih madalas nagtatanong tungkol sa akin at sa amin ni Nik. May hinanda na banana cake sa lamesa at orange juice. Nagkwento sa akin ni Maih na mahilig siya magbake.
"It tastes good," I commented.
Maih smiled. "Oh, thank you! Nagbabalak nga ako magtayo ng business sa Makati. I graduated culinary naman kaya may knowledge ako kahit papaano."
"Wow. That's really good. I want to be your first customer."
"Thank you, Sianna! You are so sweet!"
Kami lang ata ni Maih ang umiinom ng juice dahil ang mga lalaki ay may hawak ng beer at sila naman nag-uusap. Halatang namiss nila si Nik at kahit papaano ay sinasali rin naman nila sa usapan si Johann.
"Dude, I remember Johann got slapped by a woman here in Calatagan. Akala niya ata katulad ng mga city girls ang mga babae rito. The worst part is... may dalang itak iyong tatay!" si Hansen na nagk-kwento sa kanilang apat. Narinig ko na nagtawanan ang lahat maliban kay Johann. "He is so stupid. And his charms don't work here. He sucks at flirting!"
Johann gave him a dirty finger. "Fuck you! She is giving me the looks that she wants me. So I grabbed her ass—"
"Yuck! Manwhore ka talaga!" Maih exclaimed.
"No, Maih. I'm a gentleman, okay?"
"You are not a gentleman, Johann."
Johann looks so pissed at the moment. As if wala siyang kakampi sa usapan. Katabi niya si Valdus na nakangisi lang habang pinaglalaruan iyong bote ng beer sa kamay niya. Napailing na lang si Johann at tahimik na kumain ng banana cake.
I mean... he is so cute kapag palagi siyang tinutukso ng mga pinsan niya.
"Ano oras dadating sina Lolo at Lola?" Valdus inquired.
"Oo nga pala! Napasarap iyong kwentuhan natin. Syempre ngayon lang natin ulit nakita si Dam—" si Maih pero natigilan siya dahil iba ang tingin sa kaniya ni Nik. "Ah, si Damon kasi miss na natin sobra!"
Napanguso ako habang tinitingnan silang magpinsan. So ako lang pala ang iba ang tawag sa kaniya? They called him Damon kaysa sa Nik.
"I guess nandoon pa rin sila sa bahay ni Mayor para sa isang project," si Hansen nang itungga niya na iyong beer. "Pwede pa mag ikot si Sianna sa mansion. You know... pwede tayo magswimming sa beach o sa swimming pool."
Expected ko na swimming kami since may beach din sa Batangas. May dalawa naman akong two pieces at isang rash guard. May mga times na hindi ako confident sa katawan ko kaya nagbaon ako ng rash guard.
"Don't worry, guys, I will tour around here by myself," ani Nik. Naramdaman ko na inakbayan niya ako sa braso habang nakangisi. "Basta nasa inyo lang si Johann."
"Are you sure you are gonna tour her? Or you are gonna tour her bod—"
Namula ang pisnge ko sa sinabi ni Johann kasi binibigyan niya ng panunuyang tingin si Nik habang nagw-wiggle iyong kilay niya.
"I'm not like you, shithead!" Nik barked.
Hinampas ni Maih iyong braso ni Johann para manahimik. Napainom ako ng orange juice ng wala sa oras. Tahimik lang naman si Valdus na nagmamasid sa amin habang si Hansen ay nakangisi. Halatang parehas sila ng iniisip ni Johann.

BINABASA MO ANG
Montepalma Series 2: Trapped by His Game
RomanceS a r g e Sianna Rodriguez was terrified to get attached to someone due to her Mother's death. Natatakot na rin siya magkaroon ng pakielam sa mga tao sa paligid niya. She became the Ice Queen. That's what they named her the Ice Queen because of her...