TBHG 19

1K 29 0
                                    

Chapter 19 | TBHG

Umalis na sila Vivian at mga kaibigan niya sa mansyon. Sobrang lasing sila Gwen, Maih, Johann at Hansen. Si Valdus nga lang nagbuhat kila Gwen at Maih sa kwarto nila. Iniwan na lang daw sila ni Valdus sa buhangin na nakahandusay sa sobrang kalasingan.

Dahan-dahan ako bumangon at napapikit ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Nakita ko na tumayo si Nik na may bitbit na isang baso ng tubig at gamot. Nilapag niya iyon sa nightstand sa tabi ng kama. His eyes were intense while watching me.

"That's for your headache," he said, in a deep voice.

"What time is it?" I responded. Bumangon na ako at ininom ko na iyong gamot. Grabe ang sakit ng ulo ko. "Kanina pa ako gising pero hindi ako makabangon kasi sakit ng ulo ko."

"It's already eleven o'clock. Hindi pa ata gising ang mga pinsan ko at si Gwen. They were so wasted."

Napakurap ako. "Uh... kumain ka na ba ng almusal?"

Umupo siya sa gilid ng kama at tiningnan niya ako. Pinatong ko iyong kamay ko sa kamay niya. Napangisi siya sa ginawa ko.

"Not yet. I was just watching you sleeping peacefully..."

My cheeks burned. "Gosh! Ang pangit ko nga pala sa umaga!"

Mabilis ako tumayo para tumakbo papunta sa banyo. Narinig ko siya humalakhak kaya nainis ako sa sarili ko. Hindi ko namalayan na bagong gising nga pala ako kaya pala siya nakatitig sa akin. Tiningnan ko ang sarili sa salamin.

Napanguso ako. Namumula ang pisnge ko at sobrang gulo ng buhok ko. Napailing na lang ako at napagdesisyon na maligo na para fresh naman ako humarap kay Nik. Hindi ko nga alam kung tabi ba kami natulog kagabi. I was so drunk to even remember it!

I took a cold shower and did my simple make up inside the bathroom. I only wore an oversized t-shirt and baggy sweatpants. Lumabas na ako ng banyo at nakita ko si Nik nakahiga sa kama namin.

Hindi ako sanay. Para kaming ordinaryo na magkarelasyon.

Sinipat niya iyong itsura ko mula ulo hanggang paa. Bigla ako nahiya kaya lumapit ako sa kaniya. Niyakap niya ako patalikod habang nakasandal siya sa headboard.

"Are you hungry? Manang prepared our brunch," he whispered.

I bit my lower lip. "Nandoon na ba iyong mga pinsan mo?"

"Nandoon si Valdus. Hindi ko pa alam kung bumangon na ba iyong iba."

Hanggang sa naalala ko na nag lap dance pala si Vivian sa kaniya. Kaya mabilis ko tinanggal iyong pagkakayakap niya sa akin at pinagkrus ko iyong kamay sa dibdib. Hindi ko tanggap na sinayawan siya ng ex-girlfriend niya sa harapan ko.

"Don't hug me. Sinayawan ka ni Vivian," I hissed.

Pinatong niya ang baba sa balikat ko. "I'm sorry. Were you jealous?"

"Hindi ba halata? Mabuti na lang sinampal ko siya." Inirapan ko siya at pinaglalaruan ko iyong daliri ko para hindi ko siya tingnan. Nararamdaman ko iyong mainit na paghinga niya sa leeg ko. "Are you not disgusted? She gave you a lap dance."

"Don't be mad. I'd rather want you to give me a lap dance..."

Napapikit ako kasi nagsisiwalaan iyong mga paru-paro sa tiyan ko. Bakit ba naman kasi sobrang husky ng boses niya. Nakakapanindig balahibo talaga.

I pouted. "I'm famished. Let's go downstairs."

"Sure. Baka nandoon na rin iyong iba."

Sabay na kaming tumayo pero hindi niya pinakawalan iyong kamay ko. Pinagsiklop niya ito hanggang sa makarating kami sa dining area. Naririnig ko na may nag-uusap doon hudyat mga gising na sila. Napansin ko si Johann na tulala sa kaniyang upuan.

Montepalma Series 2: Trapped by His GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon