TBHG 17

1K 31 0
                                    

Chapter 17 | TBHG

I can sense that Nik got tensed and stiff when he saw Vivian. Mabilis siya tumalikod kaya namilog ang mata ni Maih sa direksyon namin. Wala ako nagawa kundi sundan si Nik na umaakyat papunta sa kwarto namin.

Parang pumipiga ang puso ko nang mapanood kung paano sila magkatinginan. Padabog niya binuksan iyong pintuan at mabilis niya sinuklay iyong buhok sa sobrang inis. Napalunok ako.

"Fucking hell..." He brushed his hair in frustration. He was pacing back and forth in front of me. "I will fucking kill Johann. Damn that bastard!"

Lumapit ako sa kaniya. Hinawakan ko siya sa braso at nararamdaman ko kung gaano katigas iyon. The veins on his arms through his hands are protruding in madness. I hugged him tightly behind his back. Medyo nilingon niya ako at nakita ko kung paano umigting ang panga niya.

"I'm sorry," he whispered. "You shouldn't have seen me angry."

I pouted. "It's fine. I just want you to calm down."

"I'm calm now. When you touch me... you calm the beast within me."

My heart raced when our eyes met. Nagtama ang liwanag sa katawan ni Nik. Humarap siya sa akin habang hawak niya pa rin iyong kamay ko. Sinipat ko ang peklat na nasa katawan niya. May peklat din siya sa magkabilang binti niya. Napalunok ako.

"Do you find it ugly?" he asked. His voice was so husky. "I am not perfect, Sianna. I am a beast inside out."

"You don't have to explain, Nik. You're still perfect even with your flaws," I responded.

He huffed. "I'm glad you are okay with it. I have a terrifying story behind these scars on my body. And I can't share it with you. I'm sorry."

Bahagyang nalungkot ako sa naiisip ko kung ano man ang pinagdaanan niya at saan niya nakuha ang mga peklat na iyon. Hindi ko maimagine kung paano siya nagkaroon nun. Tumingkayad ako para hagkan siya sa pisnge.

"I understand. You don't have to tell me everything about your past. Gusto ko lang sabihin sa'yo na nandito ako para sa'yo..."

"Thank you, Sianna."

Napalingon kami sa kumatok. Si Valdus iyon na nakasandal sa hamba ng pintuan. Sobrang lamig at seryoso ng ekspresyon niya habang nakatingin siya sa amin dalawa.

"Can we talk?" si Valdus na diretsyo ang tingin niya kay Nik na parang may pinapahiwatig siya. "Meet me in the study room. I'll wait for you."

Mabilis siya tumalikod paalis para pumunta na sa study room. Napapikit si Nik habang humihinga ng malalim. Siguro may importante sila pag-uusapan ni Valdus. Bumitaw na ako sa kaniya habang binibigyan siya ng ngiti.

"Go meet him. He wants to talk to you," I urged.

He glanced at me. "Are you sure?"

"Yup. I'm fine here alone. Kumain naman na tayo at naligo sa dagat. Mamaya na lang ulit."

"Okay... I won't be long."

He cupped my face and gave me a kiss on my forehead. Ngumisi siya habang naglalakad na palabas ng kwarto namin. Sinarado ko iyong pintuan at kinapa ko iyong dibdib ko. Grabe ang bilis nang tibok ng dibdib ko. Kailangan ko muna mahiga.

Tapos ngayon lang ulit nag sink in sa utak ko na nandito si Vivian. Akala ko ba mga dumating ay mga chicks lang ni Johann? Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nandito siya. At parang kakaiba ang tingin niya kay Nik. Habang si Nik ay parang nagagalit kaya pinakalma ko.

He was frustrated and tensed. I don't really understand. Alam kong may past sila at sa tingin ko naman naka move on na siya kay Vivian. He looks like he had a rough past with her.

Montepalma Series 2: Trapped by His GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon