Simula (2)

15.8K 317 16
                                    

Bilang anak sa labas, kailangan mo pang patunayan ang sarili mo at makaani ng magandang pangalan para matanggap ka ng tuluyan ng iyong ama. To be given this fate, I learn how to persevere on my own and earn a criminology degree.

To have this destiny, has also a disadvantage if financial stability is the subject, I only earn enough salary from my work. I have a cancered patient mother who has daily medicine maintenance. Nagkanda-utang utang ako para mapagaling lang si Mama. Dahil noon, I have no high credit history, walang mga bangko at lending institution na magpapautang sa akin dahil isa pa akong estudyante at walang trabaho si Mama, kaya sa mga kapitbahay ako nangungutang na sobra ang laki ng interest. Those debts made my life miserable.

Kaya ngayon, ginagalingan ko sa trabaho para lang mabigyan ni Papa ng kahit maliit na sustento bilang isang anak. He needs to earn an achievenment from his children. Isang fast food chain and telecommunications CEO ang Papa ko kaya kahit sinong anak niya na magiging topic dapat maganda ang balita na lumalabas. You should not shame an elite's name.

Pero ngayon...

"You are suspended, Salavier!" anang hepe ng estasyon kung saan ako naka-assign. Napapitlag akong nakayuko sa harapan niya. Hindi talaga maganda ang loob ng chief namin dito tungo sa akin. "Kapag binibigyan kita ng misyon, you always fail! You're inefficient! Kagabi! Pinagkatiwalaan ko kayo ni Lorenzo na mahuli ang drug pusher sa sitio na 'yon pero hinayaan niyong patakasin! Nakabaril ka pa ng inosenteng bata, Salavier!"

Masyado ko ng dinidibdib ang kabiguan ko sa pagtugis ng ultimate drug pusher sa sityo na iyon at dumagdag pa sa pinoproblema ko ang nabaril kong bata. Hindi masyadong kritikal ang lagay kaso sa paa ko aksidenteng natamaan. I was so unfocused yesterday because of the worsening condition of my mother that lingered on my thinking.

Tapos nang humingi ako kay Papa ng tulong, binaliwala ang pride at kahihiyan, ipinagtabuyan naman ako ng asawa nito. Like, his wife has a control of his phone!

"Pagtatakpan kita sa ginawa mo at sasabihin na aksidente iyon! Pero hindi ko kailanman sasagutin ang hospital bills ng bata!"

Buong sigaw ding ipanaglandakan sa akin ni Cheif ang halos mga bigo kong misyon sa mga nakaraang buwan! Minsan nga, hindi na niya ako binibigyan ng trabaho dahil sa mga kapalpakan ko.

Pagkatapos ng mala-giyerang galit ng head of police ng estasyon ay lumabas akong bigong-bigo. I sat on my chair, sighing out my problems.

"Suspendido ka, Lest?" tumango ako ng marahan kay Lorenzo. May awa niya akong tinapak.

"Puro kasi kapalpakan," may narinig akong komento sa ibayong gilid. Isinawalang bahala ko iyon dahil totoo naman.

"Huwag kang mag-aalala. Tutulungan kita sa pagpapagamot 'nong bata," mahina akong nag-angat ng tingin sa kaibigan.

"Huwag na, Darius."

Ang noong maligayang opisina namin ay napuno ng katahimikan. Alam nila ang pinagdadaanan ko ngayon, pero iyong iba ay may nililihim yatang galit sa akin para hindi maka-simpatiya.

"I insist. Kaibigan mo ako, par. Ilang linggo ba?"

"Dalawang buwan," puno ng sakit kong tugon. Saan ako kukuha ng pantustus sa pangangailangan ni Mama sa mga buwan na iyon.

My mother's illness really depresses me. Iniisip kong mawawalan ako ng kakampi at kasama sa mundong ito, sobrang-sobra na ang sakit.

"Ganoon katagal? Paano ka? Iyong Mama mo?" Darius Lorenzo is my bestfriend since college. Kilala na namin ang isa't-isa kaya hindi ako nagmamalisya kapag sobrang concern siya sa akin.

"Maghahanap ako ng trabaho. Basta, par. Ako na bahala 'don. Huwag mo na akong isipin," ngiti ko sabay tapik sa kanya with my usual manly tapped like that of big brothers. We're both male by heart.

Coveting My Bodyguard's Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon