Kabanata 5: Matchmake

7.7K 264 19
                                    

•CELESTE'S POV•

DAYS passed, ganoon pa rin ang takbo ng buhay ko. Walang pagbabago. Puno pa rin ng problema. Malungkot pa rin. The sun shone brightly but I see the weather so gloomy.

It is odd to see people smiling if you are in the hospital. Or maybe, it's their way to cope up with their emotional burdens. Paano naman naging ngiti ang sagot sa problema?

Nanlulumo ako sa kadami ng mga neresetang gamot ng doktor. Mama is undergoing her chemo. The medicines in her list just broke me.

Gusto kong maging matatag sa kabila nito pero nag-iisa ako. May pera na ako sa kanyang pagpapagamot pero nasasaktan ako kung hanggang kailan siya makakaranas nang paghihirap.

Sinilip ko muna si Mama na natulog na pagkatapos naming magkwentuhan kanina. I kissed her forehead before heading to the outside.

Bibilhin ko ang mga gamot niya.

Nasa pharmacy ako nang tinawagan ako ng agency patungkol sa trabaho ko. It will be my first day today. Naisip ko ang mukha ni Congressman at iyong maganda niyang kapatid na crush ni Darius. Nakilala ko siya nang inimbitahan ako ng Congressman sa mansion nila.

She's sweet and you will admire her instantly. Weirdly, I don't feel the spark. Sayang! Ang ganda pa naman 'non.

Pagkatapos kong mamili ng gamot ay umuwi muna ako para makapagbihis. I wore my fitted trousers and white t-shirt.

Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko si Nunsa. She's beautiful with her office outfit. Matagal ko na siyang kilala. Magkapit-bahay na kami mula noon. Half-Filipino half-Thai.

Siya talaga ang nagmamay-ari ng puso ko. Na ngayon ay nagtatalbog na sa saya. My lips automatically formed into a smile.

Inabot ko ang gumamela na bulaklak sa bakod ng katabing-bahay namin at inayos ang aking buhok.

"Nunsa!" tawag ko. Lumingon siya kaagad at kumaway sa akin with her loving smile. Hay. Kung tumatanggap lang talaga ang pamilya niya ng tomboy na manliligaw ay baka naglakas ng loob na akong manligaw.

"Lester!" nang makalapit ako ay siya na ang yumakap sa akin. Friendly hug ang tawag niya rito pero para sa akin, pampapakilig na ito ng mga dugo ko sa katawan. "Kumusta? Hindi na kita masyadong nakikita sa inyo."

Tinitingnan pala ako nito. Lumiyab naman agad ang pag-asa sa puso ko.

"Ah. Tinulungan ko mga kapatid ko," alam niya ang lahat sa akin. Magkaibigan kami at siya ang tinatakbuhan ko sa tuwing may kailangan akong e-kuwento.

"Na naman. Anyway, congratulations kay Celestina. She won. Ang ganda ng sagot niya doon, ha," ako kasi iyon eh.

"Oo. Salamat," tinago ko iyong bulaklak na dala.

"Ikaw! Kumusta ka naman?"

"Okay pa sa alright. May sasabihin sana ako sa'yo kaso bihira na lang tayong nagku-kwentuhan," masayang-masaya niyang tugon.

"Ano iyon? Sabihin mo na. Baka magiging busy na naman ako sa trabaho at hindi na nga makakapag-usap..."

"Kami na ni Charles! Sinagot ko na siya, Lest," tili niyang alog sa balikat ko.

Coveting My Bodyguard's Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon