Kabanata 18: In Love

7K 275 106
                                    

•CELESTE'S POV•

NATAPOS na ang isang buwan na paninirahan ko roon sa condo ni Cong sa Maynila. Days flew so fast and his feelings too changed. I had been wondering why the sudden change of direction.

Posible ba talagang titibok ang puso niya kahit lalaki ako sa kanyang paningin? Nakatatak sa aking isipan ang gabi noong kaarawan ng kanyang Lolo.

Lalaruin niya ang laro na nilalaro ko? Nagtataka na siya sa totoo kong pagkatao na kinatatakutan ko nang husto.

Kahit may maraming katanungan sa kanya ay hindi nawawala ang kanyang pagkamaasarin sa akin. I don't know when I will get used to his attitude.

Dahil maaga masyado akong nagising ay pinagkakaabalahan ko munang linisin ang kanyang sasakyan. I can't sleep properly these past days because of him.

Paulit-ulit na sumasalida sa isip ko ang mga sinabi niya noon. Hindi mawawala sa isip ko Ang lahat ng iyon.

He will pursue me?! Dios mio! I don't know how to react to that awful statements!

Lalaki ako! Paano niya gagawin iyon?! Magmumukha siyang bakla kapag nagkataon. Did he consider the idea that I am this? Nagbubulagan siya sa mga katotohanan sa paligid.

Ang tanging alam ko lang ngayon ay nag-aalala ako sa pakikitungo ni Celestina sa akin. Hindi ko gustong pinag-aawayan namin ang isang lalaki. Sanay akong magparaya pero may parte sa aking gusto ring ipaglaban ang gusto ko kahit maling tingnan.

"Magandang umaga," I heard someone when I was cleaning the tire with the water from the hose. Nag-angat ako ng tingin nang makita ang bagong working scholar ni Congressman. Kahapon ko siya nakilala.

He's an engineering student. Mga ganoong degree ang binibigyan ni Cong ng prebelihiyo na magiging scholar niya. Maybe because he is an engineer. In return to the free tuition fee and all, Castor will work as the new driver of Ythena and Catalina.

"Magandang umaga," sa pagod na boses kong bati. Abala pa rin sa paglilinis ng gulong. Lumipat ako sa front tire.

"Pinapatawag ka po ni Tatay Ernesto para sa umagahan, Kuya." Tinitigan ko lamang siya at tumango. "Gising na raw po si Sir Tyvian."

Pumikit ako nang mariin sabay tango. Wala akong planong makipagsabay sa kanya ng umagahan. Kahit isang beses lang sa buhay ko! Let me rest from seeing him!

"Sige, susunod ako---"

"Good morning, baby!---Oh, Castor." Tumayo na ako. Nabigla sa tinawag. Humaharap ako na walang emosyon kay Congressman. I gritted my teeth of the word he called me.

Sige! Explain mo iyan! "My car is my baby." Lusot nito sabay haplos ng hood ng sasakyan. "Pwede mo ba kaming iwan, Castor?"

"Opo, Sir," walang alinlangang umalis si Castor dito sa garahe-an na dumaan sa pathway papunta sa other side ng bahay.

"Ano na namang trip mo ngayong araw? Wala ako sa mood makipag-usap sa'yo." I smirked staring at his pajamas with bold upper body. His nakedness added to my irritation.

Lumingon siya sa paligid. Wala pang tao dahil mukhang kagigising lang din ng mga ito. Alas otso pa ang duty. Then, here's Cong advancing to me reaching for my hand.

"I want my energizer for the day." His smile is radiant and enticing but his eyes were amused so I know that he is just teasing me again.

"Uminom ka ng energy drink. Wala akong mahika para sa mga gusto mo. Kung ano man iyan," bawi ko sa aking kamay ngunit mas lalo lang niya akong hinila papasalampak sa kanyang dibdib.

His chuckles annoyed the hell out of me.

"Oh? You are magical, Lester. You make me an addict of your lips. Let me demonstrate that to you." Pinoproseso ko pa ang nga sinasabi niya nang dumampi ang mga agresibo niyang mga labi sa akin.

Coveting My Bodyguard's Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon