Kabanata 4: Caught

6.9K 249 13
                                    

•CELESTE'S POV•

NAKAHINGA lang ako nang matiwasay at maayos nang makarating ako sa kwarto na tinutuluyan ko rito sa hotel. Pinagkakaguluhan ako ng mga tao sa paglabas ko doon sa coliseum. I think it will be disrespectful if I will not be seen at the media reception, but I need to give the crown to my sister. Ito ang pinag-usapan namin.

Nangangati na rin ang katawan ko na hubarin ang heels, gowns, make-up, wig, sash with Binibining Cebu 2020, and the crown. True man should not be wearing female things. Tsk.

Nagpapasalamat ako kaagad sa mga angel nang naabutan ko rito sa Celestina na nakadamit na pareho ng sa akin at nakalugay ang mahabang buhok.

Nanghihina akong umupo sa kama buhat sa halong-halong nararamdaman doon sa stage. People freaks me out. Attention made me sick.

"Thank you, Lest! You did great!" masayang sigaw ng kapatid ko. Tumango lang ako.

Hinubad ko ang korona pati na iyong mga sash na natanggap. Agaran siyang lumapit para kunin ang korona. Manghang-mangha siya na tila ba ang pangarap niya ay nasa kamay na niya. Yes, her dream is in her hands now.

Napangiwi ako. My heart sanked at the thought of it. Ang korona lang ang mahalaga sa kapatid ko. Thank you is just enough to pay all my hardwork in that stage and of course the five hundred thousand pesos. Siguro ay para sa kanya ay iyon lang ang makapagbabayad sa lahat ng pinaghirapan ko.

She did not even hug me. Nakakatampo, ha.

Naiintindihan ko. Baka hindi pa siya nakaka move on pagkakita sa korona.

"My team secretly got me in here. Ako na ang haharap sa interview mamaya. You should rest for now, Lest," tumango lamang ako. Hindi ko gustong makipag-usap sa kanya. Nakakawala ng respeto.

But I maybe, I should be a more understanding brother. Hindi ko alam ang pakiramdam na makakuha ng korona kung ito ang pangarap mo. Hindi ako masaya na naabot ko ang pagkapano dahil hindi ko naman ito pangarap. Masaya ako dahil naipanalo ko ang pageant para kay Celestina, pero hindi niya nakikita iyon. Baka sa ngayon...dahil nasa korona at sash pa rin ang atensyon niya.

"The money..." wala akong pakialam sa sasabihin niya kung mukha akong pera. Iniisip ko ang ina namin na mukhang hindi nga niya naiisip.

"It will be deposited in your account. Don't worry," umupo siya sa tabi ko. Nakikita kong masaya siya at magiging masaya na rin ako.

Iba ang buhay na pinanggalingan namin. Hindi niya maiintindihan ang hirap ko at hindi ko kailanman maiintindihan ang karangyaan na natatamasa niya.

"Kumusta si Mama?" tanong ko dahil iyon lang ang bagay na may pakialam ako.

"Maayos naman. I gave her all the treatment she needs. Binayaran ko na rin ang chemo niya para masimulan na sa mas lalong madaling panahon," kung gaano ako kasaya sa sinabi niya ay ipinahiwatig ko iyon sa pag-iyak.

"Salamat," nauutal kong sabi. Ito ang pinakamasayang narinig ko sa gabing ito.

"I am not a bad daughter, Lest. You can come to me whenever you need help. Nagawa ko ito dahil hindi ito alam ni Tita Amanda. Ayaw niyang naglalabas ako ng pera para kay Mama. Malalaman niya baka mamaya o bukas, but I can manage her."

Tumango akong masayang-masaya. Niyakap ko siya at tinapik.

"Salamat sa pagkakapanalo," nagsisisi tuloy ako bigla at hinusgahan ko kaagad ang inasta niya kanina. Baka tama ako, manghang-mangha lang siya sa nakikita korona.

"Para iyan sa'yo."

Hinayaan ko siyang suutin ang korona na para talaga sa kanya habang nagbibihis ako ng mga panlalaki kong damit. Fitted black jeans and gray hoodie paired with a Nike shoes. Tinulungan niya akong ayusin ang buhok ko. She waxed it perfectly.

Coveting My Bodyguard's Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon