Chapter 10: Casting Call

692 61 5
                                    




Nang tinawagan ako ni Neri para i-discuss ang kontrata at para na din pumirma ako just in case okay sa akin ang mga terms and conditions, pagpasok ko pa lang sa opisina ng Spring Rain Productions, nakita ko agad ang mahabang pila ng mga teenagers.

Most of them were girls.

Tinanong ko ang guwardiya at sinabi ni Manong na may audition para sa next movie na iso-shoot.

Pagpasok ko, imbes na pumunta sa opisina ni Neri, lumapit ako sa pila at tumayo sa likod ng isang babae na siyete ang gupit.

Naalala ko tuloy si Maricel Soriano sa mga lumang pelikula niya na napanood ko dahil ganoon kaikli ang buhok ng babae.

Maputi siya at makinis ang kutis.

Butch ang dating niya at sa isip ko, kung marunong din siyang umarte, pwede siya sa role ni Tonette.

Umikot ang babae at humarap sa akin.

"Mag-audition ka din, Ate?" Maganda ang smile niya at saka mukha namang mabait.

Tumingin sa akin ang babae na nasa harapan niya.

Singkit ang babae, maikli din ang buhok at may bangs.

Kung ang kausap ko eh butch, ito namang isa eh very girly.

Yung suot na manipis na pink na headband eh may nakadikit na My Melody toy.

"Hindi. Nakikiusyuso lang. Kayo?"

Napansin ko na kinawit ng babae ang braso niya sa braso ng kausap ko.

"Opo. Susubukan namin at baka sakaling makapasok."

Matipid ang ngiti niya na parang nahihiya.

"Anong role naman ang gagampanan ninyo?" Tiningnan ko siya pati ang kasama niya.

"Ako po, I will read for the part of Tonette. Siya naman," Tinuro niya ang katabi, "babasahin po niya ang part ni Mindy."

Dahil full mode na ang curiosity ko, tinanong ko kung ano ang pangalan nila.

Si girl na maikli ang hair eh Alexandra. Alex daw ang itawag sa kanya.

Ang kasama niya naman, Gabrielle. Gabbi for short.

Nagpakilala din ako sa kanila.

Tiningnan ko silang dalawa.

Ang sweet nila sa totoo lang.

Itong si Alex eh inaayos pa ang buhok ni Gabbi.

Ito namang si Gabbi eh ang higpit ng hawak kay Alex na akala mo mawawala ito.

"Kayo ba?"

"Hindi po." Sabay silang sumagot.

Nagblush sila pareho.

"Hindi daw?" Tukso ko.

"Hindi nga po." Depensa ni Alex.

"Bestfriends lang po kami." Sagot naman ni Gabbi.

"Okay." Nagkibit-balikat ako.

Bestfriends.

Ilang beses ko na ding sinabi iyan kina Mama at Papa dati.

Pero kapag kaming dalawa na lang ng bestfriend ko sa kuwarto, ang mga bagay na ginagawa namin ay higit pa sa magbestfriend.

May lumapit sa amin na babae na nakasuot ng headset.

Maliit siya, mataba at super-iksi ng buhok na kulay green.

"Kayo na ang sunod." Sabi niya kay Alex at Gabby.

Napatingin siya sa akin at pagkatapos eh ngumiti.

"Pwedeng sumama sa kanila?"

"Okay."

"Thank you."

Sumunod ako kay Alex at Gabbi.

Pagpasok namin, ang una kong nakita eh si Kyle na salubong ang kilay habang nakikipag-usap kay Neri.

Nahalata niya yata na nakatingin ako sa kanya kasi bigla siyang tumingin sa kinatatayuan ko.

"You're here." Tumayo siya bigla.

Hindi ko alam na nandito din pala siya.

Tumayo na din si Neri at niyaya ako na lumapit sa kanila.

Napatingin tuloy sa akin si Alex at Gabby na tumigil sa paglalakad palapit sa harapan.

"Perfect timing, Maria." Iba ang aura ni Kyle ngayon.

Hindi siya masungit.

Kinabahan ako.

"We can use your help." Pinaupo niya ako sa gitna nila ni Neri.

"Bakit naman?" Pinatong ko sa sahig ang dalang bag.

"Help us to choose." Sagot ni Kyle.

Pinatong pa niya ang kamay sa silya kaya parang nakaakbay tuloy siya sa akin.

"Malay ko naman sa mga ganyan."

Sinulyapan ko si Alex at Gabby.

Tinuturo sa kanila ng isang babae ang X sa sahig at mukhang doon sila tatayo.

Hinila ni Gabby ang kamay ni Alex at tinapakan nila ang X.

"Do you like to watch movies?"

Ini-English na naman ako nito ni Kyle.

"Yes."

"Good." Nag-smile siya.

"Then pretend you are watching a movie...live."

"Okay."

Nang ready na si Alex at Gabby, nag-hi sa kanila si Neri.

Nagpakilala siya  at tinanong niya ang pangalan ng mga ito.

Sa mga mata nila, halatang kabado.

Pero hindi naalis ang ngiti sa mga ito.

Naramdaman ko na gumalaw ang balikat ni Kyle.

Paglingon ko, muntik ng tumama ang mukha ko sa lips niya.

Ngumiti lang siya.

Ngumiti na lang din ako dahil ano bang gagawin ko?

Naamoy ko na naman ang pabango niya.

Bumalik sa isip ko ang mga bagay na naisip ko noong gabing nalasing ako.

At ang mga mata niya, parang matangpusa.

Pero hindi katulad noong una kaming nagkakilala, hindi siya mukhang mangangain ng daga.

Sa malapitan, ang puti at ang ganda ng ngipin niya kasi straight.

May braces siguro siya noong bata pa.

O baka naman gumagamit siya ng whitening toothpaste kasi nakakasilaw ang kulay?

At ang mga labi niya, ang pula.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Are you okay, Maria?" Napansin niya yata na nakatitig ako sa lips niya.

"O...oo naman."

Nag-smile siya ulit.

Ano bang nakain nito at ang bait yata sa akin ngayon?

"Direk, ready na po sila." Lumapit ang babae papunta sa camera.

Inangat ni Alex at Gabby ang hawak na script.

Nag-abang ako ng susunod na mangyayari.

Off Script Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon