Chapter 11: Red Wine, White Wine

739 65 5
                                    

A/N:

Hello sa inyong lahat.

Salamat po sa lahat ng nagbabasa at nagco-comment sa story na 'to.

I've been updating kasi feel ko lang. Haha!

Kidding aside, since most of us are at home, baka naghahanap kayo ng mapaglilibangan.

I hope this story is worth your time.

Depressing at scary ang sitwasyon ngayon kaya sana, sa ganitong paraan eh maaliw kayo.

Take care of yourself.

Xoxo :)

***

"I'm beat."

Ito ang nasabi ni Kyle pagkasalampak sa booth sa restaurant na ang pangalan ay Domenico's.

Hindi naman talaga ako dapat kasama pero nagpumilit sila ni Neri.

Malaki daw ang pasalamat nila na dumating ako at tinulungan sila na salain ang  natitirang sampung pares ng naga-audition.

Mas kilala ko daw kasi ang character ni Tonette at Mindy.

Pagpasok pa lang namin, ramdam ko na hindi ito pipitsuging kainan.

May malaking chandelier sa lobby at magkahiwalay ang bar sa sit-in restaurant.

Ang mga waiter at waitresses, parang mga penguin ang itsura dahil sa suot na black and white tuxedo.

English din sila kung magsalita.

Mukhang regular na si Kyle at Neri dahil ng salubungin sila ng host, first name basis ang bati nito kay Kyle.

Alam na din ng babae kung saan kami ipupuwesto dahil niyaya niya kaming sumunod sa kanya at dinala niya kami sa sulok na booth malayo sa ibang guests.

Kinuha ko ang makapal at mahabang menu sa lamesa.

Dumako agad ang tingin ko sa presyo.

Ang pinakamura ay ang soup sa halagang P350.00

Napalunok ako.

Hindi naman siguro nila ako pagbabayarin dahil niyaya nila ako dito di ba?

Nakakaout-of-place na nga dahil sa nakasimpleng blouse lang ako, capri pants at sandals, can't afford din ako.

"I cannot believe there were eighty people who showed up." Himinas ni Kyle ang sintido.

Napansin ko na nangangalumata siya.

Halatang-halata dahil maputi siya.

Pero kahit nagmukha siyang panda, hot na hot pa din ang hitsura niya.

"Kyle, we're here to take a break from work." Sabi ni Neri.

"Ang mabuti pa, pumili ka na ng makakain para hindi masyadong gabihin si Maria."

Napangiti ako sa thoughtfulness ni Neri.

Nang niyaya nila akong sumama, tumanggi ako dahil naisip ko si Henry.

"How old is your brother?" Tanong ni Kyle habang pinagpapatong-patong ang mga Monobloc chairs.

"Eighteen."

"Pwede na pala siyang iwan eh." Sabi ni Neri.

"If it's okay with you, I'll take you home." Mungkahi ni Kyle.

Magproprotesta sana ako pero biglang nagsalita si Neri.

"Sige na. Pumayag ka na. Think of this as a thank you sa tulong mo. It helps to have one more fresh set of eyes lalo na at pagod na kami ni Kyle kanina." Ngumiti siya at napansin ko ang maliliit na dimples sa gilid ng labi niya.

Hindi na ako tumanggi.

Tinawag ni Kyle ang waiter at sinabi na ready na kami umorder.

Todo ang ngiti ng lalake na akala mo eh member ng K-pop boy band dahil sa bowl cut na gupit na bumagay naman sa kanya.

Ang order ni Kyle, steak na may patatas. Si Neri naman, baby back ribs.

Dahil hindi ako natapos sa pagbabasa ng menu, ginaya ko na lang ang order ni Kyle tutal bihira lang akong kumain ng steak.

Ang mahal kasi ng baka bukod sa ang tagal palambutin.

Nang magtanong ang waiter kung ano ang gusto naming inumin, Cabernet Sauvignon ang sinabi ni Kyle. Si Neri naman, Stella Artois.

Ar-twa pala ang pagkakasabi noon.

Akala ko kasi Artoys.

Nang ako na ang susunod na tatanungin, hindi ko alam kung ano ang oorderin pero ng nakita ko  sa display ang pangalan ng isang wine na hindi ko kilala at iyon ang sinabi ko sa waiter.

Pagkasabi ko, kitang-kita ko na pinipigil niya ang tumawa dahil pinaglapat niya ang mga labi.

Pi-not Grig-yo. Sabi ko.

Anong nakakatawa doon?

Nagsalubong ang kilay ni Kyle dahil sa reaksiyon ng waiter.

Hindi napansin ni Neri ang pagsimangot ni Kyle dahil nakatingin ito sa phone niya.

Kahit hindi ko alam ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang expression ng waiter, ramdam ko na mali ang pagkakasabi ko sa pangalan ng wine.

Bihira akong pumunta sa mga ganitong klaseng lugar dahil wala kaming pera.

Sanay ako sa Jollibee, Chowking, Mang Inasal dahil sa unli rice at minsan sa McDo dahil paborito ni Henry ang Big Mac at McFlurry.

Pero hindi porke't ignorante ako sa mga ganitong lugar eh may karapatan ang waiter na pahiyain ako.

"Anong nakakatawa ha?" Mataray na tanong ko sa waiter.

Nag-angat ng tingin si Neri. Nagulat sa lakas ng boses ko.

"What's going on?"

"Eh itong waiter na 'to eh nakakaloko ang ngiti."

Namula ang tainga ng waiter dahil napahiya.

Iyong ibang customers, napatingin sa booth kung saan kami nakaupo.

"Why don't you just get our order will you?" Sabi ni Kyle.

"Yes, ma'am." Yumuko pa ang gago na akala mo eh kung sinong inosente.

"Tarantadong iyon. Akala niya siguro palalampasin ko ang ginawa niya." Kumukulo ang dugo ko sa galit.

Kahit air con sa restaurant, bigla akong pinagpawisan.

"Calm down, Maria. You're making a scene." Saway ni Kyle.

"Eh ano naman? Hindi porke't hindi ko alam kung paano sabihin ang pangalan ng mga pinot-pinot na iyan eh babastusin niya ako."

"Technically, he didn't do anything like that." Katwiran ni Kyle.

"Hindi hayagan." Sabi ko naman.

"Nakita mo naman ang reaksiyon niya di ba? Pigil na pigil siya sa pagtawa."

Hindi nakasagot si Kyle.

"Ang mabuti pa, aalis na lang ako. Nawalan na ako ng gana."

Tumayo ako at nagmamadaling lumabas ng restaurant.

Kahit hindi ako lumingon, alam ko na pinagtitinginan ako ng ibang customers.

Off Script Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon